"Anak bangon na"
Dahan dahan naman iminulat ang kaniyang mga mata habang ako inaasikaso masusuot nilang mag ama. hindi ko kase natapos kahapon dahil nakatulog ako.
Narinig ko din bumangon si rod habang nagmumumog sa labas. sinundan naman nito ang kaniyang anak habang inaabot sa kanya yung toothbrush.
"Goodmorning mahal"
"Goodmorning mama"
Habang nakangiti mga ito saka ko na sila pinapunta sa mesa para kumain na. ginising ko na din sina clifford at mama pati na din si papa para sabay sabay na kaming kumain.
"Thanks God sa araw araw na inyong biyaya"
Huli sa mga pasasalamat sa diyos na binigkas ng aking anak saka na kami nag-umpisang kumain.
7 AM ng makatanggap si rod ng tawag mula sa kanilang main company and mukhang mahalaga ito. hindi na nakapag paliwanag pa si rod saka na mabilis na nagpaalam habang kami naman nagpahatid nalang kay clifford dahil iisa lamang ang kanilang school na pinapasukan.
Nakapasok na si rodlley sa school habang ako hindi parin mapakali kung ano yung pinagmamadalian ni rod. dahil sa labis na pag aalala tinawagan ko siya ngunit hindi naman ito sumagot kaya nag iwan na lamang ako ng mensahe.
"Aelly Sanchez tama?"
Nagulat naman ako ng bigla akong abutan ng isang nakabox ng isang babae.
"Ako nga ...t-teka para kanino ito?"
Pagtataka ko habang tinitignan ang bagay na nakapalagay sa isang box at pang mayaman ang pambalot nito.
"Pinabibigay lang sayo nung isang babae sayo. hindi na siya nagpakilala basta ang sabi iabot ko lamang ito sayo"
Tinanggap ko na yun saka na umalis yung babae habang ako nagtataka padin. binuksan ko na ito ng sandaling hindi na ako mapakali and sobrang gaan lamang nito.
Pagkabukas ko nagulat na lamang ako kase mga letters ito mula kay vince na ibinigay ko noon sa kaniya. panahong kami pa ang magkasintahan.
Ibinaling ko ang aking sarili sa babaeng sinasabi nung nag-abot sa akin ng mga ito ngunit wala akong makita.
"Mama ano po yan?"
Tanong ng aking anak saka tumabi sa akin. sinabi ko nalang na lumang gamit kaya hindi na ito nagfollow up question sa halip nag-aya ng umuwi dahil gusto niya na raw makita lolo at lola niya.
JANA POV
"Hahaha"
Nag apiran kami matapos ang mga nangyari kanina. kakatawa talaga si aelly dahil sa mga nakita niya.
"Do you really think hindi yun malalaman ni aelly na nanggaling yun mula sayo?"
Tanong sakin ni sab habang iniinom ang kaniyang favorite drink. huminto ako saglit at humarap sa kanya.
"Hindi yun ...wala naman siyang alam na kinuha ko sa bahay nila vince mga yun. ang alam kasi ni aelly na matagal na yun itinapon ni vince pero lingid sa kaalaman nila na patago ko yung kinuha panahong walang tao sa bahay nila"
Paliwanag ko saka na ito humiga sa kaniyang malambot na kama. ngayon, hindi ko parin mawaglit lahat ng nangyari nitong mga nagdaang buwan na nawala sa akin si vince.
Hindi ako makakapayag na ganon na lamang yun. Pagbabayaran ko ang pumatay at sanhi ng pagkawala ni vince.
"Humanda ka Sab at Aelly"
Bulong ko sa aking isipan habang nakatingin sa babaeng kaharap, kasama at babaeng walang awang bumaril sa pinakama-mahal kong lalaki.
"Jana mag usap nga tayo"
BINABASA MO ANG
MISTAKES
RomanceGaano nga ba kadali ang magmahal? manakit at lumimot? Kaya bang iwan ang taong mahal mo dahil sa karangyaan na para sa ikabubuti ng pamilya mo? O ... Kaya mong saktan kahit pa ang mismong nagmamahal sayo ng walang labis at kulang? Sino nga ba ang ma...