Chapter 18

6 3 1
                                    

You're invited to our wedding

You're invited to our wedding

You're invited to our wedding

Don't forget to come ...

Anyway, si Rod ang lalaking pakakasalan ko

...

.....

Nagdilim ang paningin ko sa mga sandaling iyon habang tuloy tuloy na tumutulo ang aking mga luha.

Paulit ulit ding nag sink in sa utak ko lahat ng sinabi ni Sab ngayon sakin at hindi ko mapigilang hindi masaktan.

Pittttttttttt

Pittttttttttt

Isang malakas na busina ng sasakyan ang narinig ko at muntikan na akong masagasaan. humingi naman ako ng paumanhin at tinanggap naman nito kasabay ng isang payo.

Naglakad lakad ako at hindi ko na namalayan pa na napapalayo na pala ako at tila naliligaw. madilim na din sa may napuntahan ko at walang katao tao ng mga oras na yun.

Sinindihan ko ang flashlight ng aking celphone at babalik na sana ako ng may dalawang lalaki ang humarang sakin.

"Hi, mis. san ka punta?" nakangiting sabi ng isa sa kanila.

"Ahm-m ...ano ku-" hindi ko na natuloy pa ng bigla niya akong hawakan sa aking wrist.

"Sexy at maganda jackpot tayo pare!" sabi naman ng isa pa sa kanila saka nag apiran.

"Bastos ka ah!" sinampal ko yung lalaking humawak ng aking wrist kaya naman nagalit ito at muntikan na niya akong sapakan.

"Tarantado ka ah! wag mong sabihin babae ka papatulan talaga kita" nanlilisik ang mga mata nito kasabay non ang pagbuhat niya sakin ngunit isang lalaki ang dumating para iligtas ako sa kapahamakan.

Medyo masakit ang aking katawan ng sandaling matumba kami nung nagbuhat sakin at rinig ko yung galit ng lalaki at dahan dahan akong lumingon sa kanya at sa pambiharang pagkakataon muli kong nasilayan ang lalaking aking minamahal.

"Mga adik kayo magsi alisan kayo rito!" galit na sigaw nito saka nagtakbuhan yung dalawa habang ako naman tulala sa aking nakikita.

"Ro-od?" hindi parin ako makapaniwala sa aking nakikita at tila bagang may nag uudyok sa akin na yakapin siya.

Muling bumuhos ang aking mga luha ng sandaling iyon at ni sumunod na salita walang lumabas sa aking bibig at pinagmasdan na lamang siyang lumakad papalayo sa aking kinaroroonan.

"Ey ayos ka lang ba?" bungad naman ni vince na kakarating lang. siguro kung hindi lang dumating si vince ngayon marahil nagka usap kami ni rod.

Pinunasan ko ang aking mga luha habang hindi parin makapaniwalang nakita kong muli si rod. hindi ko rin maikakaila na siya yung nakita ko nitong mga nagdaang araw.

"Ayos lang ako" sabi ko habang inayos ang aking damit.

"Ano ba kasing nangyari bat napunta ka rito e ang layo layo sa sakayan ng jeep" pag aalala nito.

"Ahm-m" wala akong masagot kaya naman naglakad ako palayo saka niya ako sinundan. ayoko naman kasing sabihin na nagkita kami ni Sab at sabihin din kay vince lahat ng nalaman ko about sa kanilang nalalapit na kasal.

ROTHNER POV

Pinagsisipa ko at pinagsusuntok ang pader ng sandaling iwanan ko si Aelly na ganon ang sitwasyon. hindi ko alam kung awa o galit ang ipapakita ko sa kanya ng sandaling magkaharap kami.

Noon ang sabi ko kapag nakita ko siya maraming katanungan ang sasabihin ko sa kanya. Pero, bakit ganon?

Hindi ko maipaliwanag kung bakit natahimik at walang ni isang salita ang lumabas sa aking bibig. marami akong gustong itanong sa kanya ngunit nabaliwala yun ng dahil sa takot ko na baka tama nga sila.

Na baka kung tanungin ko siya hindi ko magugustuhan yung kanyang sasagutin.

Siguro nga panahon na din para malimutan ang tungkol sa kanya at tungkol sa aming dalawa.  sugatan akong umuwi at nakita iyon nila mom and dad kaya naman todo ang pag aalala nila sa akin. kina usap nila ko kung anong nangyari at kung bakit daw nagkasugat sugat ang aking kamao.

Hindi ko na sinabi mga nangyari at sinabihan ko silang magpapahinga muna ako. umalis naman sila kaagad pagkasabi ko saka sinarado ang pintuan.

Bumuhos muli ang aking mga luha habang iniisip ang mga nangyari.

"Panahon na siguro para tuldukan ang pagiging tanga ko" in mind.

-while closing his eyes slowly.

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon