Chapter 28

1 0 0
                                    

"S-sab?"

Hindi parin ako makapaniwala dahil nandito sa harapan ko ang babaeng tinangkang sirain ang buhay namin ni aelly.

"It seems you're being shocked, it's unbelievable right?"

Habang iniikot ang kaniyang buhok saka dahan dahang lumapit sa kinauupuan ko. tumayo ako saka siya hinawakan sa kaniyang braso.

"Hindi ba't nasa mental hospital ka? ano pa bang ipinunta mo rito sab?!"

Bumitaw siya sa pagkakahigpit ng hawak ko sa kaniya saka ako tinignan ng masama.

"As I expected, you knew about sa nangyari sakin. aren't you feel guilty rod?"

Bahagya akong nahinto sa pagsasalita habang siya naman galit at muhi parin ang nasa mga mata nito.

"Hindi ko alam lahat basta ang sabi lang sa amin ng iyong mom na idinala ka doon dahil hindi na wasto pinaggagawa mo. kaya please lang sab, kung naparito ka man upang manggulo ulit nakikiusap akong dito palang huminto kana."

Ngumisi siya saka tumawa ng malakas animo'y bumabalik sa nakaraang inasal niya. hindi ko mapigilang hindi mag isip na baka isa siya sa may pakana nitong pagbagsak ng aming kumpanya.

Ngunit, hindi rin naman ako hangal para magbintang kaagad without any concrete evidence. ayokong umabot sa puntong maging dahilan na naman ito ng pagkakasira at paggulo ng bawat isa sa amin.

"Ang lakas din ng loob mong sabihan ako ng ganyan as if you wouldn't know kung ano ang pinaggagalingan ng lahat rod! ... pinahiya mo ako sa lahat! ... kayo ng magaling mong kinakasama!"

Malakas na sabi nito at tila hindi parin siya nakakamove on sa nangyari.

"Don't worry hindi ako naparito upang manggulo. I'm here kase nabalitaan kong lugmok ang inaasahan niyong kumpanya. so, the deal is with us. if you don't mind, would you accept my ideas and advice to make up of your company?"

Sabi nito at sinabi lahat ng gusto niyang mangyari. hindi ako pumayag sa nais niya dahil ang isa doon ay ang hiwalayan ang aking asawa at muli ko siyang pakasalan [sab].

"Hindi lamang ito tungkol sa kumpanya sab. mahal ko ang aking asawa at anak kaya hindi ko maibibigay kung ano man ang nais mo. ako ang gagawa ng paraan upang mabalik sa dati ang lahat. ngayon kung wala kanang sasabihin aalis na ako. Salamat nalang"

Iniwan ko siya ng sandaling matapos kong sabihin sa kanya lahat ng yun saka bumalik sa tinutuluyan nila aelly sa san poblacion. umuwi akong malalim ang iniisip kaya naman hindi mapakali si ey at nilapitan niya ako.

Hindi ko na naitago pa lahat sa kanya dahil sa pamimilit niya at sinabi niya sa akin na alam niya na raw lahat at nais niyang makatulong. nais ko man huwag niyang panghimasukan ang problema naming pamilya ngunit pinanindigan at hindi daw siya papayag na wala nalang gawin.

Sa totoo lang hiyang hiya na ako sa kaniya dahil puro pasakit nalang naibibigay ko mula pa noon. yumakap siya sakin habang ibinubulong niyang ...

"Kaya mo yan mahal ...tiwala lang"

Napawi lahat ng problema sa bawat yakap at salita na galing sa minamahal kong asawa.

AELLY POV

Dahil sa kinahaharap na krisis ng aking asawa nagdesisyon akong pumasok sa kanilang kumpanya upang malaman ko ang problema at makatulong.

Hindi sa nagmamagaling ako dahil nakapag aral ako about sa business and lingid sa kaalaman ng lahat na may knowledge ako about sa ganito.

Pina-asikaso ko muna ang aming anak kina mama para makapag focus sa problemang kinakaharap ng kumpanya. nalaman kong may sabwatang nagaganap at tila sinisiraan ang most trusted at kilalang kumpanya ng pamilya ni rod.

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon