Chapter 8

6 3 1
                                    

Naka uwi na kami sa tinutuluyan naming condo at sobrang pagod ng aming katawan kaya ibinagsak ko na lamang ang aking katawan sa malambot na higaan.

"Hayyyy kapagod" tanging nabigkas ko at nakita kong natingin sakin si rod na medyo natatawa.

Hindi ko alam kung maiinis o ano magiging reaksyon ko ng mga sandaling iyon dahil wala akong nakikitang rason kung bakit ganon ang reaksyon niya.

Hindi ko na lamang iyon pinansin pa at tumalikod ako saka binuksan ang aking cellphone. pagbukas ko nito maraming mensahe from vince ang nabasa ko.

"Mahal?" dinig kong sabi ni rod at mabilis kong in off cp ko.

"Rod pwede bang lumabas muna ako saglit?" paalam ko at nabago iyong masayang expression niya.

"Malalim na ang gabi ah? san ka ba pupunta at sasamahan na kita?" sagot nito.

"Ahhh hindi na kailangan susunduin naman nila ako bryan at dianne" pagsisinungaling ko. si dianne at bryan kase sila yung isa sa mga tropa namin nila sheena.

"Sure ka ba diyan? kahit sa labas lang to assure na safe ka?" sabi nito habang binibigay sakin yung tinimplahan niyang gatas para sa akin.

"Rod, kaya ko na" inilagay ko yung gatas sa may mesa saka nagmadaling sinuot yung jacket ko.

"Inumin mo man lang sana yung tinimplahan ko bago ka umalis mahal" napahinto ako saka ininom yun to satisfy him at saka na ako nagmadaling lumabas para pigilan si vince sa tangka niyang pagpapakamatay.

Nabasa ko kase na hindi siya nagbibiro at wala naman akong choice kundi magsinungaling na lamang kay rod para lang maisalba buhay ni vince.

Hingal na hingal ako ng mga oras na yun at nagulat naman ako kase nasa kinatatayuan ko ngayon ang lalaking nagsasabing tatapusin ang kanyang buhay.

"Baliw ka ba vince? hindi mo alam kung gaano mo ako pinakaba!" malakas na sigaw ko habang hinihingal parin.

"Ngayon alam ko na... na mahal mo talaga ako Ey" masayang masaya nitong sabi sakin sabay yakap.

"Please naman wag mo naman gawin biro lahat vince" mahinang sabi ko sa kanya.

"Kundi ko naman sasabihin itong mga ganito hindi ka naman magpapakita sakin ey" inilapit niya mukha niya sakin at parang gusto ko ring hagkan mga labi niya ngunit may pumipigil sakin.

Mabilis akong kumalas at tumalikod sa kanya habang patuloy na lumilipad ang aking buhok dahil sa lakas ng hangin.

"Mali ito! vince ...vince ihin-" hindi ko na naituloy pa ng hagkan niya mga labi ko. alam niyo si vince ang pinaka unang lalaking minahal ko ngunit si rod ang unang lalaking nakahalik sa akin.

Huminto ako sa ganoong pangyayari na tumagal lamang ng ilang segundo saka bahagyang dumistansya sa kanya.

"Ey! ano bang nangyayari sayo?!" napasigaw ni vince. maski ako hindi ko na din alam kung bakit.

"Vince ilang ulit ko bang sasabihin sayo at ipapaalala sayo na hindi ito ang gusto ko?! ang gusto ko lang makasama ka pero walang physical affection! ayokong may mangyari sa atin sobrang makakasakit ako!" tumulo muli ang aking mga luha ng oras na yun.

"Mahal mo na ba siya?" nabigla ako sa sinabi niya.

Natigilan ako ng mga oras na yun at paulit ulit na pumapasok sa aking isipan yung sinabi sakin ni vince.

"Mahal ko na ba talaga si rod?" natanong ko din sa aking sarili habang nakatingala sa mga bituin.

ROTHNER POV

Matapos umalis sa condo ni aelly sinundan ko ito dahil gusto ko makita siyang safe. alam ko at nagtitiwala ako kay aelly na mali ang naiisip ko.

Medyo may kalayuan ang tinutuluyan namin sa pinuntahan ni aelly at nagtaka naman ako bakit dito pa sa may malapit na karagatan.

Malakas ang bugso ng alon at malakas din ang hangin kaya naman ng sandaling iyon naramdaman ko ang lamig.

Tatawagan ko sana si aelly ng oras na yun ng makita kong may katagpo siyang lalaki. napahinto ako ng mga oras na yun at pinagmasdan at pinapakinggan lamang sila hanggang sa makita at marinig ko ang bagay na hindi ko dapat pang nalaman.

Umalis ako ng sandaling makita at marinig iyon at hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. mabilis kong minaneho ang aking kotse at ... at hindi mapigilan maisip lahat ng pangyayaring mismong nasaksihan ko.

Paulit ulit na nagsisink in sa utak ko lahat.

IN HIS MIND

"Baliw ka ba vince? hindi mo alam kung gaano mo ako pinakaba!"

"Ngayon alam ko na... na mahal mo talaga ako Ey".

"Please naman wag mo naman gawin biro lahat vince"

"Kundi ko naman sasabihin itong mga ganito hindi ka naman magpapakita sakin ey"

"Mali ito! vince ...vince ihin-"

until they kissed each other.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

malakas na sigaw ko habang sobrang lakas ng aking pagpapatakbo at sa oras din na yun hindi ko na alam kung ano sumunod na nagyari.

Ang alam ko lang nabunggo ako at biglang napikit na lamang habang ang aking mga luha patuloy pa ring tumutulo.

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon