Chapter 26

3 3 0
                                    

"Ma'am handa na po ba ang inyong pagbabalik?"

Humakbang ako pababa sakay ng private plain habang ang dalawang gwardiya sa aking tabi inaalalayan ako.

"I'm-m soooooooo back!"

Tinanggal ko ang aking shades sabay naglakad palayo sa aking sinakyang panghimpapawid at nagtitinginan ang ibang tao. malamang sino bang hindi titingin sa tulad kong maganda at mayaman.

Binilisan ko ang aking paglalakad ng maramdaman kong nabo-bored ako saka umupo sa may coffee shop.

Tagpuan namin ni mr. Alvarez also known as the owners of the ALV Corp. na kalaban mismo ng company nila rod.

"Nice meeting you ms. Fuentes"

while shaking hands with him nung pagkadating niya. ibinaba ko naman ang aking bag kasama ng ilang papeles na nagpapatunay na may shareholders ako sa kumpanya niya.

"I'm glad to meet you mr. Alvarez. hope our partnership will lead us into success"

I smiled back at him while grabbing his hands. ito na marahil ang senyales para makabangon ako sa kahihiyang idinulot sakin ng pamilya Lopez at ni Aelly.

It's pay back time!

Matapos ang aming usapan nagdesisyon akong umuwi sa nabili kong bagong condo and tinawagan ang isa sa mga haters ni aelly.

Well, i supposed to hate her too. but, i want to use her as a weapon. hindi ako tanga para makipagkaibigan sa isang mababang uri at hindi ko ka-level.

"Welcome back!"

Bungad niya nung sandaling magkaharap na kami. medyo natagalan kase pagbabalik ko dito sa pinas dahil sa natamo kong sugat na galing sa mga baliw.

Yeah, idinala ako sa mental hospital and that was the worst thing I've been through ...through many months had passed.

[Pagpasensyahan na po grammar ko. I'm trying to make this character look sosyal kahit medyo sablay sa grammar wahahaha]

I'd still remember na sarili ko pang pamilya naglagay sa akin dun kahit hindi naman ako baliw. but, it's all in the past.

"So, ano na ang iyong plano?"

Tumabi siya sa akin habang pinagtitimpla ako ng juice. isinilid ko naman mga documents ko sa closet ko after non ininom ko yung matabang na juice.

"What was this? ... arg!"

Naiinis kong tugon sa kanya kaya nilagyan niya ulit upang mas tumamis yung juice.

"Ano na?"

Pangungulit pa niya and i rolled my eyes. naiirita na din ako sa kanya akala mo kung sino e dati ko lang naman siyang naging katulong.

"This is the plan"

ibinulong ko lahat sa kanya and she understand naman kung ano ang dapat niyang gawin. humanda sila dahil walang makakaligtas sa paghihiganti ng isang api.

AELLY POV

Tatlong buwan na halos ang nakararaan ng unang araw sa eskwelahan ng aming anak. heto kami ngayon nasa isang park upang panoorin sa kanilang rehearsals sa darating na programa para sa mga katulad nilang kindergarten.

Ang saya sayang pagmasdan ng mga bata especially, ang aking anak. parang kelan lang nung mga bata pa kami at nakakamis mga panahong yun.

Bigla na lamang akong napangiti at hindi na napansin nawawala na sa paningin ko ang aking anak. tinanong ko sa mga kasamahan ko rito ngunit maging sila hindi na napansin pag alis nito.

Sobrang kabado at natataranta na ako ng sandaling mawaglit sa aking paningin si rodlley. labis kong sinisisi ang aking sarili dahil sa kapabayaan ko.

"Anak-k"

Pagsisigaw ko at tumulong na rin ang iba pa sa mga kakilala ko. naiiyak na ako sa mga oras na yun at napawi iyon ng sandaling may tumawag sa akin.

"M-mama"

Sabi nito habang umiiyak at may dala dalang ice cream. hindi ko alam kung saan nanggaling yun dahil wala naman akong binigay na kahit anong pera sa aking anak.

"Saan ka nagsusuot bata ka!"

Pinipigilan kong magalit sa oras na yun dahil sa aking pag aalala ng lubos. pinagsabihan ko siya matapos upang hindi na niya ito ulitin pang muli.

Ngunit, ang nagpagulo sa aking isipan kung sino yung tinutukoy niyang magandang babae na bumili raw ng kaniyang ice cream.

Tumingin ako sa bawat sulok at bawat paligid ng kabuuan ng park na ito. ngunit walang bakas na babae na tinutukoy ng aking anak ang nakita ko.

Hindi ko na pinansin pa yun dahil baka isa lamang siyang concerned citizen na tumulong sa aking anak at isa pa malayo naman si sab.

Yun ang pagkaka-alam ko tuluyan na siyang idinala sa mental hospital dahil sa hindi na normal nitong pagkilos at pag-iisip.

Imposible ding si jana dahil wala akong nakikitang dahilan para bilhan ng ice cream ang aking anak dahil namumuhi siya hindi lamang sa akin kundi sa buo kong pamilya.

Naka uwi na kami ng aking anak at hindi ko na pinaalam pa kay rod ang mga nangyari dahil ayokong mag alala pa ito. ilang oras lang matapos din ang aming kain nung magpasya kaming tatlong magsama sama at humiga sa kakabili lang namin nung isang araw na kutchon.

Ito kase ang pilit ipinabibili sa amin ni rodlley. masakit na raw ang kaniyang likod sa papag lang at siyempre, bilang isang magulang tungkulin namin gawin ang nais ng aming anak lalo na kung sa ikabubuti din nito.

"Mama sorry po kanina"

Napalunok ako saglit saka kami nagtinginan ni rod. yumakap ako sa aking anak habang nakapagitna ito sa aming dalawa ni rod.

"Anong ibig sabihin ng ating anak mahal?"

May halong pag-aalala sa kaniyang katanungan kaya naman hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at umabot sa puntong sinabi ko na sa kanya ang nangyari.

After malaman ni rod ang tungkol doon ini-explain niya sa aming anak ang dapat at hindi dapat gawin ng isang tulad niyang bata sa ganoong sitwasyon.

Pina-alalahanan niya ito na kung maaari wag basta basta aalis sa paningin ko o kung sino pamang guardian na kasama niya para hindi maulit ang nangyari.

Ang saya ko lang dahil bukod sa sobrang gwapo at bait ng aking asawa may angkin talino din siya sa bawat payo na sinasabi niya hindi lang sa aking anak kundi para din sa akin bilang isang ina ng kaniyang anak sa akin.

"Lahat po yan tatandaan ko. i love you more mama at daddy"

Malambing na sambit ng aming anak kasabay non ang aming warmth hugs with love.

"I love you more baby"

Sabi ko sabay kiss sa kaniyang noo.

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng iyong ina ha?"

Sabay halik din sa noo nito habang kayakap parin namin ang aming big boy rodlley.

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon