Chapter 23

4 3 0
                                    

In Her Memories While Unconscious

Ey ...

Ey .....

Kamusta ka na ey?

yan lamang ang pangungulit sa akin ni vince habang abala ako sa pagre-review sa aming klase.

"Vince pwede bang tantanan mo kami ni sheena ok?!" nakasimangot kong sabi sa kanya habang binitawan yung reviewer papers ko.

"Hayy naku bes, si vince pa? hindi ka tatantanan niyan hanggat hindi mo pa siya sinasagot" pang-iinis naman ni sheena habang tawang tawa pa.

"Ano ba kasing ayaw mo sakin bat hindi mo pa ako sinasagot baby?" umusok muli ang aking tenga sa nakakarindi niyang boses.

"Isa pa vince at makakatikim ka na sakin!" naiinis kong sabi habang pinagpapatuloy ang pagreview.

Nais ko kasing makuha yung fully scholarship sa iskwelahang ito para na din less gastos sa bayarin ng aking pamilya.

"Sige na gusto kong matikman yang sinasabi mo" pangungulit muli nito habang may pa-beautiful eyes pa.

"Oh ayan tikman mo bwiset!" pinakain ko sa kanya yung papers na hindi ko na ginagamit saka tumayo at akmang aalis ng hilain niya braso ko dahilan para matumba kami sa sahig.

"Nice try baby!" pamimilosopo nito at nagsipag tawanan mga kaklase naming noo'y busy din sa pagre-review.

"Mga lovers talaga pilit pinasasakit mga mata naming singol [single]" sabi pa ni sheena habang hawak mga reviewers.

"Baliw!" sabi ko habang patayo at inayos ang aking sarili. dumating na din noon ang aming guro na napaka strict kaya tahimik na lahat. pwera sa lalaking nakatitig pa sakin habang nagpapacute.

Ibinaling ko na lamang ang sarili ko sa pagsusulit namin ngayon at naiinis lang ako kase hindi ako nakapag review ng maayos kahit sa ilang minutong natitira bago pa man maganap ang aming pagsusulit.

Natapos ng maaga iyon at bukas pa malalaman ang mga resulta kaya naman nagmadali akong lumabas sa classroom upang hindi ako abutan ni vince na ngayo'y sumusunod sa amin ni sheena.

"Ano ba naman yan vince lagi mo nalang akong iniinis! wala ka bang alam na ibang mapagtitripan?" nayayamot kong sabi sa kanya ngunit tanging ngiti lamang niya lagi kasagutan sa mga tanong ko.

"Well, wala na tayong magagawa pa kundi alam mo na" pang iinis sakin ni sheena.

"Ay ewan sa inyo! bahala nga kayo diyan" nilayasan ko sila ng mga oras na yun and thank God hindi niya ako sinundan.

Sobramg init ng araw ngayon kaya nagpasya akong bumili ng palamig malapit sa exit gate ng aming paaralan. napawi naman nito yung uhaw at matinding init na nararamdaman ko.

Lumipas ang ilang buwan at tila hindi parin sumuko si vince kakaligaw sakin at nung mismong kaarawan niya noong sinagot ko ito. sa totoo lang gusto ko naman si vince since childhood at crush namin ang isa't isa hindi ko lang siya masagot dahil ayokong madistract ako sa layuning kong makamit yung scholarship.

Sa kabutihang palad naman nakuha ko ang isa sa mga scholar ngunit hindi yun lahat. kumbaga pang 2nd place lang ako sa isang competition. pero, ayos na din yun at least, nakakuha pa naman kahit papaano.

Naging kami ni vince at tumagal kami ng ilang years siguro 2 and a half years. masaya ang naging pagsasama namin at kahit may mga tampuhan at pagtatalo minsan naaayos naman namin kaagad.

"Baby heto na yung pinangako ko sayo" inabot niya sakin yung paborito kong relo at yun ang isa sa hindi ko malilimutan. hindi man siya kamahalan katulad ng teddy bear na isa sa mga pinapangarap ko noon kaso wala siyang budget para bilhin yun.

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon