JANA POV
Nakikita mo ba ako ngayon vince?
Unti-unti ko ng nakakamit ang hustisya na para sa iyo. ilang sandali nalang at pagbabayaran ng mahal ang ginawa sayo ng mga nanakit sayo.
Hawak hawak ko ngayon ang dokumentong hinahanap ni sab sa akin. wala siyang kaalam alam na nasa akin ito at nagkunwaring isinilid ko sa mga letters na pinabigay namin kay aelly.
Yun ang tanging paraan upang magsabungan at magpatayan ang dalawa. swertihan nalang sa kanila kung sino makakaligtas at makakatakas sa inihanda kong patibong para sa kanila.
Akala nila siguro magiging tanga at walang gagawin. masyado nila akong minamaliit lalo na yang ipokritang sab na yan na akala mo kung sinong maka utos.
Ngayon, hindi ko hahayaang makawala pa sila sa ganitong patibong at sa labang ito sisiguraduhin kong ako ang magwawagi.
NO ONE's POV
Nakahanda na ang mga tauhan ni sab na pasukin ang tahanan nila aelly nung biglang tumawag ito.
"Siguraduhin yung makukuha niyo ang dokumento na nakapaloob sa isang box na pag aari ni aelly. maliwanag?"
Paninigurado nito habang bakas sa kaniya ang pangamba na baka hindi sila magtagumpay.
"Sige ma'am makaka asa kayo sa aming serbisyo"
Pinutol na ni sab ang kanilang pag uusap at saka napabuntong hininga. samantala, naghihintay naman si jana ng sapat na panahon upang magtagumpay siya sa kaniyang binabalak.
Ilang minuto matapos ang pag uusap ni sab at ng kaniyang mga tauhan sinimulan na nilang pasukin ang bahay panuluyan ng pamilya sanchez.
Mahimbing ang tulog nila habang si aelly naman hindi makatulog kaya nagpasya itong magpahangin ng bigla siyang tutukan ng baril.
"S-sino kayo?!"
Kinakabahan nitong sabi habang nagmamaka-awa sa mga ito na huwag idadamay ang kaniyang pamilya.
"Kung ayaw mong masaktan ibigay mo sa akin yung dokumentong kailangan ko!"
Sa puntong yun naintindihan na ni aelly kung bakit sila pinasok dahil sa hinahanap ding ebidensya na magpapatunay na walang nilabag na batas ang pamilya ni rod at para hindi ito tuluyang matake-over ng ALV corp. na siyang nagpapabagsak dito.
"T-teka wala akong alam sa sinsabi mo. wala dito ang sinasabi mo"
Hindi pinaniwalaan ng mga hindi kilalang lalaki ang sinabi ni aelly kaya pinahalughog nila ang buong bahay saka naghanap.
Nagising naman ang ilang miyembro sa pamilya ni aelly at bakas sa kanila ang takot at pangamba na dulot ng mga lalaki.
"Subukan niyong mag ingay at malilintikan kayo!"
Tumahimik na lamang ang mga ito habang nagyayakapan. takot na takot din ang batang si rodlley habang pinipigilan ng kaniyang ina na si aelly na gumawa ng ingay dahil naiiyak na ito sa takot.
Samantala, pabiyahe na si rod pauwi ng makatanggap ito ng text from someone he doesn't know. nagmadali at binilisan niya ang pagpapatakbo para mailigtas ang kaniyang mag ina at pamilya ni aelly.
"Ano ng nangyayari bakit wala parin kayong mahanap?!"
Galit na sabi ng isa sa mga leader nito at tinawag si aelly upang mas mapabilis ang paghahanap.
"Ikaw sasabihin mo ba kinalalagyan non o mamatay kayo?!"
Pagbabanta nito sa kanya. bakas sa mga mata ang labis na takot at pangamba na nararamdaman ngayon ni aelly.
BINABASA MO ANG
MISTAKES
RomanceGaano nga ba kadali ang magmahal? manakit at lumimot? Kaya bang iwan ang taong mahal mo dahil sa karangyaan na para sa ikabubuti ng pamilya mo? O ... Kaya mong saktan kahit pa ang mismong nagmamahal sayo ng walang labis at kulang? Sino nga ba ang ma...