Chapter 24

3 3 1
                                    

Nakalabas na sa hospital si aelly at gusto niya na raw sa bahay magpahinga. pilit man namin na umayaw ngunit yun ang kagustuhan niya.

Lumipas pa ang maraming araw at bumabagabag parin sakin yung huling habilin ni vince matapos ang pangyayaring naganap.

Hanggang ngayon kase wala parin alam si ey na wala na si vince. ayoko pa kasing sabihin dahil masakit para sa kanyang tanggapin iyon lalo't may pinagsamahan ang dalawa at yun din ang ibig ni vince na huwag ng ipaalam kay ey.

Kasalukuyan kami ngayong namimili ng gamit para sa nalalapit na pag aaral ng aming anak ng makasalubong namin si jana.

Sa oras na yun ang buong akala ko ganon nalang na dinaanan lang namin ang bawat isa. nagkamali ako at doon sinundan niya kami saka hinila braso ni aelly na ikinabigla niya.

"Wow aelly! ang dali para sayong kalimutan nalang lahat noh!? habang ako at kaming mga naulila ni vince hindi parin maka move on sa nangyari!" maluha luhang sabi ni jana. sinubukan ko man siyang pigilan ngunit ayaw niya.

"Jana ano bang problema mo!? bakit tila sobramg galit mo sa akin? saka hindi ko maintindihan ano bang nangyari kay vince?" pagtatakang sabi ni ey. alam niya kase base sa sinabi namin na nagpakalayo layo si vince upang mapag isa at makatagpo ng babaeng kaniyang iibigin. galing na din yan kay vince bago pa man siya mawala.

"Nagkukunwari kang walang alam samantalang lahat alam ang buong nangyari! nagpapatawa ka ba aelly?!" tumingin sa akin si ey at kita sa mga mata niya yung katanungan nais niyang malaman.

"Jana please stop. nalimutan mo na ba yung habilin ni vince?" sabi ko

"A-ano ...anong habilin rod? ...rod may alam ba kayo na hindi ko alam?" naguguluhan na nito.

"Ah, hindi mo pa nga talaga alam? pwes ipapa-alam ko sayo at ipapa alala lahat!" sinubukan kong muling pigilan siya ngunit ayaw niya.

Nagulat si aelly ng sandaling matuklasan niya ang sinapit ni vince at hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula kay jana.

Sa punto ding yun nagsipag tuluan ang noo'y pinipigilan niyang mga luha. nais man namin talagang sabihin sa kanya ngunit nirerespeto namin kung ano kahilingan ni vince.

"R-rod bakit hindi mo kaagad sinabi?" yumakap ako sa kaniya habang ramdam ang dalamhati niya.

"Hinding hindi kita mapapatawad aelly!" Sabi ni jana bago pa man siya umalis.

"Patawarin mo ako mahal ...maniwala ka naisin ko man sabihin sayo ngunit yun ang huling habilin ni vince bago siya magpaalam. ayaw niya kase na sa paggising mo malaman mo ang tungkol sa nangyari sa kanya nangangamba siya na baka mas lalong lumala ang kondisyon mo kaya minabuti niyang wag na namin ipaalam pa sayo" paliwanag ko habang nakayakap parin siya sakin.

Nakauwi na kami galing books store at hiniling sa akin ni aelly na bukas pupuntahan namin ang puntod ni vince.

"Dad gusto kong milk" binuhat ko si rodlley at iniupo saka tinimplahan ng kaniyang gatas.

"Lambingin mo si mama ha? kailangan niya ngayon yun" sabi ko at sinunod naman niya ako.

Dito na ako nanunuluyan sa kanila ayon sa napagdesisyunan namin ni aelly. noong una ayaw niya dahil ang hirap ng buhay dito ngunit pinilit ko dahil nais kong malaman at maramdaman kung anong hirap ang kanilang pinagdaanan sa halos mahigit limang taon.

About naman kay Sab na iniuwi sa canada ng kaniyang pamilya balita ko hindi parin siya magaling dahil sa depression. hindi na rin nagsampa pa ng kaso si vince panahong buhay pa siya dahil sa awa nito kay sab.

Hindi man naging madali ang lahat para sa amin ngunit naayos naman ang mga gusot sa bawat panig ng aming pamilya. tinanggap na din nila mom and ate chloe si aelly dahil sa mga nasaksihan nilang pangyayari na nagdulot lamang ng karahasan.

Pumasok ako sa kwarto at kita ko ang aking mag ina na magkatabi at magkayakap. tumabi ako sa kanila saka hinalikan ang kanilang mga noo.

Alam niyo sa totoo lang hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko. hindi parin ako makapaniwalang kasama ko ang babaeng pinakamamahal ko at ang aking nag iisang anak.

Masaya at kuntento na ako basta kapiling lamang sila at nasa mabuting kalagayan at kalusugan wala na akong iba pang mahihiling.

AELLY POV

Naririto kami ngayon kung saan inilibing si vince. magpa hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko.

Hindi ko lubos maisip na iyon na pala ang huli naming pagkikita ang duguan at nag aagaw buhay sa aking mga kamay.

Hindi ko mapigiling hindi maiyak ng sandaling lumapit ako sa puntod niya. parang isang bangungot na naman ang mga pangyayari.

Vince ...

Vince ...kung saan ka man ngayon naroroon nais ko lang humingi sayo ng kapatawaran dahil hinayaan kong mawala ka sa mundong ito.

Andami ko pang nais ipagpasalamat at ihingin ng tawad pero madaya ka ...

Sobrang madaya ka at hindi mo man ako binigyan ng pagkakataon masabi sayo lahat ng pasasalamat at sakripisyong ginawa mo hindi lang para sa akin kundi sa aking pamilya.

Vince ... sana kung naririnig mo ako ngayon kahit isang paramdam lang ...kahit sa panaginip lang makausap kita dahil hindi ko pa matanggap na nawala kana.

[While Crying and Wiping Her Tears]

Salamat dahil isinalba mo ang aking buhay kapalit ng sa iyo. sobrang nagi-guilty ako kase natapos lang ang iyong buhay dahil sa akin. ni hindi mo man lang naranasan yung pinapangarap mong buhay na gusto mo.

Ang sakit alam mo ba?

Sobrang sakit at hindi ako makatulog kakaisip dahil wala akong alam at nagawa panahong naghihingalo ka sa sakit.

Hinding hindi kita makakalimutan kahit kailan pa man mahal kong bestfriend. hanggang sa muli nating pagkikita sana maging magkaibigan parin tayo.

Tumayo ako sa aking kinauupuan habang wala paring tigil kakatulo ng aking mga luha. niyakap akong muli ni rod dahil ramdam niya yung sakit na nararamdaman ko.

"Tahan na mahal" mahinang sabi sakin ni rod ngunit rinig ko. pinunasan ko naman mga luha ko saka humarap sa kaniya.

"Hinding hindi ko sasayangin mga sakripisyo ni vince mahal. nangangako akong magiging mabuting asawa at ina ako para sa inyong dalawa ni rodlley" sa puntong iyon yumakap muli sakin si rod ng mahigpit saka hinalikan ang aking noo.

"Salamat kumpareng vince" sabay naming sabi ni rod saka naglakad palayo.

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon