Kabanata three
Trust
Pinabayaan kong lumubog sa init ng tubig ang sarili ko habang nililinaw ang magulong isip ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko.
"Baka awa lang 'to," pabulong kong sinabi, tila pilit pinapakalma ang isip ko.
"Oo nga, awa lang." agad akong bumangon at dumiretso sa shower. Umabot pa ng tatlong oras bago ako natapos, at nagbihis ako ng puting silk na pajama set. Paglabas ko, agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa aircon.
Hindi pa ako inaantok, kaya kinuha ko ang papel at lapis sa desk, at dali-daling naupo upang magdrawing.
Hinayaan ko ang kamay kong gumalaw nang kusa, tila may sariling buhay habang binabaybay ng lapis ang bawat sulok ng papel. Ilang minuto ang lumipas at unti-unti nang humuhubog ang imahe sa harap ko.
Nagulat ako nang makilala ko ang mukha sa papel... Apollo.
Nakatayo siya, gaya ng unang beses ko siyang nakita sa tabi ng gate ng mansyon. Nakasuot siya ng simpleng asul na t-shirt at itim na pantalon. Ang tangkad niya, at halatang sanay siya sa pisikal na gawain.
Nahihibang na ba ako?
Naramdaman ko ang init sa mga pisngi ko habang tinititigan ko ang ginawa kong sketch. Naiinis na sa sarili ko.
"Nababaliw ka na, Elle." bulong ko sa sarili ko.
Agad akong kumuha ng ballpen at sinulatan ang mukha niya ng kung anu-anong linya, halos sinusubukan kong sirain ang buong drawing. Pero kahit gaano ko man gulo-guluhin, kita pa rin ang mukha niya sa likod ng mga kalat na guhit... matangkad, seryoso, at tahimik na nakatingin sa akin.
Frustrated, binagsak ko ang lapis at ballpen sa desk.
Inihagis ko ang drawing sa gilid, nababaliw na nga ako.
Kinabukasan, mabilis akong nag-ayos para makapasok sa eskwela. Pagtingin ko sa desk ko, nandoon pa rin ang drawing na ginawa ko kagabi. Agad ko itong inipit sa mga notebook ko na nakapatong sa aking desk bago ko marinig ang tawag ni Manang Dolores mula sa labas ng aking kwarto.
"Yes, Manang!" sagot ko, habang inaayos ang headband ko bago lumabas ng kwarto. Pasado alas siyete ang pasok ko, at alas-sais trenta na. Nasa bingit na ako ng pagiging late.
"Mom, I'm leaving!" sigaw ko habang mabilis na naglalakad papunta sa pinto. Amoy ko na ang nilutong almusal ni Mommy sa sala, pero wala na akong oras para tumigil.
"Elle!" narinig ko ang tawag niya mula sa kusina, hawak ang isang lunchbox. Tumakbo ako pabalik, kinuha ang lunchbox, at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.
"Thanks, Mom! Gotta go!" paalam ko bago tuluyang lumabas ng bahay.
Pagdating sa school, halos kumaripas ako ng takbo papunta sa classroom. Pagpasok ko, naroon na ang teacher namin sa Filipino, abala sa talakayan.
"Ngayon, mga estudyante, ang tatalakayin natin ay ang tungkol sa 'El Filibusterismo,' isa sa pinakamahalagang akdang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng mga Kastila..." naririnig kong sabi ng aming guro habang mabilis kong tinungo ang upuan ko.
"Miss Steele," biglang tawag niya sa akin, dahilan para mapahinto ako sa gitna ng paglalakad. "Why are you late?"
Naglakad ako papunta sa harap ng klase at ngumiti nang bahagya. "Na-traffic po, ma'am." sinabi ko ito sa pinaka-mahinahong boses na kaya ko, umaasang hindi na humaba pa ang usapan.
Tumango naman siya at ibinalik ang atensyon sa klase. Huminga ako nang malalim at mabilis na tinungo ang puwesto ko sa tabi ng aking dalawang kaibigan.
"Pati ba naman dito late ka pa rin?" pa-simpleng bulong ni Treasure habang binubuksan ang kanyang notebook.
YOU ARE READING
Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)
RomanceKendall Gavrielle Steele, isang pangalang simbolo ng kayamanan at kagandahan. Isinilang siya sa isang mundo ng pribilehiyo, kung saan bawat hiling ay natutupad, at bawat kapritso ay nabibigay. Ngunit sa ilalim ng kanyang perpektong buhay, isang bagy...