Kabanata thirty-seven

752 3 0
                                    

Kabanata thirty-seven

Thank you

Natigilan ako, muling umikot ang paningin ko. "What?" the question barely left my lips, my voice a whisper, trembling.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. "Apollo was just waiting for you, anak. This meeting... it was for you to hear it all from me."

The room fell silent, the truth settling into my bones like ice. Everything I had known was fractured beyond repair, and as much as I wanted to scream, to rage, all I could do was sit there, hollow and lost.

Lumipas ang ilang araw, natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng pinakamataas na hukuman sa bansa. Ang kwarto ay puno ng mga tao... mga abogadong nakasuot ng kanilang itim na toga, mga pulis na matikas na nakabantay sa bawat pintuan, at mga tagapakinig na nagbubulong-bulungan habang hinihintay ang hatol. Ang mabigat na lamig ng aircon ay tila pinatitindi ang tensyon sa paligid. Sa harapan, nakaupo ang hukom, ang kanyang mukha ay mahigpit at hindi nagbigay ng kahit anong senyales ng emosyon. Ang martilyo sa kanyang kamay ay simbolo ng kapangyarihan at katarungan na nagbigay-buhay sa mga pagdinig na ito.

Hawak ko ang kamay ni Apollo, habang pinipilit kong itago ang panginginig ng aking mga daliri. Ang bawat hibla ng katawan ko ay puno ng kaba at takot. Pinunasan ko ang mga luha sa gilid ng aking mga mata, pero kahit anong gawin ko ay hindi sila mahinto.

"We find the defendant guilty of the murder of Caroline Steele," malakas at malamig na sabi ng hukom, ang kanyang tinig ay tumagos sa katahimikan ng silid. "Mr. Taliban Gregory Steele is sentenced to death by lethal injection for his crimes—conspiracy to commit murder, betrayal of his family, and multiple counts of corruption during his time as mayor of Manila. It has been established that he used his position of power to embezzle public funds, redirecting money meant for infrastructure projects and social services into his own accounts. He created a network of bribery and deceit, silencing those who threatened to expose him, all while living lavishly off the suffering of the citizens he was sworn to protect."

Nang marinig ang hatol, isang kakaibang tawa ang lumabas mula sa ama ko. Malungkot, puno ng pighati at tila wala na sa katinuan. Ang kanyang mga mata ay malalim at wala na ang dating anyo ng isang makapangyarihan at maimpluwensyang tao. Ngayon, isa na lamang siyang anino ng kanyang nakaraang sarili, payat, lupaypay, at tila baliw. Ang kanyang tawa ay umalingawngaw sa kwarto, nagbigay ng kilabot sa mga nakaririnig.

Nagkatinginan kami, "Anak, iuuwi mo na ba ako?" bulong niya sa pagitan ng kanyang halakhak, ngunit wala na sa sarili, tila hindi na siya makilala pa. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko, habang ang puso ko ay nabibiyak habang pinagmamasdan siya.

"Baby, I'm here," bulong ni Apollo, hinihigpitan ang hawak sa kamay ko, ang kanyang malalim na tinig ay nagdala ng kaunting init sa yelong bumalot sa puso ko.

I watched as they handcuffed my father, held by officers who seemed to have lost all hope and sanity. Tumatawa pa rin siya, ang kanyang mga mata ay wala nang liwanag, and the sound of his insane laughter pierced through my mind, a haunting reminder of the last day he chose against justice.

Doon sa gitna ng hukuman, habang magkahawak-kamay kami ni Apollo, naramdaman ko ang bigat ng lahat ng nawala at ang kirot ng katotohanan na hindi na kailamang mababalik.

Sa aking tabi, narinig ko ang malalakas na hikbi ni Manang Dolores, I reached for her hand, hinawakan ko 'yon nang mahigpit. tumingin siya sa akin, "Manang," bulong ko, at hinila niya ako sa isang yakap, nanginginig ang aming mga katawan habang iniiyak ang aming kalungkutan. 

Nang tumingala ako, nakita kong makayakap sina Treasure at Zeke, tumutulo ang luha sa mga pisngi ni Treasure.

Manang Dolores pulled back, cupping my face in her hands, her gaze steady despite her own tears. "Tatagan mo ang sarili mo, anak, ha?" she said softly, and I could hear the warmth in her voice, the way it wrapped around me like a comforting blanket.

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now