Kabanata six
Part of the game
"Ay girl, ang gwapo!" bulalas ni Treasure, halos hindi inaalis ang mga mata niya kay Apollo na nasa may malayo, kausap ang ilang tauhan ni Daddy.
Nandito sila ngayon ni Issa sa aming mansyon, bumibisita dahil wala kaming pasok ngayong araw... pahinga raw muna dahil sa event kagabi.
Napansin ko ang tingin ni Treasure, at kahit alam kong wala naman siyang masamang ibig sabihin, may kung anong mabigat na pakiramdam ang bumalot sa akin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit pero may parte sa akin na hindi natutuwa sa sobrang paghanga niya kay Apollo.
"Grabe, Elle. Lahat na yata ng tao dito sa inyo gwapo," dagdag pa niya, sabay kaway kay Apollo na tila hindi napansin ang ginawa ni Treasure.
Si Issa naman, masungit na nakaupo sa aming gilid.
Tumikhim ako, tila hindi mapalagay. "Uh, madami pang gwapo diyan, Tre!" sabi ko habang nag-iisip ng paraan para mawala si Apollo sa paningin namin.
"Apollo!" tawag ko, medyo mas malakas kaysa sa inaasahan ko.
Napalingon siya sa direksyon namin, diretso sa mga mata ko. Mabilis kong binalingan si Treasure na biglang nagpa-cute, at kinuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng mesa. "Apollo, pwede bang pasabi kay Manang Dolores na ipagluto kami?"
Tumango si Apollo at walang kahit na anong tanong, ngunit nagtagal ang tingin niya sa akin.
"Hi, by the way, I'm Treasure," singit ni Treasure, sabay ngiti sa lalaki na parang kasing liwanag ng sikat ng araw. Iniabot pa niya ang kamay niya, tila walang pinapalampas na pagkakataon para magpakilala.
Mabilis namang inabot ni Apollo ang kamay niya kay Treasure, ngunit hindi nagtagal ang pakikipagkamay. "Miss Treasure." tapos ay ibinalik ang tingin niya sa akin.
Ramdam ko ang bahagyang kirot sa dibdib ko habang pinagmasdan ang magkahawak nilang kamay, kahit alam kong wala namang mali sa ginawa ni Treasure. Tumikhim ako, sinusubukan muling kontrolin ang nararamdaman.
"Then, nakalimutan ko palang sabihin sa kanya na nasa mesa pa ang mga trophy at mga bulaklak, baka pwede mo siyang tulungan sa pag-akyat ng mga 'yon, Apollo." ani ko, sinadya kong magdagdag ng trabaho sa kanya para hindi na kami abalahin.
"Sige po, Miss Elle," sumang-ayon si Apollo bago siya tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Habang papalayo siya, hindi ko napigilang tumitig sa kanyang likuran, parang may hinahanap ang mata ko na hindi ko maintindihan.
"Grabe, Elle. Ang hot niya," bulong ni Treasure, at napansin ko ang pagkislap ng kanyang mga mata, tila kinikilig. Parang tumaas ang init ng katawan ko, at hindi ko mapigilan ang bahagyang pagpisil sa gilid ng mesa.
"Ilan taon na ba 'yun? Mukhang hindi malayo ang edad sa atin," ani Issa, na nakatingin din kay Apollo.
"He's four years older, Issa..." sagot ko, ngunit hindi ko inaasahan ang malakas na tili ni Treasure. Halos mapatalon ako sa gulat.
"What?! So twenty?!" sigaw ni Treasure, na parang nanalo sa lotto.
"Elle! Kailangan mo na talaga akong ipakilala ng maayos sa kanya!"
May naramdaman akong bigat sa dibdib. Ayokong aminin, pero may kung anong pagseselos na kumukurot sa akin. Bahagya akong ngumiti para maitago ang kahit kaunting tensyon sa dibdib ko. "Napakilala mo na ang sarili mo, Tre. At mukhang hindi naman siya naghahanap ngayon ng... girlfriend."
"Hay nako, Elle. Kahit simpleng number niya lang! Baka naman kaya ganyan dahil hindi mo pa ako naipapakilala. Malay mo, ako pala ang type niya," sagot ni Treasure, nakatingin pa rin sa direksyong tinahak ni Apollo.
YOU ARE READING
Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)
RomanceKendall Gavrielle Steele, isang pangalang simbolo ng kayamanan at kagandahan. Isinilang siya sa isang mundo ng pribilehiyo, kung saan bawat hiling ay natutupad, at bawat kapritso ay nabibigay. Ngunit sa ilalim ng kanyang perpektong buhay, isang bagy...