Kabanata thirteen
Anytime
"Dad was mad," sumbong ko kay Apollo, habang inaalala kung paano nagalit ang ama ko kanina.
"I would be," sagot niya, at nasilayan ko ang pigil na ngiti sa kanyang mukha. Nakaupo ako ngayon sa kanyang higaan habang nakatayo naman si Apollo sa bukana ng pintuan.
Napairap ako. "Oh, shut up, Abe," ani ko, sinusubukang itago ang kilig.
"If I were your dad, Elle, I wouldn't just be fuming." lumapit siya ng bahagya, at mas lalong bumaba ang boses niya, mas malalim, mas seryoso.
"I'd never let you go off on your own like that. I wouldn't even give you a reason to run." umiling siya, tila iniisip kung paano haharapin ang ganoong sitwasyon.
Napatitig ako sa kanya, naramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko habang hinahabol niya ang mga titig ko.
Ilang minuto akong nag-isip ng isasagot at napangiti ako dahil may kalokohan na naisip.
"I'm grateful, you aren't my dad kasi I'd be more than furious kapag lumaki ako at nakita kong tatay ko ang gusto ko." matapang kong sinabi sa kanya, natuwa ako nang makitang umigting ang panga nito at dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi niya, para bang hindi niya mapigilang matuwa sa sinabi ko.
Ilang segundo siyang nanatiling tahimik, ang mga mata niya ay malambing na nakatuon sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto, sa wakas ay nagsalita siya, mababa ang boses na tila kay lambing.
"Heaven must've done me a favor by keeping me from being your dad," aniya, bahagyang natatawa, "because I'm pretty sure I'd lose my mind watching you grow into the woman you are now."
Napangiti rin ako, ramdam ko ang init sa pagitan naming dalawa. Hinawakan niya ang kamay ko, banayad na inilapit ang katawan sa akin.
"Abe, thank you for letting me stay here."
Hindi ko napigilan ang saya na nararamdaman ko.
"Elle," mahinang ani Apollo, "you're always welcome here. Anytime you need to rest, to escape, or just breathe... this place is yours too."
Napangiti ako, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko na unti-unting nawawala. "Thank you," bulong ko, at sa loob ng ilang segundo, parang lahat ng takot at pagod ay napalitan ng isang pakiramdam ng kaligtasan.
Sa buong linggo, paulit-ulit lang ang araw ko. Pumupunta ako sa Casitas, para makasama si Apollo, pero madalas, hindi ko na siya naaabutan.
Tanghalian na naman, at gaya ng nakagawian, magkasama kami sa hapag ni Mommy. Tumutunog ang mga kubyertos sa mga plato, at tahimik na nag-uusap ang mga kasambahay... it was all so normal, so routine.
Napalingon ako nang marinig ko ang mga boses nina Daddy at Apollo sa may bukana ng pinto. Tila nag-uusap sila ng seryoso, mababa ang mga boses nila kaya't halos hindi ko marinig nang malinaw ang kanilang pinag-uusapan.
"Nakita na ba kung sino ang tumututol sa plano natin, Mr. Barrett?" tanong ng aking ama, kalmado ngunit may halong diin.
"We have plans, Sir," sagot ni Apollo, halos bulong pero sapat para marinig ng ama ko. "Pero kailangan pa ng mas malalim na imbestigasyon para matukoy kung sino talaga ang nasa likod."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Anong parte ni Apollo dito?
Tumango si Daddy, mukhang kontento sa sagot ni Apollo. "Ayusin mo yan, Mr. Barrett. Hindi pwedeng may humadlang sa atin. Kailangang maayos ito bago pa tayo kwestsunin ng mga tao."
Nakatayo si Apollo, seryoso ang ekspresyon habang nakatingin kay Daddy. Sumasaludo siya sa presensya ni Daddy, at sa kabila ng bigat ng usapan nila, kalmado siya. Pero hindi ko maiwasang kabahan.
YOU ARE READING
Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)
RomanceKendall Gavrielle Steele, isang pangalang simbolo ng kayamanan at kagandahan. Isinilang siya sa isang mundo ng pribilehiyo, kung saan bawat hiling ay natutupad, at bawat kapritso ay nabibigay. Ngunit sa ilalim ng kanyang perpektong buhay, isang bagy...