Kabanata fifteen
Good
Iyon ba ang kausap niya nung isang araw? Girlfriend? Did he lie? Pero hindi ko naman siya tinanong kaya... I'm at fault too. At kung girlfriend niya nga 'yon, may kasalanan ako sa kanya!
Hindi ko maipaliwanag ang bigat na naramdaman ko. Parang may humihigpit na pisi sa dibdib ko na hindi ko maputol. Ang sakit. Parang tinraydor ako ng isang taong hindi ko pa lubos na kilala.
Tahimik kong tinanggap ang sakit. Siguro nga ako lang ang nagbigay-kahulugan sa mga tingin at ngiti niya. Maybe, I hoped too much.
Napako ako sa kinatatayuan ko, tahimik na nagmamasid. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaalis. Gusto kong makita kung lalabas ba agad sila o kung gaano sila katagal sa loob.
Nakalipas ang sampung minuto, hindi parin sila lumalabas. Pinipilit kong wag paunlakan ang mga pumapasok sa utak ko, pero hindi ko mapigilan.
Umabot ng dalawampung minuto. Nagtatawanan na rin ang mga naiwan nilang mga kasama sa labas, tila normal na sa kanila ito.
Bawat segundo, pakiramdam ko may kung anong hindi tama. Hanggang sa umabot na ng tatlumpung minuto. Wala pa ring lumalabas.
Naghintay pa ako ng ilang minuto, at sa wakas, narinig kong bumukas ang pinto.
Lumabas sila mula sa bahay, at agad kong napansin ang kakaibang kilos ng babae. Nakita kong inaayos niya ang kanyang palda at may ngiti sa labi niya.
Napakunot ang noo ko. What the fuck just happened?
My heart started racing, pero hindi lang iyon ang nagpanginig sa akin. When I looked at Apollo, there was something different about him too. Near his lips, there was a small red stain... ramdam kong bumigat ang buong katawan ko, parang biglang naging masikip ang mundo sa paligid ko.
Hindi niya iyon pinapansin, pero hindi ko maiwasang mapako ang tingin ko sa mantsa na iyon. Hindi kaya?
Nag-iinit ang mga mata ko habang sinusubukan kong pigilan ang mga tanong na sumisiksik sa utak ko. Why does he have a stain on his cheek?
What did they really do inside?
Bumalik silang dalawa sa upuan nila kanina at nagsimula ng makipagkwentuhan muli.
Nakapako pa rin ang mga mata ko kay Apollo, lalo na't hindi ko matanggal sa isip ko ang pulang mantsa sa pisngi niya. Ang babae, masaya pa rin, nakangiti na parang wala lang nangyari. Pero ako? Nakakulong sa mga haka-haka ko.
Agad na nagsalita ang isa sa mga kaibigan ni Apollo. Lalaki, matangkad at may pilyong ngiti sa labi. "Grabe, ang tagal niyo sa loob, ah! Ano talagang ginawa niyo?" may kalokohan sa tono ng boses niya, parang may ibig sabihin na mas malalim, at pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko.
The girl let out a small laugh, brushing her hair back as if the comment didn't faze her at all, while Apollo's expression darkened.
He shot his friend with a sharp look, his voice steady but firm. "Jay, nagluto lang kami, wala nang iba," he said, his tone brooking no argument. "Medyo natagalan lang sa paghahanda."
But the way his friend laughed it off, waving a hand dismissively, left a bitter taste in my mouth. "Parang walang nangyari noon, Apollo. But, cooking. Right." sabay kindat, waring hindi naniniwala.
Tahimik lang si Apollo. Wala akong narinig na tugon mula sa kanya, pero para sa akin, sapat na 'yung palitan ng mga salita para pagdudahan ko ang lahat ng nangyari.
Parang sinasakal ako ng sarili kong isip.Mabilis akong tumakbo pabalik ng mansyon, pero maingat pa rin sa bawat hakbang dahil ayaw kong malaman nilang nakita ko sila. Ramdam ko ang malamig na hangin na humahampas sa aking pisngi, pero mas malamig ang bigat na dala ng puso ko.
YOU ARE READING
Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)
RomanceKendall Gavrielle Steele, isang pangalang simbolo ng kayamanan at kagandahan. Isinilang siya sa isang mundo ng pribilehiyo, kung saan bawat hiling ay natutupad, at bawat kapritso ay nabibigay. Ngunit sa ilalim ng kanyang perpektong buhay, isang bagy...