Kabanata fourteen

745 5 0
                                    

Kabanata fourteen

Ikaw na ang bahala

Pagkapasok ko sa mansyon, sinalubong ako ng mga abalang kasambahay. May mga nag-aayos ng mga bulaklak sa bawat sulok, inaayos ang aming malaking dining table, at may mga amoy mula sa kusina na nagsasabing may malaking handaan.

Napansin ko si Daddy na nakatayo sa gilid, sinusundan ang bawat galaw ng mga tauhan. Lumapit ako at hindi ko napigilang magtanong, "What's happening, Dad?"

Nagningning ang mga mata niya at ngumiti siya, halatang masaya sa mangyayari. "Dadalaw sina Leandro Marquez, Elle. Ang pamilyang Marquez," aniya, punong-puno ng sigla.

Ang pamilyang Marquez ay kilala rin bilang pinaka-respetadong pamilya.

"Why?" I asked, curious.

"Business partnership," ani Daddy, abot hanggang tenga ang ngiti. "At gusto rin daw ni Leandro na ipakilala ang anak niya sa'yo."

Napakunot ang noo ko at tumingin nang diretso sa kanya.

"Dad, seriously? Baka pati iyon ipipilit mo sa akin?" may himig ng pagkainis ang boses ko, hindi ko mapigilang magtaas ng kilay.

Umiling si Daddy, bahagyang natawa. "Anak, hindi naman kita pinipilit," aniya, malumanay ang boses. "Gusto ko lang na maging maayos ang pakikitungo mo sa lalaki. Huwag mo nang gawing komplikado. Magbihis ka na at maging magalang. Ayokong magmukhang bastos tayo sa mga Marquez."

Napabuntong-hininga ako. Hindi na ako nakipagtalo pa, kahit may kung anong bigat ang naramdaman ko sa aking dibdib. Tinalikuran ko siya at umakyat na papunta sa aking kwarto.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang ako ay naliligo. Parang ang init ng tubig ay sumasalamin sa init ng pakiramdam ko tuwing naiisip ko si Apollo.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako sa isang pastel yellow na midi dress na umaabot sa ibaba ng aking tuhod, may manipis na straps at bahagyang humahaplos sa aking katawan. Pinili ko ring ternuhan iyon ng mga flat sandals.

Huminga ako nang malalim, bago dahan-dahang bumaba sa aming hagdanan.

Sa baba, narinig ko na ang malakas na tawanan at masayang kamustahan ng ama ko at ng mga bisita namin.

Mukhang dumating na ang pamilyang Marquez. Pagkarating ko sa dulo ng hagdan, nakita ko agad si Daddy at si Leandro Marquez. Puting-puti ang buhok niya, pero hindi ito nag-alis ng anumang sigla sa kanyang postura.

"Elle!" tawag sa akin ni Daddy, kitang-kita ang kasiyahan sa kanyang mukha. Agad akong lumapit sa kanilang grupo, pilit na ngumingiti.

Sa tabi ni Leandro ay may tatlong lalaki. Ang isa, may itim na buhok. Tingin ko ay siya ang pinaka-bata sa tatlo, dahil sa kanyang halos inosenteng mata. Ang nasa gitna, mas matangkad at may mas maskuladong katawan, may straight na dark brown na buhok at matalim na mga mata. Ang huli ay may maikli na buhok, matangos ang ilong, at may hawak na seryosong ekspresyon.

"This is my daughter, Kendall Gavrielle Steele," pagpakilala ni Daddy, puno ng pagmamalaki sa tono niya.

Tumango si Mr. Leandro at ngumiti sa akin. "Pleasure to finally meet you, Kendall. Naririnig ko ang maraming magagandang bagay tungkol sa'yo," aniya, mahinahon ngunit may bigat ang boses. Lumapit siya at inilapit ang kamay niya sa mga kasama. "And these are my sons, Anton," tinuro niya ang tingin kong pinakamatanda at may pinakaser­yosong tingin, "Theo," ang nasa gitna na may matalas na mata, "and Khairo," ang bunso.

"Nice to meet you," bati ko, pilit iniipon ang ngiti ko habang kinakamayan sila isa-isa.

"Unfortunately, apat sila. The last one is out of town attending a conference for the business." singit niya, medyo apologetic ang tono.

"Ah, I see," sagot ko, bahagyang nahiya. "Maybe next time, then." ngumiti ako, ngunit ramdam ko pa rin ang pagkailang.

"Halina kayo at nakahanda na ang dinner." yaya ng ama ko sa kanila. Tumango si Mr. Leandro at sumunod ang lahat papunta sa dining area.

Pagkaupo, agad nagsimula ang usapan nila Daddy at Mr. Leandro tungkol sa posibleng partnership nila. Magiging tungkol ito sa pagbubukas ng isang chain ng luxury resorts na planong itayo sa iba't ibang tourist destinations sa bansa. Sa una, itatayo ang pangunahing resort sa lupa ni Daddy sa may tabing-dagat, isang malawak na lupain na matagal na niyang iniingatang ipagbili o paunlarin. Iminungkahi ni Daddy na gamitin iyon bilang flagship location ng resort chain.

"Malaking potensyal ang lupang iyon," ani Daddy, na tila nagpapakita ng kaunting excitement. "Matagal ko na ring gustong magamit iyon para sa isang proyekto, at sigurado akong magiging matagumpay ito."

Habang nag-uusap sila tungkol sa mga plano, mga pamumuhunan, at mga posibleng arkitekto para sa resort, nakinig lang ako nang tahimik at patuloy na kumain. Hindi ko maiwasang tingnan paminsan-minsan ang tatlong anak ni Mr. Leandro. Si Anton, na may seryosong ekspresyon at matinding postura, ay tila interesadong nakikinig sa pinag-uusapan, habang si Theo at Khairo ay nagpapalitan ng mga tingin at tila bahagyang nagbubulungan.

Hindi ko mapigilang mag-isip. Napilitan din kaya silang pumunta rito, gaya ko?

Ilang oras pa nang biglang inayos ni Mr. Leandro ang kanyang suot at saka dahan-dahang tumayo.

Tumayo na rin ako kahit tahimik lang akong nakinig sa buong oras. "Maraming salamat sa oras mo, Steele." may galak sa boses ni Mr. Leandro habang nakikipagkamay kay Daddy.

Isa-isa ring nagpaalam ang mga anak ni Mr. Leandro, nagsimula si Anton, malugod na nakipagkamay kay Daddy. Sumunod si Theo, na may kaunting ngiti, ngunit mababakas sa mukha ang respeto habang inaabot ang kamay ng aking ama. Si Khairo, na palaging may pilyong tingin, ay siya ring huling nagpaalam kay Daddy at saka lumingon sa akin. "Miss Elle," aniya, halos may mapanuksong ngiti sa kanyang mga mata bago ito nagbigay-galang.

"Mauna na kami, Elle. Salamat," ani Mr. Leandro na tila may malaking pasasalamat sa kanyang tinig. Tumango na lang ako at ngumiti ng magaan. Hinatid namin ang pamilyang Marquez hanggang sa pintuan ng mansyon.

"Apollo, ikaw na ang bahala sa kanila," utos ni Daddy nang may buong tiwala sa boses niya. Agad na lumapit si Apollo sa amin at tumango kay Daddy bilang tugon. Habang pumapasok na sa kotse ang pamilyang Marquez, sinulyapan ako ni Apollo. Tila may tanong sa kanyang mga mata na hindi ko matukoy, ngunit kahit isang saglit lamang, damang-dama ko ang bigat ng kanyang tingin.
Ang mga mata ko ay hindi rin mapigilang magtagal sa kanya, at isang mumunting ngiti ang pumuslit sa aking labi.

Pinili kong magising nang maaga. May oras pa bago ang almusal, kaya't nagpasya akong pumunta sa Casitas.

Babalik na lang ako sa mansyon kapag naramdaman ko nang kumakalam ang sikmura ko.

Tahimik ang paligid habang tinatahak ko ang daan papunta roon, dala ang sketchpad at lapis sa aking kamay. Habang papalapit ako, may narinig akong mga tawanan mula sa gilid ng bahay. Agad akong huminto at maingat na sumilip mula sa likod ng isang puno.

Doon, nakita ko sina Apollo at ang ilan pa niyang mga kasama, nakaupo sa labas ng maliliit na bahay. Mukha silang magkakaibigan na nagkukuwentuhan at nagbibiruhan.

Napansin ko ang isang babaeng nakaupo sa tabi ni Apollo. Pakiramdam ko, bumigat bigla ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong humigpit sa loob ko habang pinagmamasdan ko silang nag-uusap.

Nag-aalangan akong magpatuloy sa paninilip, pero hindi ko rin mapigilan ang sarili kong magmasid pa.

Bigla siyang tumayo, pinatong ang kamay sa balikat ng isa sa mga lalaki at ngumiti. "Ipagluluto ko muna kayo," aniya, bago naglakad papalayo mula sa grupo.

Sa puntong iyon, tumayo rin ang babae, mabilis siyang sumunod kay Apollo, "Tulungan na kita, Apollo."

Nakita kong huminto si Apollo at tumango, parang wala lang sa kanya. Magkasabay silang pumasok sa loob. Hindi ko maiwasang sundan sila ng tingin. At bago pa ako makapaghanda sa susunod na mangyayari, nakita kong isinara ng babae ang pinto nila sa likod.

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now