Kabanata five

1.2K 8 0
                                    

Kabanata five

Safe

Umupo ako sa passenger seat dahil hindi ko kayang maupong mag-isa sa likod, lalo na at hindi naman ako sigurado at baka biglang paputukan ako roon.

I could still feel the tremors of fear still lingering in my chest as I fastened my seatbelt.

"Miss Elle," rinig kong tawag sa akin ni Apollo, as he started the engine. "You need to relax. You're safe here."

"Paano kung bigla na lang tayong barilin sa van na 'to?" tanong ko, ang boses ko ay halos pabulong na. "Paano kung alam nila kung nasaan talaga ako... tayo?"

Humugot siya ng malalim na hininga, ang ekspresyon niya ay seryoso ngunit kalmado. "They won't. They're not going to attack us. It's not worth the risk for them," paliwanag niya, ang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa manibela habang paalis kami sa tapat ng hotel.

Sinubukan kong ituon ang isip ko sa mga sinasabi niya, pero ang mga larawan ng panganib ay paulit-ulit na naglalaro sa isip ko na parang isang bangungot. "Pero paano kung—"

"Miss Elle," he interrupted firmly, but his tone softened. "Makinig ka po sakin. I've dealt with this kind of situation before. I've handled worse."

Dahan-dahan akong tumango, ngunit may pagdududa pa rin. "It's just... I don't know who's after me, and it's terrifying. I can't just sit here and pretend everything's okay."

Apollo shot me a reassuring glance, his eyes intense. "I'm here to protect you and if there's any sign of trouble, we'll react."

Humugot ako ng malalim na hininga, sinisikap na maunawaan ang mga salita niya, nararamdaman kong unti-unting nawawala ang takot. "Okay," bulong ko, pinapayagan ang sarili kong magtiwala sa kanya, kahit sa sandaling iyon.

Habang nagmamaneho siya, pinanood ko ang mga kalye na mabilis na lumilipas, ang mundo sa labas ay tila pamilyar ngunit banyaga.

"I'm sorry kung nagalit ako kanina..." panimula ko, nag-aalangan sa tono ng boses ko habang tinitingnan si Apollo.

Nakatitig siya sa kalsada, nararamdaman kong naiintindihan niya ang sinasabi ko. "It's understandable. You were scared," sagot niya, ang boses niya ay kalmadong nagpatuloy. "Anyone would be in your position."

"Hindi ko naman gusto na mag-init ang ulo ko sa'yo. Pero kasi... mag-isa ako doon kanina, hindi ko alam kung ano ang mga posibleng mangyari." sabi ko, ang mga kamay ko ay nakahawak sa bulaklak at trofeo na dala-dala ko. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyari nga."

"Walang mangyayari, Miss Elle." aniya, lumingon sa akin sa isang iglap.

"Pero parang ang hirap, parang hindi ko maalis sa isip ko na baka... isang araw, kapag wala ka bigla akong kidnappin o worse... patayin."

"Walang mangyayari Miss Elle." mas madiin niyang sabi.

Ilang minuto ang lumipas nang magsalita siya ulit. "I'll risk my life," I saw how his jaw tightened, the muscle on his cheek ticking as he gripped the steering wheel a little too hard. His eyes flicked to the rearview mirror, scanning the road behind us, then back at me, his voice low but steady. "Even if it means I have to face death every day, just to keep you safe, Miss Elle. I'll fight anyone, go up against anything, anyone, for you."

I felt the air around me thicken with tensions his words sank in, my heart's racing. "Apollo..."

His gaze softened, but his voice remained firm. "I know you're scared, Miss Elle. Hell, I'm scared too. Pero hindi ko hahayaang may mangyari sa'yo. Not until I'm still breathing." he looked at me again, his eyes filled with determination. "Kahit gaano pa kahirap, kahit gaano pa kalabo, Miss Elle. I'll risk it all for you kaya huwag ka ng matakot."

Natahimik kaming dalawa sa sasakyan, but the words he left hanging between us seemed to pulse with the rhythm of my heartbeat. This is Apollo, this is why he is liked by my Dad. He's fearless, intense and willing to risk everything for his job... for me.

And somehow, that terrified me even more than the threats lingering around me.

I swallowed hard trying to shake off the weight of his words. "No, Apollo." I said firmly, although I could sense the trembling in my voice. "You don't have to put yourself in danger for me. Hindi ko din gusto na... na mapahamak ka."

He let out a soft chuckle, "Okay lang, Miss Elle." he said, his eyes never leavinng the road. "That's how my world works. Danger, risks... it's all part of it. And if it means keeping you safe, I'll take it."

I felt my chest tighten. The thought of Apollo putting himself in harm for me made my heart ache.

Pagdating namin sa mansyon, umikot si Apollo mula sa driver's seat at pinagbuksan ako ng pintuan. Inabot niya ang trophy at mga bulaklak, na tila madali niyang nadala ang bigat ng mga ito, at inabot niya ang kanyang kamay upang tulungan akong makalabas.

"Thank you, Apollo." sa wakas, nagkaroon ako ng lakas ng loob na tingnan siya.

Ang tingin niya ay puno ng intensyon na nagpasiklab sa aking puso. Mayroong lambing sa kanyang ekspresyon. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang kamay, at nagdulot ito ng kilig na dumaloy sa aking katawan. Ang sandaling iyon ay puno ng kuryente, puno ng mga salitang hindi nasasabi at mga damdaming nakakabitin. I noticed how his eyes flickered with admiration, taking in my gown that sparkled like diamonds under the soft glow of the mansion's lights.

I wondered if he could sense the shift, the way my heart began to beat a little faster each time our eyes met.

Nagsimula akong maglakad papasok ng aming mansyon at narinig ko ang pagsarado niya ng pintuan at ang presensya niya sa aking likuran. Nakaramdam ako ng kaunting pag-aalinlangan sa bawat hakbang, pakiramdam ko ay ang mga mata niya ay nakatuon sa akin.

Nang buksan ko ang pinto ng mansyon, agad akong sinalubong ng mga masayang nagtatawanan. Nandoon ang aking mga magulang, nakaupo sa maaliwalas na sofa, abala sa panonood ng isang romantic comedy. Nakangiti si Mommy, ang kanyang mga mata ay kumikislap sa saya habang si Daddy naman ay abala sa pag-hawak ng popcorn na tila isang bata na tuwang-tuwa sa palabas.

Umusog ako nang kaunti upang makuha ang atensyon nila, nararamdaman ko ang pagkalumbay sa ilalim ng mga tawanan. "Mom, Dad!" tawag ko.

Biglang napatingin si Mommy, tila nahulog siya mula sa kanyang mundo. "Darling! We were waiting for you!" aniya, may ngiti sa kanyang mukha na agad nagbigay liwanag sa paligid. "Hindi ka namin nasamahan, pasensya na." sa malungkot na boses.

"Okay lang po 'yun, Mom." at nginitian ko ito.

Naramdaman ko ang presensya ni Apollo sa likuran ko. Lumapit siya, at tumayo malapit sa akin, ngunit hindi ko magawang tignan siya nang diretso.

"Ilagay mo na lang diyan sa mesa, Apollo," sabi ko nang mahina, sabay turo sa mesa sa harap ng sofa. "Ipapaakyat ko na lang kay Manang Dolores bukas ng umaga."

Tumango si Apollo at maingat na inilapag ang tropeo at mga bulaklak sa mesa. Nang makita ni Daddy si Apollo, agad niyang ipinakita ang kanyang palaging maaliwalas na ngiti.

"Mr. Barrett," tawag ni Daddy, ang tono niya ay may halong init at paghanga. "Kumusta? Pwede ba kitang makausap sandali sa labas?"

Napatigil ako, bahagyang nagtaka kung ano ang pag-uusapan nila. Tumango si Apollo nang walang pag-aalinlangan, at sumunod kay Daddy palabas ng sala.

Habang papalayo sila, narinig ko pa ang malalim na boses ni Daddy, parang natutuwa. "Gusto ko 'yung trabaho mo kanina, Mr. Barrett. Talagang maasahan ka," ani Daddy, na para bang si Apollo ang paborito niyang empleyado.

"U-uh... Mom, magbibihis na ako sa taas," paalam ko kay Mommy dahil ramdam ko na ang pagod ng buong araw. I'm sure nabangit na ni Apollo kay Dad ang nangyari kanina. Then I remembered, he hugged me. Kumalabog ng malakas ang aking puso. What was that? I felt safe in his arms, I admit. Ginugol ko ang aking notebook na nakapatong sa aking desk, at nakita ang nakaipit na papel don.

Napatitig ako sa maingat kong mga linya, detalyadong iginuhit ko ang kanyang matikas na anyo, mula sa seryosong ekspresyon hanggang sa matipunong katawan niya. May kung anong bigat sa dibdib ko habang tinititigan ko ang drawing.

Bakit ko ba nararamdaman ito para sa isang taong halos hindi ko pa lubos na kilala?

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now