Kabanata thirty-three
Sinisiraan
Saktong pagbukas ng pinto ni Apollo, ay siyang pagdating ni Zeke at Treasure. They stood face-to-face. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Apollo, habang matalim niyang tinitingnan si Zeke. Habang si Zeke naman ay pinaningkitan niya ng mata si Apollo, tila pilit pinapantayan ang talim na tingin nito.
The room felt charged, but Treasure broke the moment she called my name.
"Elle!" sigaw niya, habang nagmamadaling pumunta sa akin.
Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa akin, para sa isang mahigpit na yakap. "Ayos ka na ba?" tanong niya, bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala.
Bago pa ako makasagot, patuloy siyang nagsalita, "Speaker raw 'yung sumabog kanina, Elle. Nag-overheat raw kaya ganoon." aniya. Tumango naman ako habang binigyan siya ng tipid na ngiti. "Yes, I'm fine now, Tre." I reassured her, kahit may bahid na pagod sa boses ko.
"Bakit andito ang mokong na 'yun?" singit ni Zeke sa likod, ang tono niya ay may bahid ng inis habang sumulyap sa kung saan lumabas si Apollo.
Nagkibit-balikat lang ako, at narinig kong tumikhim si Treasure, "'Yun nga din ang tanong ko, anong ginagawa non dito?" pagkatapos ay bumulong siya, sapat para marinig ko, "Ang lakas naman manalangin ng isa diyan," tumingala pa siya na tila may pinaparinggan.
Lumipas ang isang araw, at heto na naman ako sa isang restawran, nakaupo sa isang bar stool. Tahimik ang paligid, at wala si Treasure; malamang, sobrang aga pa at tingin ko ay tulog pa rin siya. Kinuha ko ang telepono ko para tingnan ang mga headlines habang sumisimsim ng mainit na kape. Ang init ng inumin ay sapat na para magbigay ng kaunting aliw, ngunit natigilan ako sa isang headline na nakita ko.
Atty. Apollo Abir Barrett: Mysterious Woman Spotted in Private Dinner
May kasamang litrato ito ni Apollo na nasa isang upscale restaurant, katabi ang isang babaeng hindi kita ang mukha, tinatakpan ng buhok. Napako ang tingin ko sa headline, tila may kirot na sumisiksik sa dibdib ko, kahit pa hindi ko maintindihan kung bakit.
Biglang may naramdaman akong umupo sa gilid ko. "One Americano," aniya, malalim at puno ng awtoridad.
Mabilis kong sinarado ang phone ko, at dahan-dahang tumingin sa kung sino ang katabi ko. Nanlaki ang mga mata ko at tila napigil ang hininga ko nang makita kong si Apollo iyon, mag-isa. Suot niya ang isang simpleng white button-down shirt na nakatupi hanggang siko, at dark shorts.
Bago pa ako makapag-react, narinig ko ang isang boses mula sa likuran, matinis at may kumpiyansa, "Attorney!"
Lumingon si Apollo, at hindi ko maiwasang sundan ang tingin niya. Papalapit ang isang babae, mahaba ang buhok, at napansin ko agad ang kurba ng katawan niya. May malaking hinaharap, ang suot niya ay isang fitted dress na nagbigay-diin sa kanyang balingkinitang baywang at mapintog na balakang.
"Margarette," bati ni Apollo, malamig pero magalang. Tumayo ang babae sa tabi niya, may inabot na phone na tila may pinapakita. Sa paraan ng kanyang pag-abot ng telepono, ay parang nang-aakit.
"Sige, Margarette, titingnan ko mamaya," ani Apollo, ang boses niya ay nanatiling mababa pero pormal.
Naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko, parang may bagay na kumirot sa loob.
Pagkaalis ni Margarette ay iniwas ko na lang ang tingin ko at nakatutok na lamang sa tasa ng kape sa harapan. Tahimik na bumalik ang tensyon, hanggang sa biglang magsalita si Apollo.
"Your boyfriend's flirting with other girls last night," malamig niyang sabi.
Nagulat ako at mabilis ko siyang binalingan, sinisiguro kung ako nga ba ang kausap niya. Nakita ko ang bahagyang ngisi sa kanyang labi habang diretsong nakatingin sa akin, na para bang nasisiyahan sa reaksyon ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, pero pinilit kong hindi ipakita 'yon. "What do you mean?" tanong ko, pilit na pinapanatili ang normal na tono.
YOU ARE READING
Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)
RomanceKendall Gavrielle Steele, isang pangalang simbolo ng kayamanan at kagandahan. Isinilang siya sa isang mundo ng pribilehiyo, kung saan bawat hiling ay natutupad, at bawat kapritso ay nabibigay. Ngunit sa ilalim ng kanyang perpektong buhay, isang bagy...