Kabanata seven

985 9 0
                                    

Kabanata seven

Always at your service

Narito kami ngayon sa mahabang dining table ng aming mansyon. May mga iba't ibang mga hinanda sina Mommy at ang aming mga kasambahay.

"Girls, how's Elle in school?" tanong ni Mommy, asa tabi ko siya ngayon habang ang dalawang kaibigan ay asa harapan namin. Si Daddy naman ay asa kabisera. 

Nagtinginan si Issa at Treasure, "She's very..." at tiningnan ako ng makahulugang tingin ni Issa. "responsible, Mrs. Steele." tuloy niya na ikinabuntong-hininga ko at inirapan ito.

"That's good! Kumusta naman ang mga pamilya niyo, si Daddy mo Treasure, he's a very good newscaster ha..." at sumubo si Mommy ng pasta.

"Ay, tita! Nagrereklamo po sila na parang laging may balitang-" tumigil siya saglit, at sumandok ng kanin. "You know, corruption here and there... especially in Manila. It's... it's exhausting, honestly." at kumuha siya ng balat ng lechon na asa harap niya. "My dad's always talking about how some leaders just can't seem to clean up the mess."

Biglang bumigat ang hangin sa paligid. Si Issa, napatingin sa kaliwa, halatang naiilang. Ako naman, ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko. Tumingin ako kay Daddy, sinusubukang basahin ang reaksyon niya. Tahimik siya, pero ramdam ko ang tensyon na dumaan sa mesa.

Tinamaan ba siya sa sinabi ni Treasure?

Umugong ang mga daliri ni Daddy sa mesa, isang maliliit na tunog na ginagawa niya tuwing malalim ang iniisip. Naramdaman ko ang kilabot na gumapang sa likuran ko.

Sakto namang binasag ni Mommy ang katahimikan, sobrang gaan ng boses niya na tila walang nasabing masama ang kaibigan ko. "Oh, speaking of, natikman niyo na ba ang Lime-cilantro chicken? It's Elle's favorite!" Tinuro niya ang nakahain na manok sa gitna, pilit inaalis ang usapan mula sa maselang paksa.

Tahimik na huminga ng malalim si Issa, halatang nakahinga ng maluwag. Si Treasure naman, ay nagkibit-balikat at parang hindi niya napansin na halos masira ang buong atmospera sa sinabi niya.

Sa wakas, nagsalita si Daddy, mababa ang boses pero klaro, "Yes, enjoy the dinner, girls."

Nagpatuloy kami sa pag kain. Masarap ang iniluto ni Mommy ngayong hapunan, pero sa tingin ko ay ang mga empleyado nanaman namin ang uubos nito.

"Is it good?" tanong ni Mommy, habang natutuwa niyang pinapanood si Treasure na masayang kinakain ang mga iniluto para sa amin.

"Sobra, tita! Kung uuwi ako ngayon, baka i-uwi ko pa lahat 'to." masayang saad niya na ikinatuwa rin naming lahat.

"Oh, why not. Ipagluluto ko sina Mommy niyo kapag minsan."

"Ay, sigurado po tita matutuwa 'yon!"

"Anong kukunin n'yong strand next year, mga iha?" biglang tanong ni Mommy.

Natigilan ako. I don't like where this conversation's going. I'm not yet ready.

"I'm planning to take HUMSS, tita." habang hinihimay ni Issa ang manok sa kanyang pinggan.

"Oh, wow. Ano bang gusto mong kunin sa college, iha?"

"Balak ko po sanang maging lawyer." aniya at sinubo ang manok.

"Wow! That's good! Ikaw, Treasure?" baling ni Mommy sa kanya.

"I'm not sure pa rin, tita. Pero I'll be taking STEM this coming year." diretsang aniya. I wish I could do that as well.

"Oh, that's fine, iha! Kahit ako no'n, I wasn't sure kung ano ang kukunin ko. And I got pressured by my parents as well."

She was pressured?

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now