Kabanata ten
Overreact
Umalis na ang lahat ng mga bisita at nagsimula nang magbalot ang mga kasambahay namin. Sa kanila talaga ibinibigay ang mga tirang pagkain dahil ani Mommy ay masamang magsayang ng pagkain.
Sa 'di kalayuan, nakita ko si Manang Dolores na naglalagay ng kalahating cake sa papel na pinggan.
"Hindi ba bawal ka sa matamis, Manang?" tanong ko habang lumalapit ako sa kanya.
"A-ah... kasi anak, si Apollo, birthday din niya ngayon. Naisipan ko na alukan siya ng cake, panigurado matutuwa din 'yung batang 'yun,"
Birthday rin ni Apollo?
"Kunin niyo na po lahat, Manang. Wala rin pong kakain niyan," ani ko at binalik ko sa box ang cake.
"Ay, naku, Miss Elle. Okay na po ito!" nahihiyang ani sa akin ng matanda.
"Naku, Manang, okay lang!" ani ko at patuloy na binabalot ang cake. Sana maging masaya rin siya. "Sige ako nalang po ang maghahatid nito kay Apollo."
Nang makalabas ako sa aming mansyon, ay dali-dali akong lumakad papunta sa likuran. Nang matanaw ko ito ay nilapitan ko siya at tiningala.
"Miss Elle," bati niya, pero may halong tanong sa tono niya.
Bago pa siya makapagpatuloy, iniabot ko sa kanya ang cake na may maliit na kandila sa ibabaw. Ang liwanag ng apoy ay kumikislap, sumasalamin sa mga mata ni Apollo.
"I was told by Manang Dolores that it's also your birthday, so..." pinilit kong ngumiti, pero may halong kaba sa loob ko. "Make a wish."
Napansin kong tila nagulat siya, pero bahagyang ngumiti. Inilapit ko pa lalo ang cake sa kanya.
Kinuha ni Apollo 'yon, at sa isang saglit, nagdikit ang mga kamay namin. Mainit ang pakiramdam ng kamay niya, at parang bumagal ang oras sa pagitan ng sandaling iyon.
Nagulat ako nang marinig ko siyang magsalita at ngumiti, "Make a wish, Miss Elle..."
Napatingin ako sa kanya, bahagyang napangiti sa kalokohan ng sinabi niya. "I already made my wish kanina. I brought this cake for you, Abe. It's your birthday as well..."
Nakatingin pa rin siya sa akin habang hawak ang cake. "It's okay, you can still make a wish, Miss Elle."
Para bang may kung anong lumalambot sa dibdib ko. Ibinigay ko ang isang mahinang buntong-hininga, habang iniisip kung ano nga ba ang dapat kong hilingin. Ang totoo, hindi ko alam. Pero sa harap ng kalmadong tingin ni Apollo, parang biglang naging simple ang lahat.
Saka ako pumikit, at humiling... isang lihim na hiling na para bang wala akong pakialam kung marinig niya ito o hindi. Nang dumilat ako, nandoon pa rin siya, nakatingin na parang binabasa ang mga iniisip ko.
Ngumiti ako nang bahagya. "I'm done. Ikaw naman."
Nakita kong saglit siyang tumingin sa mata ko bago siya pumikit. Nang dumilat siya, napansin kong may kakaibang ningning sa mga mata niya, tila may kabigatan sa kanyang iniisip pero pinipiling itago.
Nang sabay naming patayin ang kandila, tumigil ako sandali, pinagmamasdan ang mukha niya.
"Happy birthday, Apollo." ani ko, nginitian siya, pilit itinatago ang mga damdaming pilit kong iniiwasan.
"Happy birthday, Miss Elle," sa mababang boses habang hindi tinatanggal ang tingin sa mata ko.
Kinabukasan, magaan ang pakiramdam ko, para bang mas maliwanag ang umaga kaysa dati. Bakasyon na rin kasi, wala nang iniintinding klase o assignments. Agad akong nag-ayos at nagpasyang bumaba na, gustong sulitin ang araw na ito.
YOU ARE READING
Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)
RomanceKendall Gavrielle Steele, isang pangalang simbolo ng kayamanan at kagandahan. Isinilang siya sa isang mundo ng pribilehiyo, kung saan bawat hiling ay natutupad, at bawat kapritso ay nabibigay. Ngunit sa ilalim ng kanyang perpektong buhay, isang bagy...