Kabanata thirty-one

810 5 0
                                    

Kabanata thirty-one

Careful

"Hi my dearest Elle,

I think I know who your heart belongs to. I can see it in the way you look at him, the way your eyes soften when he's near. At first, I never thought much of it. But as time passed, I could see the love you held inside... hidden, perhaps even from yourself.

I want you to know, Elle, that I support both of you, with all my heart. Apollo is a good man, and he will protect and cherish you in ways that I always hoped someone would. I can feel it, just as I feel the love you have for each other, even if you've kept it a secret.

You deserve to be happy. Don't let fear keep you from what your heart desires, my love.

Remember, my dear, I'll always be watching over you, cheering for your happiness from wherever I am.

With all my love, always,
Mommy"

Lumabo ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang luha habang binabasa ko ang mga salita. Ang bawat linya ay nagpapabalik sa kanyang boses, sa kanyang init.

A quiet sob escaped my lips as I clutched the letter to my chest, feeling her presence, her love, surrounding me. My mother had always understood me in ways I hadn't even understood myself. And now, her words, written so long ago, felt like a gentle embrace, a promise that I was never truly alone.

"Hi, Dad," masigla kong bati habang nakatingin sa kanyang mukha sa screen.

"Kamusta ka diyan, anak?" aniya, ang boses may halo ng pagkabahala pero banayad.

He was the one who suggested na dito nalang muna ako magpahinga.

"Tahimik," sagot ko, habang pinagmamasdan ang ginintuang pagakyat ng araw sa malawak na bintana. "...and peaceful. Stay here next month, Dad." alok ko.

Natawa siya ng bahagya, "I will, anak."

"By the way... is there a lead na ba, Dad?" tanong ko bigla.

"Huwag mo na muna masyadong problemahin, anak. Ako na ang mag-iimbestiga. Just enjoy your time there, okay?"

He's always been so protective of me, simula nung naospital ako. The investigation still continues dahil hindi pa namin nahahanap kung sino ang mga taong nasa likod ng pagkamatay ni Mommy.

"Okay, Dad." nakangiti kong sabi.

Ilang minuto pagkatapos naming ibaba ni Dad ang tawag, nagpasya akong lumabas ng hotel.

Paglabas ko ng hotel, huminga ako nang malalim, pinupuno ng sariwang hangin ang aking dibdib. Parang paraiso ang isla. Inikot ko ang tingin at hinangaan ko ang tanawin. Ang hotel ay matayog, na parang mas pulido pa kaysa sa mismong kalikasan. Ang infinity pool sa gitna ng resort ay kumikislap sa ilalim ng araw, napapaligiran ng mga palmera na mahinhin na sumasayaw sa ihip ng hangin. Ang asul na tubig ay halos kakulay ng karagatan, hindi mo mahulaan kung saan nagtatapos ang dagat at nagsisimula ang langit.

Habang naglalakad ako sa daanang napapalibutan ng mga niyog, banayad na naririnig ang pagaspas ng mga dahon, nagbibigay-lilim mula sa init ng araw. Ang mga restawran sa labas ay dinisenyo nang may estilo, na nagbibigay ng tanaw sa walang hanggang baybayin.

Habang nagpatuloy ako sa paglakad, hindi ko mapigilang humanga sa mga pribadong bungalow na nasa ibabaw ng tubig, konektado sa pamamagitan ng isang tulay na kahoy.

Sa 'di kalayuan, tanaw ko ang hilera ng mga luxury villa na tila nakalutang sa dagat. Bawat isa ay may sariling dock, kung saan nakadaong ang mga naglalakihang yate at speedboat.

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now