Kabanata seventeen
Dare accepted
Nandito ako ngayon sa eskwela at nakapila ng mahaba para sa enrollment. Nakikita ko ang mga estudyanteng excited, pero may kaba rin sa kanilang mga mukha.
Nagulat ako nang may lumapit na lalaki sa akin. Tahimik siya, ngunit ang presensya niya ay imposibleng hindi mapansin.
Nang magsalita ito, mababa at malalim ang kanyang boses, halos parang may awtoridad. "Follow me."
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko siya kilala. He's tall, in a dark suit that seemed out of place for a school setting. Pero may pamilyaridad sa kung paano niya ako kinausap, na para bang hindi niya kailangan ng pahintulot mula sa akin.
"Ipinadala ako para iproseso ang enrollment niyo, Miss Steele."
Napansin ko ang badge na nakakabit sa kanyang coat... security. Sa pangalan pa lang, alam ko nang ipinadala siya ni Daddy. Agad akong nakaramdam ng kunot sa aking noo. Hindi na ako nagulat.
"This way, ma'am," dagdag niya nang hindi naghihintay ng tugon.
Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga habang sumusunod ako. Naramdaman ko ang mga tingin ng ibang estudyante na nakapila pa rin. Hindi ko alam kung naiinggit sila o naiinis. Either way, alam kong iba ang tingin nila dahil kilala nila ako bilang anak ng alkalde. Saan man ako magpunta, may bitbit na pangalan ang bawat hakbang ko.
Pinauna ako ng lalaki sa loob ng enrollment hall, isang lugar na halos wala pang tao, at mabilis niyang inasikaso ang lahat ng kailangan. Wala pang sampung minuto, tapos na ang proseso.
Napangiti ako nang bahagya, pero may halong bigat. Kung minsan, hindi ko maiwasang isipin kung sino ako kung wala ang lahat ng atensyon at kapangyarihan na dala ng pagiging anak ni Daddy. Ano kaya ang pakiramdam ng normal na estudyante... nakapila, nakikipag-usap sa iba, at nakakaranas ng kaba sa pag-enroll? A part of me wondered what it would be like to have that kind of freedom.
"All done, Miss Steele," ani ng lalaki, hinahandog ang papeles ko.
"Thank you," sagot ko, sa malamig na tono.
Dumating ang Miyerkules, at mamaya na ang party ni Daddy. Pagkababa ko sa aming hagdan ay nakita kong abala ang mga aming kasambahay. Nagaayos na sila para sa party mamaya na paniguradong pupunuin ng mga importante at mga engrandeng tao.
"Elle, Hugo has sent you your gown. Ipapadala ko kay Manang Dolores mamaya sa kwarto mo, para makita mo kung gusto mo ito," balita ni Mommy sa akin.
"Sige po, Mommy, titingnan ko po mamaya," sagot ko habang sinusubo ang pagkain.
"Daddy, anong wish mo ngayong birthday mo?" tanong ko bigla. Eksaktong kwarenta si Daddy kaya naman engrande talaga ang inihanda para sa kaniya.
"Ang magtagal pa kami ng Mommy mo, para may makasama ka pa nang matagal," sagot ni Daddy na paraang nagbibiro.
"Honey, siyempre, hanggang sa makahanap si Elle ng mapapangasawa, andun tayo sa tabi niya," ani Mommy habang nakangiti.
"Kaya nga po, Daddy, why do you always say things like that?" tanong ko na ikinatawa ni Daddy. "Hindi na kami bumabata ng Mommy mo, anak,"
Mag-aalas tres na nang magsimula akong maligo at mag-ayos. Binuksan ko ang malaking kahon na may laman na gown at inilabas ito, hinangaan ko ang kinang nito.
Alas-singko na nang isuot ko ang gown. Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, nakita ko kung paano ito bumagay sa hugis ng katawan ko. Kulay pula ito. Suot ko rin ang mga alahas na may diamante, mga bigay ito ni Mommy noong 16th birthday ko. Clean bun ang inistyle ko sa buhok para makita ang istilo sa likod ng gown, at tinernuhan ko ng napakataas na heels mula sa kilalang brand.
YOU ARE READING
Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)
RomanceKendall Gavrielle Steele, isang pangalang simbolo ng kayamanan at kagandahan. Isinilang siya sa isang mundo ng pribilehiyo, kung saan bawat hiling ay natutupad, at bawat kapritso ay nabibigay. Ngunit sa ilalim ng kanyang perpektong buhay, isang bagy...