Kabanata twenty-three

716 4 0
                                    

Kabanata twenty-three

Kinabukasan, nagmadali akong pumunta sa Casitas para hanapin si Apollo. Pagdating ko, hindi ko siya nakita sa labas ng bahay, kaya't pinagpasyahan kong pumasok.

Tahimik ang paligid nang buksan ko ang pintuan, at nakita ko siyang nakaupo sa kanyang silya, abala sa pagbabasa ng isang makapal na libro. Marahan akong lumapit, "Apollo..." sa boses na malambing, pero hindi niya ako tiningnan, nagkunwaring walang naririnig.

Ngumiti ako nang bahagya, alam kong nagtatampo siya. Lumapit pa ako, at tinawag ulit siya nang mas malambing, "Abe..." Pero hindi pa rin siya tumugon, nanatiling nakapako ang mga mata sa libro.

Walang magawa, hinawakan ko ang mukha niya, dahan-dahang ginalaw ito para mapaharap siya sa akin.

"I'm sorry," ani ko, ang boses ko ay nanunuyo. "Hindi na ako nakapunta dito kahapon... nagtagal kasi sa hapunan sina Mr. Leandro at si... Zeke."

I felt his jaw clenched, at ang titig niya ay lalong naging mainit, pero hindi siya nagsalita.

Nakangiti ko siyang tinanong, "Galit ka ba?" at bahagya siyang umiling, kahit halatang may bahid ng tampo ang kanyang mata.

Dahan-dahan akong lumapit, inilapit ang mukha ko sa kanya, at malambing na hinalikan siya sa noo, ang labi ko ay marahang nagtagal doon, parang gustong pahupain ang kahit anong pangamba sa kanya.

Hinawakan ko ang mukha niya at bumulong, "Hey... I'm here now, okay? I'm sorry."

Naramdaman ko bigla ang matigas niyang kamay na marahang pumulupot sa aking katawan, at bago ko pa mapigilan ang sarili, napaupo ako sa kanyang kandungan. Nagkatinginan kami, ang mga mata niya ay puno ng mga tanong at isang hindi maipaliwanag na init.

Binasag niya ang katahimikan, ang boses niya ay malalim. "Nakatulog ka ba nang mahimbing kagabi, Miss Elle?" tanong niya, ang mga mata niya ay naglalaro sa akin.

Bahagya akong tumango, at bago ko pa masabi ang kahit ano, hinaplos niya ang pisngi ko, ang mga mata niya ay puno ng tiyak na damdamin. "Ako? Hindi, Miss Elle." bulong niya, ang bawat salita ay parang dumadaloy sa ere, mabigat pero may init. "Pinilit ko, pero hindi maalis sa isip ko na magkasama kayo sa iisang lugar ng dayuhan na 'yon... all that time, while I was here."
hindi ko napigilang mapatingin sa kanya, ang puso ko ay biglang bumilis. Ang ekspresyon niya ay seryoso.

Hinaplos ni Apollo ang kamay ko, at bahagyang bumaba ang boses niya, mas malalim at punong-puno ng damdamin. "Hindi ko nagustuhan, Miss Elle... yung paghawak niya sa'yo sa bewang mo. Nakita ko 'yon, at... hindi mo man lang inalis ang kamay niya."

Napalunok ako, ramdam ang init na namumuo sa pagitan namin. Alam kong may punto siya, at hindi ko maitatanggi na may bahid ng kasalanan sa ginawa kong hindi paglaban sa mga galaw ni Zeke. "Apollo, I... I didn't mean to let it happen. It was—"

He cut me off, ang tingin niya sa akin ay nanatiling seryoso. "I know, Miss Elle. I know you didn't mean it, but that doesn't change what I felt. You're here now, but I need to know... if this is where you want to be."

Huminga ako nang malalim, naramdaman ang bigat ng tanong niya at ang init ng kanyang katawan na sumusuporta sa akin, hawak pa rin ang kamay ko. "Apollo, you're the only person I choose to be with. But this life... all of it, the expectations... it's hard to ignore."

He looked at me, his grip tightening around my waist. "I get that, Miss Elle. I know how hard it is to be trapped between what you want and what they expect. Just don't leave me questioning where I stand with you." his voice was firm, steady, his eyes intense, almost possessive.

Hinawakan ko ang kamay niya, ramdam ko ang init at lakas na palagi niyang ipinaparamdam sa akin. Tinitigan ko siya, nakikita ko sa mata niya ang lahat ng pagdududa na dala ng sitwasyon namin. "Apollo," bulong ko nang may katiyakan, "you don't ever have to question where you stand with me. I know it's complicated, and I know things get messy sometimes, but I choose to be here, with you. No one else."

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now