Kabanata twelve

780 4 0
                                    

Kabanata twelve

Sa labas

Pagpasok namin sa mansyon, agad kong napansin si Mommy na nakatayo malapit sa pintuan, halatang nagaalala. Lumambot ang tingin niya nang makita ako, ngunit bakas pa rin ang pag-aalala at pagod sa kanyang mga mata. Sa likuran niya, naroon si Daddy... nakakrus ang kanyang mga kamay at halatang galit na galit.

Bahagyang tumango si Apollo bilang paggalang sa mga magulang ko, at tumingin muna kay Daddy bago sa akin. Alam niyang mabigat ang tensyon sa hangin, kaya't lumapit siya nang may paggalang. "Mauuna na po ako. Pasensya na po sa abala," mahinahon niyang sinabi.

My dad nodded curtly, still maintaining his firm stance. "Apollo, you've done enough tonight. Go ahead and get some rest." Apollo gave me one last, reassuring smile before turning to leave.

Just as he was stepping out, Dad glanced back at me, his voice low but clear, "You, too, Elle. Rest first. We'll talk about everything tomorrow."

I braced myself, knowing tomorrow would bring a long and serious conversation. For now, though, the weight of the night's events settled over me, and all I could do was muster a small, apologetic smile in my mom's direction before heading upstairs to finally rest.

Kinabukasan tama nga si Apollo, galit na galit si Daddy.

"I'm sorry, Mom... Dad." Hindi ako makatingin sa kanila. Nakaupo ako ngayon sa upuan sa harap ng mesa ni Daddy sa kanyang opisina. Ramdam ko ang bigat ng kanilang mga tingin.

"I just wanted to be free for a while," dagdag ko, pilit na kinakalma ang sarili kahit na nanginginig ang boses ko.

"Free? Free?!" Halos sumabog ang boses ni Daddy. "Ano bang iniisip mo, Elle? Alas dose ng madaling araw, tumakas ka, nagpunta sa bar! Anong klaseng pagpapalaya 'yan?! Nahihibang ka na ba?"

Napalunok ako, masyadong masakit ang mga salita niya, parang mga kutsilyong tumatama sa dibdib ko. Alam kong mali ang ginawa ko, pero hindi ko inakala na ganito kalalim ang magiging galit nila. Tumahimik ako, pero ang sakit ng boses niya ay bumabaon sa akin.

"Pinapahiya mo ako sa ginagawa mong 'yan! Anak kita, Elle! Ano'ng sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang ganito ka mag-astang parang walang respeto sa sarili?" patuloy ni Daddy, mas lalo pang tumataas ang boses.

"Please, Dad, I'm sorry..." halos pabulong na sabi ko, pero hindi niya ako pinakinggan.

"Hindi sapat ang sorry, Elle!" Nag-igting ang panga niya, namumula ang kanyang mukha sa galit. "You don't even understand the consequences of your actions. Kaya tayo binabantayan ng mga tao, kaya may mga guwardiya, dahil sa posisyon ko! Isang maling galaw mo, lahat tayo madadamay!"

Nakita ko si Mommy na nakatayo sa gilid, tahimik, pero alam kong hindi siya natutuwa sa nangyari.

"Elle," malumanay na sabi ni Mommy, pero may halong bigat. "I trusted you. Hindi ko akalain na magagawa mo 'to." Napatingin ako sa kanya, at doon ko nakita ang pag-aalala. Hindi tulad ni Daddy na puno ng galit at pagkadismaya, si Mommy ay nagagalit dahil natakot siya para sa akin.

"I'm sorry, Mom," sambit ko ulit, mas mahina na ngayon, halos walang boses. "I just... I just wanted to feel something different, to be free for once."

"Free?" Tanong ni Mommy, medyo nanginginig na rin ang boses. "Free from what, Elle? Hindi ba sapat ang lahat ng ibinibigay namin sa'yo? Anong klase ng kalayaan ang hinahanap mo na kailangan mong tumakas sa gitna ng gabi?"

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang sabihin na gusto ko lang makalimot sa bigat ng mga nangyayari sa mansyon... kay Daddy.

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now