Kabanata twenty-four

746 5 0
                                    

Kabanata twenty-four

Hurt

Ilang oras pa ang lumipas, at sa wakas ay pumarada si Apollo sa harap ng isang malaking hotel na pinalilibutan ng mga nagkikislapang ilaw. The hotel stood grand against the night sky, its warm lights casted a golden glow over the entire façade. The architecture held hints of old-world design, a nod to the rich heritage of Antique, but with a modern touch.

Biglang bumangon si Zeke mula sa pagkakatulog, at malalim siyang huminga bago sumulyap sa amin. "Andito na ba tayo?" he mumbled, rubbing his eyes with a grin that was half-amused, half-surprised.

Tumango si Apollo, at bumaba mula sa sasakyan. "Palipasin na muna natin ang gabi dito," aniya, tumingin kay Zeke at saka sa akin, "para maaga tayo bukas sa Santa Fe."

Bumaba si Zeke sa sasakyan, at maagap niyang binuksan ang pinto para sa akin. "M'lady," aniya nang pormal, na may kasamang mapang-asar na ngiti.

Napatawa ako at tumango. "Thank you, kind sir."

Ramdam ko ang lamig ng hangin ng Antique, na para bang dala nito ang mabangong simoy ng probinsya.

Habang pumapasok kami sa hotel lobby, agad na nagtungo si Apollo sa front desk. Mabilis niyang iniabot ang isang card sa receptionist, at sa loob ng ilang segundo ay iniabot nito ang tatlong susi para sa aming mga kwarto. Tatlong presidential suites, isa para sa bawat isa sa amin.

Naglakad kami patungo sa elevator, at kahit pagod mula sa mahabang biyahe, hindi ko maiwasang humanga sa bawat sulok ng lugar.

Pagpasok ko sa aking kwarto, napahanga ako sa laki at ganda ng kwarto. Ang bawat sulok ay punong-puno ng kaayusan at karangyaan. Ang king-sized bed ay may malinis na puting linen at may malambot na headboard, habang ang bintana ay floor-to-ceiling na nagbibigay ng tanawin ng kabundukan at dagat sa malayo. Sa gilid ay may isang lounge area na may plush na sofa at coffee table.

Binuksan ko ang malaking built-in cabinet, at agad na bumungad sa akin ang mga damit na naka-sabit. Nasa tabi nito ang ilang paper bags na naglalaman ng mga bagong underwear, at kahit hindi ko ito inaasahan, natutuwa ako sa atensyon sa detalye.

Nagpasya akong maligo, kaya't binuksan ko ang hot shower at hinayaan ang tubig na bumuhos sa akin, binabalot ang katawan ko sa init pagkatapos ng mahabang biyahe. Nang matapos ako, tumuloy ako sa kwarto nang makarinig ng katok sa pintuan. Binuksan ko iyon at bumungad ang room service na may dalang tray ng hapunan. Ngumiti ako sa staff at pinapasok siya, magalang niyang inilapag ang pagkain sa dining table ng kwarto bago ako iniwan.

Pagkatapos kong kumain, naramdaman ko na ang antok dahil sa pagod mula sa biyahe. Humiga ako sa kama, at hindi nagtagal, agad akong nakatulog.

Maaga akong nagising at kinuha ko ang simpleng white dress na naroon, sakto lang ang haba at tamang-tama para sa klima sa Antique.

Pagbaba ko sa lobby, agad kong napansin si Apollo na nakatayo malapit sa pintuan. Suot niya ang isang plain, fitted linen shirt na kulay beige, na tinernohan niya ng dark green cargo shorts.

Sa tabi naman niya ay si Zeke, na nakaupo at nagbabasa ng magazine. Suot niya ang isang light blue button-down shirt na may sleeves na nakatupi hanggang siko, at beige shorts din. Lalong tumingkad ang kanyang pagiging banyaga, lalo na sa paraan ng kanyang pananamit at mapanuksong ngiti nang makita niya ako.

Sabay silang lumapit, nang magsalita si Zeke, "Let's go," aniya, ang tono niya ay puno ng kasabikan para sa araw na ito.

Ngumiti ako sa dalawa. "Okay," sagot ko.

Paglabas namin, bumaling si Zeke kay Apollo, "Ikaw na mag-drive, bro. Hindi ako pamilyar sa lugar."

Nagkibit-balikat si Apollo at sumang-ayon, at ilang sandali pa, papunta na kami sa Santa Fe sakay ng sasakyan ni Zeke. Pagkalipas ng ilang minuto, narating na namin ang lupain na balak pagtayuan ng resort.

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now