Kabanata eleven

833 5 0
                                    

Kabanata eleven

Good Luck with that

"I'm the only daughter of Taliban Gregory Steele, and if you don't want something bad to happen to you, papasukin mo kami ng mga kaibigan ko." malamig kong sabi sa bouncer, sa labas ng bar, my voice steady but with an edge of danger.

I watched as a flicker of fear passed through his eyes, just as I expected. Right! Ako nga ang nag-aya kina Treasure at Issa na mag-bar tonight... anything to escape the weight of all my problems.

Pagpasok namin, sinalubong kami ng malakas na bass mula sa DJ booth. Ang madilim na ilaw ay nagbigay ng anino sa mga mukha ng mga tao, at ang buong paligid ay tila nag-uumapaw sa saya.

Alas dose na ng madaling araw, tumakas ako sa mansyon, desperadong makahanap ng kahit kaunting kalayaan. Sinundo ako nina Treasure gamit ang kanyang driver, and I threw on a fitted, backless mini dress that hugged my curves in all the right places. I had a coat with me, just in case the night air grew chilly later.

Umupo kami sa isang walang laman na booth, at agad kaming binigyan ng menu ng isang staff. Despite our youthful faces, it seemed they didn't question our age, perhaps enticed by the confidence we carried. I caught the bartender throwing a lingering look my way, and with a small smirk, I looked back at the menu.

"I think I'll go for a whiskey sour," ani ko, bahagyang pinapalo ang daliri sa mesa. Kailangan ko ng malakas, isang inumin na kayang lunurin ang ingay sa utak ko.

"Let's do shots of tequila," Treasure chimed in, excitement gleaming in her eyes. She was always the wild one, always up for something fun.

Si Issa, na mas maingat sa aming tatlo, tahimik na nagbasa ng menu at tumango. "Fine, but I'm sticking to vodka cranberry. I don't want to get too wasted."

Lumapit ang bartender, at naroon pa rin ang tingin niyang tila may halong paghanga. "For you, miss?"

"Whiskey sour,"

We watched as the drinks arrived one by one... hard liquor glistening under the dim lights, promising a night of forgetfulness. Ramdam ko ang lamig ng baso habang pinapaikot ko ang amber na likido sa loob.

"Forget, Elle." bulong ko sa sarili ko habang tinikman ang unang lagok, ramdam ko ang init ng alak na unti-unting bumaba sa lalamunan ko.

Habang bumabayo ang musika sa paligid namin, tila naging perpektong pantakip ito sa mga iniisip ko.

Ilang oras na ang lumipas, at hindi ko na alam kung pang-ilang bote na ang hawak ko. Whiskey, vodka, o kung ano pa man. Hindi ko na rin alam kung alin doon ang unang tumama, pero ramdam ko na ang init ng alkohol na tila gumagapang na sa bawat sulok ng katawan ko. Parang humuhupa na ang bigat sa dibdib ko, natutulungan ng bawat lagok ng alak na pansamantalang lumimot.

Biglang tumayo si Treasure mula sa kanyang kinauupuan, na kanina pa napapasabay sa tugtog ng DJ. Sumisipa na ang tama sa kanya, halata sa paraan ng kanyang pag-indak sa saliw ng bass na umaalingawngaw sa buong bar.

"Elle, let's go!" sigaw ni Treasure habang hinahampas-hampas ang hangin, sinasabayan ang makulay na ilaw na naglalaro sa paligid namin.

"I'll pass, Tre," sagot ko, sabay hawak sa gilid ng mesa para humanap ng konting balanse.

Pero hindi siya papayag na hindi ako sasama. Hinila niya ako mula sa upuan ko, at bago ko pa man marealize, nakatayo na ako sa gitna ng dance floor.

"Come on, Elle! Minsan lang 'to! Mag-enjoy ka naman," bulong niya sabay kindat, bago tuluyang naglaho sa gitna ng sayawan.

Napangiti ako kahit ayoko sana. Pagod na rin akong mag-isip ng kung anu-ano.

"Okay, fine," sagot ko, sabay tikom ng mata, pilit na inaalis ang mga naiisip na gumugulo sa akin.

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now