Kabanata eight
Sketch
Alas syete ng umaga nang magpasya akong maglakad-lakad sa labas ng aming mansyon. Rinig ko ang mahinang agos ng tubig mula sa malaking fountain, na parang musika sa katahimikan ng umaga. Sa tabi ng fountain, may matandang lalaki, na hula ko ay empleyado namin, pinapakain ang mga isda.
Sisimulan ko na mamaya kauwi ang pagrereview, sabi ko sa isip ko, pero sa ngayon, magrerelaks muna ako.
Ang hangin ay presko, may dalang sariwang amoy ng damo at mga bulaklak mula sa hardin. Hindi kalayuan, kita ko ang mga trabahador namin na naggugupit ng mga halaman, sinisiguradong maayos ang bawat sulok ng hardin.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan sila, namumulaklak ang paligid, at sa gitna ng mga bulaklak ay mga butterflies na naghahabulan, tila mga nakikipagsayaw sa hangin. Nakakagaan ng pakiramdam ang katahimikan at huni ng mga ibon ang tanging naririnig.
Hinayaan ko ang mga paa kong magdala sa akin kahit saan. Hanggang sa napansin kong napapalayo na ako mula sa mansyon.
Sa 'di kalayuang banda, I could see the cluster of small, modern houses tucked neatly into the landscape. The sleek lines and minimalist architecture stood in contrast to the surrounding greenery, yet they somehow fit perfectly within the environment. They were small, yes, but elegant... each with large glass windows that reflected the sky and framed the lush trees around them. Some had wooden accents, blending natural elements with the modern design, while others boasted small gardens with vibrant flowers blooming by the doorsteps.
As I walked further, my gaze landed on an old tree near the edge of the property. Etched into its bark were the words "Las Casitas de Ayer." I ran my fingers lightly across the rough surface, feeling the history and significance behind it.
The air was fresh, carrying the earthy scent of damp soil. The breeze swept through the fields, cool against my skin.
Just for the moment... it felt peaceful. Almost too peaceful compared to the constant noise of the mansion. I closed my eyes for a moment, letting the tranquility sink in, before I continued my walk, savoring the simplicity of it all.
Tahimik ang paligid habang lumapit ako sa isa sa mga bahay. Sumilip ako sa bintana, pero walang tao doon. Tila walang buhay ang lugar, pero malinis at maayos naman. Napaisip ako kung sino ang nakatira dito.
"Tao po?" tawag ko ng mahina.
Walang sumagot. Nilibot ko ang aking tingin, pero wala talagang lumalabas. Napagpasyahan kong subukan pihitin ang doorknob, at laking gulat ko nang bumukas ito ng walang kahirap-hirap.
Hinaplos ko ang balangkas ng kama, ang mga tela ay malinis at maayos na nakatupi.
Habang iniikot ko ang tingin ko, napansin ko ang isang maliit na mesa sa tabi ng kama. May mga kalat na papel na mukhang mga reviewer, articles at notes tungkol sa batas.
Karamihan ay parang photocopies ng mga chapters mula sa textbooks, at may ilang nakasulat na mga keyword at definition na tinutukan ng highlighter. Mga artikulo tungkol sa constitutional law, criminal justice, at legal ethics ang makikita, na para bang ginagamit sa paghahanda para sa isang pagsusulit o recitation.
Probably a law student, napaisip ako habang iniangat ang isang papel na may mga nakasulat na Latin terms. Hindi ko mapigilang mapangiti. Maayos ang pagkakaayos ng lahat... maliit man ang espasyo, pero halata ang dedikasyon ng may-ari sa kanilang pag-aaral.
Tumayo ako sa gitna ng silid, iniisip kung sino ang maaaring gumagamit ng maliit na bahay na ito.
Ilang minuto akong nagpalipas doon bago ko napagpasyahang umalis at bumalik na sa aming mansyon.
YOU ARE READING
Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)
RomanceKendall Gavrielle Steele, isang pangalang simbolo ng kayamanan at kagandahan. Isinilang siya sa isang mundo ng pribilehiyo, kung saan bawat hiling ay natutupad, at bawat kapritso ay nabibigay. Ngunit sa ilalim ng kanyang perpektong buhay, isang bagy...