Kabanata twenty

854 4 0
                                    

Kabanata twenty

Simple

Apollo's gaze softened habang tinitingnan niya ako, as if memorizing every detail, every fleeting expression. His eyes held a quiet intensity, and I felt the weight of his silence more than his words.

And then he began, his voice low and hushed, as if every word was a confession he had held close for too long.

"Mahirap ipaliwanag kung ano ka para sa akin, Miss Elle," voice low, almost reverent. "You're like the calm after a storm... steady, grounding. I find myself drawn to you in ways I can't control, as if every part of me was made to seek you out."

Bahagya siyang tumigil, nakakunot ang kanyang noo na para bang pilit na kinukuha ang isang pakiramdam na hinding-hindi mapipigil ng mga salita. "You are the first light that reaches me in the dark, the gentle warmth in my chaos."

"With you, I found pieces of myself I thought were gone. Being with you, I remember that life doesn't have to be cold, that I don't have to live just in memories. It feels like, somehow, you've given me back pieces of my heart."

His voice trembled with an honesty that felt raw and exposed, as if he'd peeled back a part of his soul. "I don't know where we're going from here, but all I know is, I don't want a life without you in it."

Isang luha ang tumulo mula sa aking mata, tahimik na bumagsak, tila pinagtaksilan ako sa katahimikan na pilit kong pinipigilan. Ang kanyang mga salita ay parang nakita nila ang bawat bitak sa mga pader na itinayo ko sa paligid ng aking puso, filling them with something raw, something real that I'd fought to deny.

I looked at him, voice trembling but resolute, each word woven with the depth of what I felt. "Apollo... in all the moments I tried to be strong, to stand alone, you found your way in, piece by piece. You... you feel like home in a way I never knew I needed. You've brought me a kind of peace that feels impossible, but it's there every time I'm with you."

Lumipad ang kamay ko sa aking dibdib, na para bang mapapatahimik nito ang bagyong unti-unting nabubuo sa loob ko, pero ang mga salita ay patuloy na dumadaloy, umaagos na para bang laging nariyan, naghihintay lamang na sabihin. "You are the quiet in the chaos, the steady beat in all the noise. With you, it feels as though the parts of me I tried to hide, the fears I kept buried... they don't need to hide anymore. You make me feel seen, as if you're looking right past all my scars and just... holding me as I am."

Nakatakas ang isa pang luha, marahan niyang pinunasan iyon gamit ang kanyang daliri. Nagtagal iyon, tila gusto niyang kabisaduhin ang bawat hawak, at ang lapit. Ipinikit ko ang aking mga mata, ninanamnam ang init ng kanyang kamay, I let myself feel it all. At nang buksan ko ang mga ito, I let him see every bit of love, every unspoken promise.

"Apollo, you are also the calm I never thought I deserved, the warmth I thought I'd never find. With you, it's as if I can finally breathe, finally let go of all the weight I carry."

I gazed at him, and in his eyes, I saw acceptance, a depth of love I'd never thought I'd be worthy of. It was as though, in that moment, he held all the pieces of me...the broken, the beautiful, the hidden, and loved each one without question.

A deep breath filled my lungs, and for the first time in so long, it felt effortless. All the weight I had carried alone, the scars I had learned to hide, somehow felt lighter now. He had seen through every layer, each scar I wore like armor, and still he stayed.

As I looked at him, a sense of peace washed over me, wrapping itself around every doubt, every hesitation.
In that stillness, I let my gaze drift to the quiet night beyond us, a small smile touched my lips... a whisper of contentment that came from the deepest parts of me.
For the first time in a long time, I felt whole.

Bumalik kami sa party at nakita kong naroon pa ang dalawang kaibigan. Tinutulungan ni Issa si Treasure na makaupo, halatang kanina pa ito nakainom.

"Oh my God, Tre! What happened?" nag papanic kong tanong kay Issa habang nilalapitan ko sila.

"Kanina pa sila nag-iinuman nung lalaking kausap niya," sagot ni Issa, inaayos si Treasure sa upuan na parang magpapasagasa sa sarili.

"My God, Tre! Bakit lasing na lasing siya?" nag-aalala kong sabi.

Napabuntong-hininga ako. Nakita ko si Apollo, na ngayon ay nakatayo sa malayo habang pinagmamasdan kami. "Apollo," tawag ko, tinuturo si Treasure.

"Pwede bang tulungan mo kami? Kailangan na namin siyang dalhin sa guest room. Sasabihin ko na lang sa driver niya na bukas nalang sunduin."

Walang alinlangang lumapit si Apollo at agad na binuhat si Treasure, para bang wala itong bigat. Napatitig ako sa kanyang mga bisig, malapad, malakas, at tila mas malaki ngayon kumpara sa dati. Yung mga muscles niya, litaw na litaw sa ilalim ng suot niyang shirt.

Halos hindi ako makapagsalita habang pinagmamasdan ko siyang walang hirap na binubuhat si Treasure papunta sa guest room. Ang bawat hakbang niya ay buo at sigurado.

"Elle, what happened to your friend?" narinig kong tanong ni Mommy habang papasok kami sa mansyon, ang tono niya ay may halong pag-aalala.

"Nothing, Mom. Nakainom lang po si Treasure!" sagot ko, pilit na pinapakalma ang sitwasyon.

Pagkadating namin sa guest room, walang kahirap-hirap na binuksan ni Apollo ang pintuan at maingat na inilapag sa kama si Treasure na parang bata. Tila magaan ang katawan ng kaibigan ko para sa kanya.

Pagkatapos niyang ilapag si Treasure, ay lumipad ang tingin niya sa akin. Naramdaman ko ang bigat ng mga mata niyang nakatitig, tila nagtatanong kung hindi pa ba ako magpapahinga.

"Miss Elle," aniya sa mababang boses, "magpahinga na rin kayo."

Napatingin ako kay Issa, na halos hinihila na rin ang sarili mula sa pagod.

"Oo nga," sagot ko, sabay ngiti. "Issa, gusto mo bang dito na rin matulog? Mukhang pagod na pagod ka na rin."

Tumango si Issa, na halatang hindi na rin kayang mag-isip nang maayos. "Sige, Elle, sabihan ko nalang si Manong."

Lumapit si Apollo at hinawakan ang pintuan. "Huwag kang mag-alala," aniya, mas mababa ang boses at parang mas malapit sa akin ngayon. "Nasa labas lang ako, Miss Elle. Magpahinga na kayo. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako."

Tumango ako, naramdaman ko ang init sa mga pisngi ko habang tinatanggap ang bigat ng mga pangyayari ngayong gabi. "Salamat, Apollo," bulong ko.

Ngumiti siya, "Goodnight, Miss Elle," dagdag niya bago tuluyang isara ang pintuan.

Naiwan akong nakatitig sa pintuan habang sinasara niya ito.

Kinabukasan, wala na sa higaan ang dalawa kong kaibigan. Nagmadali akong umakyat para makapunta sa aking kwarto. Puno pa rin ng enerhiya mula sa kagabi, pumasok ako sa banyo para mag-ayos at maghilamos. Ang malamig na tubig sa aking mukha ay tila nagbibigay-buhay sa akin.

Nagsuot ako ng puting bestida na mahaba at tumatama ang dulo sa aking mga tuhod. Ang simpleng disenyo nito ay nagbigay ng sariwang anyo sa akin, bagay na akma sa masayang umaga. Pagkatapos ay bumaba na ako agad sa aming mansyon, ang boses ng mga tao mula sa dining area ang naririnig ko mula sa hagdang-bato.

Pagdating ko sa ibaba, narinig kong may nagtatawanan at nakita ko sina Mommy at Daddy kasama ang aking mga kaibigan. Nag-uumapaw ang saya sa paligid, at ang amoy ng almusal ay pumapasok sa aking ilong, nakakapagpagana sa akin.

"Elle, let's eat! Buti na lang naabutan mo kami!" ani Mommy, nakangiti habang may hawak na plato ng sinangag at itlog.

"Good morning!" bati ko, sabay tingin sa paligid. Mabilis akong lumapit sa mesa at umupo, na tinatanggap ang magandang simoy ng umaga at ang presensya ng mga mahal ko sa buhay.

Pagkaupo ko, napansin ni Mommy ang ngiti sa mukha ko. "Someone's happy today," biro niya, may mapanuksong ngiti sa mga mata.

"Mom!" sagot ko, namula nang kaunti habang natatawang umiiwas ng tingin.

Tumawa siya ng malambing at muling ibinalik ang tingin sa pagkain. "Hindi ko naman masisisi, anak. Ang saya mo ngayon, parang may magandang nangyari," dagdag niya habang iniaabot ang bacon sa akin.

Hindi ko na napigilang mapangiti nang malaki habang inaabot ang pagkain. Sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan, parang ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya... simple, tahimik, at totoo.

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now