Kabanata twenty-one

775 6 0
                                    

Kabanata twenty-one

Worry

Pagdating ng hapon, nakaalis na ang dalawang kaibigan ko. Iniisip ko kung saan ko pa pwedeng sayangin ang oras ko.

What if paturo akong mag drive?

Nagmadali akong nagpalit ng damit at bumaba. Nakarinig ako ng mga tinig habang ako ay pababa. Nakita ko sina Daddy at Apollo, ang katawan nila ay tila puno ng tensyon habang nag-uusap.

Nang mapansin nila ako, biglang napalitan ang ekspresyon ni Daddy, ngumiti ito sa akin, "Yes, darling?" tanong niya.

Medyo sumilay ang tuwa sa mukha ko, lalo na nang balingan ako ni Apollo. "U-uh Dad, naiisip ko lang kasi na gusto kong matutong magmaneho," ani ko, pinipigilan ang tuwa.

Natawa si Daddy ng bahagya, "Apollo can help you, anak. I'm sure we can set this for another time. May inutos lang ako sa kanya ngayon," sagot niya.

Gusto ko sanang umangal, na sabihin na kay Manong Yani nalang ako papaturo, at mukhang abala si Apollo. Sa itsura ng dalawa, mukhang mahalaga ang kanilang usapan. Kaya't nagdesisyon akong tumango at umalis na lamang.

Pagpasok ko sa kwarto, may sumilay na liwanag mula sa bintana, hapon na at nagbibigay ito ng malambot na ningning sa buong silid. I closed the door behind me.

Naglakad ako papunta sa bintana, hinihila ang kurtina para masilip ang liwanag ng araw. Everything felt surreal. The warmth of the sun on my skin matched the warmth inside me. I found myself giggling, something I hadn't done in a long time.

"I'll just spend my time drawing," I whispered to myself, hoping the familiar scratch of pencil on paper would calm my thoughts.

Kinuha ko ang sketchpad at lapis mula sa aking mesa. I started with soft lines. Ilang oras ang lumipas, Apollo's face slowly came into view. His intense eyes, the way his lips curved into that familiar smirk.

Narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Napatingin ako sa oras... alas singko na ng hapon?!

Hindi ko namalayan na inubos ko na pala ang buong oras ko sa pagdo-drawing.

"Yes, Manang?" tanong ko sa matanda habang hinahawi ko ang mga kalat sa mesa.

"Nasa baba raw po si Apollo, Miss Elle," sagot ni Manang Dolores, mahinahon.

Bumilis ang tibok ng puso ko. "Bakit raw po, Manang?" tanong ko, biglang kinakabahan.

"Nabanggit niyo raw po na gusto niyong matutong magmaneho, Ma'am. Kaya, bago daw po siya aalis, tuturuan ka na niya ngayon," patuloy ni Manang.

Ilang segundo akong nakatayo, hindi sigurado kung paano magre-react.

My heart was racing, not from fear of driving, but from the thought of being alone with him again. Napatingin ako sa paligid ng kwarto ko, para bang hinahanap ko ng mabilis ang tamang sagot.

"Pakisabi mag-aayos lang ako, Manang," sagot ko bago sinarado ang pintuan.

Nataranta ako. Sa loob ng dalawampung minuto, nagmadali akong maligo, at pagkatapos, nagsuot ako ng simpleng ruffled top at mahabang palda na terno at tinernuhan ko 'yon ng dalawang pares na heels.

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now