Mikhael~
Nagseselos ba ako? Ang sakit ng dibdib kong makitang nakikipaglandian si Althea kay Beau.
Pagkatapos ng usapan namin kanina sa canteen ay agaran akong dumeretso sa office. Di ko pinansin si James. Abala siyang ini-imporma ang susunod kong schedule. Balak ko sanag ipa-cancel kaso mga investor at bagong kleyente. Sayang naman.
Hinugot ko sa bulsa ng blazer ang cellphone bago hinabad iyon. Pinatong ko sa braso ang blazer bago pinindot ang call icon sa ibaba ng numero ni Althea. Gusto kong parusahan siya. Ipapaliwanag niya ang kalokohang ginawa kanina.
Hindi niya sinagot ang tatlong missed call ko. Tumiim bagang ako. Initsa ang blazer at padabog na lumabas ng opisina. Umaapoy ako sa galit na tinatahak ang kahaban ng pasilyo. Di inalintana ang mga empleyadong gulat akong sinalubong. Dire-diretso ako sa opisina ng babaing pinahahapdi ang dibdib ko.
"Althea!"Tawag ko.
Eksaktong papalabas siya. Malakas kong sinara ang pinto. Walang pakialam kung may maranig 'non at ma-eskandalo. Hinuli ko si Althea. Pinako siya sa dingding. Sinigurado kong mahigpit ang pagkahawak ko sa braso niya. Tinukod ko ang isang kamay sa pader. Tinignan siya ng maanghang sa mga mata.
"Ano ba Mikhael! Bitawan mo ko!"Kinakapos ang hininga niyang panglalaban.
"No! May kailangan kang ipaliwanag sa'kin!"Giit ko. Lalong sumiklab ang apoy sa loob ko.
Iniwas niya ang tingin. "Ano bang pinagsasabi mo?!"
"What the hell is going on between you and Beau?"
"Ano'ng sinasabi mo? Wala naman huh!"
"Wala? Eh, abot tenga ang tawa mo kanina sa kanya. Hayagan ang panglalandi mo!"
Humagalpak siya sa tawa. "Ang dumi ng utak mo. Ako? Maglalandi kay Beau? Yuck!"
Nanlaki ang mga mata kong binitawan siya. Ilang sandali akong napaisip. Hindi ako kumbinsido sa reaksyon niya.Tila nagsisinungaling siya.
"Bakit magkasama kayo kanina sa canteen?"
"Di sana ako sasabay sa kanya kaso si Darlene, pinapilit rin ako. Wala akong ni katiting na gusto sa kanya. Sa katunayan, naiirita akong makausap siya. Hindi ko gusto na nilalandi niya ako. Saka magpinsan kami!"
Natigilan ako. Pino-proseso ng tatlong segundo ang sinabi niya. Humupa ang tensyon sa sistema ko. Kalahati masaya, kalahit naiinis. Naiinis ako kay Beau! Sasabihin ko kaya sa kanya na kapatid ko si Althea para tigilan niya.
"Kahit magpinsan, pwedeng magpatulan!"Singhal ko. Sandali kong sinapo ang noo. Nauubusan ng pasensiya. Huminto. Pinagkatitigan siya ng sampung segundo. Nameywang. "Don't lie to me! I saw the way you were looking at him!"
"Pwede bang magpatingin ka ng mata mo. Hindi mo ako pagmamay-ari, Mikhael. Kakausapin ko ang sinumang gusto kong kausapin. Period,"rason niya.
Tumiim bagang ako. Desperadong binagsak ang mga kamay. Lumapit sa kanya at muli siyang ipinako sa pader. Habol ang hininga niyang sinalubong ang mga mata sa'kin. Nanginginig sa kaba ang buong katawan niya.
"Hindi ko papatulan si Beau dahil pinsan ko siya,"usal niya. Sinikap maging matapang sa kabila ng pagbabanta ko.
Nanliit ang mga mata ko. Lalo siyang diniin sa pader. Saka ko namalayan na hawak ko ang leeg niya.
"Hindi ko gustong makipag-flirt ka sa kanya,"sabi ko sa buo at mababang boses. Sinong babae ay manginginig sa inaasta ko.
"Flirt? Ilang beses ko nang sinabi na wala akong interes kay Beau dahil pinsan ko siya. Bakit ang tigas ng ulo mo. As if you are jealous."

BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
RomanceThe Henderson Series Book 1 Completed ------- Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fled abroad to...