26

62 7 0
                                    

Althea~

Matamlay akong pumasok ng opisana ngayon. Pinipilit ko ang sarili para sa trabaho. Ramdam ko pa ang mala-pantasiyang day off ko kahapon. Hindi pa ako nakahuma sa maraming kaganapan kahapon. Natawa ako nang maalalang nakasakay ako sa isang rides—mabuti sa ferris wheel lang.

Argh! It was supposed to be a break, but here I was, back on Sunday, no energy, no motivation. Panandalian lang talaga ang lahat eh. Idadag pa ang ora-oradang  gawain ng marketing department. Nagsisi ata ako na mag-apply bilang marketing manager. Pinisil-pisil ko ang sentido, may paparating kasi na sakit ng ulo. Dumilim ang paningin ko nang tinignan ang mga papeles.Parang gusto kong gumapang sa ilalim ng lamesa ko nang maalala ang ideya ng bagong marketing strategy para sa Henderson Tower. Malapit na kasi matapos.

"Ma'am Althea, handa ka na ba?"sumulpot si Gigi sa harap ko. Humahangos habang inimporma ako. "The meeting will begin at 10 o'clock. I-ready mo na lahat ng pwede mong i-present. Magdadalo ang ibang myembro ng board."

Pumintig ang puso ko. Nanghina ang tuhod. Nanginginig ang mga kamay na binaba ang hawak na papel. Palagi naman ako sa harap ng mga tao noong nagtatrabaho pa ako sa Belgium at sisiw lang sa aking ang presentation. Subalit bago 'tong nararamdaman ko. Natatakot ako na hindi ko alam.

"Handang-handa na ako,Gigi. Just believe,"sabi ko sabay kindat.

Pigil hininga siyang tumango bago lumabas. Ako naman hindi na mapakali . Sinulyapan ko ang wrist watch. Meron na lamang akong trenta minuto para pagdahin ang sarili. Natataranta akong niligpit ang mga papel at kinuha ang folder ng may laman ng presentation ko. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nilisan ang opisina niya.

Still hoping for my father—Matteo Henderson, might appear magically. Two weeks na ako rito pero hindi ko pa siya nakita.

Natagpuan ko ang sarili na pinapaliwanag ang ideya ng presentation ko. Naiilang ako sa nakakasulasok na tignin ni Mikhael, nakaupo talaga siya sa harap ko. Nakakibit balikat siya at sinusuri a matitigas niyang mata ang kabuan ko. Heto, nilalaban ang magkahalong inis at illang. Idagdag pa ang nakakapanindig balihibong tingin ng mga executive at manager.Hindi yata sila convince sa ideya ko.

Nanatili silang tahimik matapos kong ipaliwanag ang unang ideya ko. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago simulan ang pangalawang ideya niya tungkol ito sa Henderson Tower.

"So, for the new Henderson Tower real estate project, we propose a multi-form strategy that combines traditional marketing with a heavy emphasis on digital, then—"

"Alright,Enough,"pamumutol ni Mikhael.

Huminto ako. Naging barado ang hangin sa lalamunan ko. Nainis ako dahil hindi siya nag-aksaya ng panahon na tumingin sa presentation ko ngunit hindi mapalis ang tingin sa akin. He was looking straight at me, cold and dismissive.

"That's all you've got? How is that any different from what every other company is doing? I don't think dagital marketing is not effective,"he scoffed.

Naikuyom ko ang mga kamay. Halos mabali ko pa ang hawak na laser. Pinilit knog ibalik ang sarili. Hindi dapat ako matatalo ng lalaking 'to. "Well, we've integrated specific data analytics that will—"

"Hindi naman mabibenta ang data analytics ang real estate.Hindi naman nakaka-groundbreaking ang ideya mo,Miss Marketing Manager You're pitching safe, predictable ideas. Where's the innovation? The vision? Are you fooling around?" Sabad niya. Tumagos yata sa kaluluwa ko ang mga salitang namutawi sa sagrado niyang bibig. Sarap niyang busalan. Mokong 'to, iniinsulto ako.

Inayos ko ang pagtindig. "We believe that by fucosing on targeted campaigns—"

"Belief is not enough. I need results. Saan ba ang proof na nagsasabi na magtatagumpay itong plano mo?"sabi niya sabay sandal sa upuan  at kibit balikat. Kung hindi ka lang gwapo, piniktusan na sana kita.

How to hide the Billionaire's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon