Mikhael~
Para paasarin ng husto si Althea, naisipan kong umikot sa buong department ng kompanya. Naglaan ako ng 30 minutes para hintayin siya.
Pagkatapos kong ikutin at patarantahin ang lahat ng empleyado sa surprise visit ko. Tumatawa ako habang nakapamulsa na naglalakad pabalik sa opisina ko. Nasa likuran ko ang sekretaryo ko at ang financial director. Aasikasuhin ko muna ang perang pinansyal bagkus nagdududa ako na may kurapsyon na nagaganap.
Nangatog ako. Sinuklaban ako ng matinding iritasyon. Natanaw ko si Atlhea sa gilid ng elevator. Pilit na binabalanse ang sarili sa hawak na limang kahong pizza. Nagkunwari akong um-order para pahirapan siya. Ang hindi ko gusto ay makita siyang nakangiti sa kausap niyang hudyo. Katabi niya si Beau at tila may sinabi itong nakakatawa kaya tumawa ang babae ko.
I clenched my fists, fuming as I approached them. Pinukolan niya ako ng smug smile niya. Wala siyang pake kung naha-high blood ako kakatingin sa kanila.
Unang nakapansin si Althea sa 'kin, naglaho isang iglap ang ngiti niya nang makita niya ako ang umuusok kong ilong at tainga.
"What's this?"untag ko sa nagyeyelo ang boses nang tinuro ang hawak niyang pizza.
Umuwang ang bibig niya. Talong beses na napakurap. Nakapaskil na sa mukha ang malaking question mark.
"Ito po iyong in-order niyo—"
"I don't want that anymore,"pamumutol ko at inirapan siya ng matalim. "Go, change it right away! Get me one orange cheesecake. Freshly made." Nakakasakal ang mga salita ko at ramdam ko ang frustration niya, kahit pilit niyang ikubli.
Sige pa, Althea. Lakasan mo pa ang loob mo.
"Pero meron pa ako-" reklamo niya, gusto yata akong suwayin, subalit wala ako sa mood upang makipag-argumento sa kanya.
"Tinatanong ko ba ang opinyon mo? Umalis ka na at sundin mo ang utos ko!"asik ko sa mataas na boses.
Umatras siya. Bumuga ng hangin at naiinis na pekeng tumawa. "Ano naman ang gagawin ko sa pizza aber?" Reklamo niya ulit sabay angat ng kahon sa akin.
Sumalpok ang kilay ko. "Throw it away,"pakli ko. Nilipat ko ang tingin sa elevator na bumukas. Nahihiyang dumaan sa amin ang ilang empleyado.
Nang umalis sila. Lumapit si Althea sa akin. "Sana karmahin kayo!"singhal niya. Tinulak niya ang pizza sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang saluin iyon. Ini-snab-an niya ako bago umalis. Nangagalaiti akong sinundan siya ng tingin. Papalabas siya ng company building. Lihim akong napangiti-kahit nagmamaldita siya ay sinusunod niya pa rin ang utos ko.
Bumungisngis si Beau sa tabi ko. Lalo niyang pinatindi ang pagkulo ng dugo ko. Ngayon, oras na para sakalin siya...Tarantado. Ginagago niya ako.
"Wow,Kakamangha naman!"sarkastikong usal niiya. "You've got her running errands for you like a valet now? Kailan mo naging slave ang marketing manager? Wag mong sabihin, pakitanbin niya sa susunod ang sapatos mo."
Ganawaran ko siya ng umaapoy na tingin. "Don't act like you know what you're talking about,dear cousin. Stay out of it."
Ngumisi ang gago,saka pakaswal na sumadal sa pader. "You know,you really shouldn'ttreat people like that. Nakalimutan mong hindi mo pagmamay-ari ang lahat. Sigurado ka bang maging sa'yo ang kumpanyang 'to habambuhay?"
Dinagdagan niya ng gas ang umaapoy kong damdamin. Hindi tama to. Dapat kong kontrolin ang sarili ko. I should act innocent in front of others.
"Watch your mouth,bro."Nilapit ko ang mukha sa tainga niya upang warning-an siya. "Kapag hindi ako makatimpi,kaya kong i-expose lahat ng kagaguhan mo sa kompanyang 'to."
Lumapad ang ngising aso nito. "Gusto ko lang sabihin na hindi mo makokontrol lahat ng gusto mo."
At hindi ko na makokontrol ang sarili ko na suntukin siya ngayon. I felt my hands balling into fists, but I resisted the urge to give in to the anger boiling inside me. Sa halip, minabuti kong lampasan siya. Timing na bukas ang elevator. Tinawag ko ang aking secretary at financial director na susundin nila ako.
My jaw clenched so tightly it hurt. I had more important things to focus on than his petty provocations.
Iimbestigahan ko muna ang lahat ng anomaliya niya. Mananagot siya sa akin.
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
Storie d'amoreThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...