45

29 4 0
                                    

Althea~

"Althea, it's nice to see you here!" Dinig kong bati ni Giorgianna nang marating ko ang pasilyo patungo sa classroom ni Raven. Ako ang nagpasyang sumundo sa kanya dahil lilipat kami ng bahay.

"Same here. Kamusta?"Ganti ko sabay ipit ng buhok sa tainga.

Abot-tenga ang ngiti niya. "Nakikisabay pa rin sa ikot ng mundo. Halatang di ka abala ngayong araw,huh."

"Lilipat kasi kami ng bahay kaya ako ang magsusundo kay Raven,"turan ko sabay pamulsa.

Ngumiwi siya. "Kung hindi ako nagkakamali may unang sumundo sa kanya."

Nagulanta ako kaya nagtatanong akong inirapan siya. "S-Sino? B-Bakit niyo hinayaang—"

"Kalma. Sinabi niyang ama siya ni Raven,"putol niya.

Nakahinga ako ng maluwang. Humakbang siya palapit sa'kin at mahina akong siniko sa braso. "Siguro hindi pa sila nakakaalis kasi nakita kong dumeretso sila sa playground. Si Mikhael Henderson pala ang ama ng anak mo, nahuli ako sa tsismis,"natatawa niyang dagdag.

"Pasensiya kung tinago ko. Medyo komplikado kasi ang sitwasyon noon,"sabi ko. Sinabayan niya akong maglakad patungo sa playground.

Hindi lingid sa kaalaman nito na naging boyfriend niya si Mikhael at naghiwalay sila maliban sa pagkaroon niya ng anak. Si Giorgianna noon ang sandalan niya tuwing may problema siya. Nagkahiwalay lamang sila no'ng grumadywet sila.

"At isa ka palang Henderson, so ano naman si Mikhael. What half-sibling kayo?" Naiintriga niyang sabi na bumahid pa ang pandidiri sa mukha.

"Hindi kami magkapatid. Nalaman ni Dad na anak siya sa labas ng asawa niya."

"Ay, sorry. Sana di kita tinatanong sa ganitong ka sensitive na bagay. Nakakagulat talaga ng life story mo. So, nagkabalikan ba kayo?"

Walang pag-alinlangan akong tumango. Hindi rin kasi ako makatiis magsinungaling sa kanya. "Actually, he's my husband now,"tipid pero accurate kong sagot.

Namilog ang itim niyang mga mata. "A-Ambilis nito. Pero masaya ako. Ang love team na tinatangi ko'y nanka- end game rin!" Aniya na may himig ng kilig sa boses. Hindi niya mapigilang humagikhik.

Huminto kami malapit sa makulay na bakod. Ginala ko ang tingin, eksaktong nahapit ko si Raven na masayang nag-uusap sa ama niya. Seeing them, I could feel butterflies in my stomach. Gumaan ang pakiramdam ko mula sa bigat at tensyon na binibigay ng kompanya. Dinukot ko ang cellphone at ngiting-ngiti na kinukunan sila ng pictures.

"Ang cute tignan ng mag-ama mo. Naiingit tuloy ako,"puna niya saka nilagay sa ilalim ng baba ang siniklop na mga kamay.

"Iyan kasi, dapat ka ng mag-asawa","pambubuska ko.

Humalukipkip siya. "Gusto pa enjoy-in ng lola mo ang single life. Tamang inggit lang muna ang gagawin ko ngayon. Sayang hindi mo ako in-invite sa kasal mo,"turan niya na nadismaya sa dulo.

"It's a civil wedding, saka wala nang oras para mang-imbita. Next time, sisiguraduhin kong maging maid of honor kita,"pahayag ko na tinututok pa rin ang cellphone sa dalawa.

Hindi siya umimik pero lumikha ng ingay na kinikilig. Lumuwang ang tawa ko nang bumaling si Mikhael sa dereksyon ko, nag-peace sign siya nang mapuna na kinukunan ko sila ng litrato. Lumuwang ang pagkakangiti ko, saglit ay damang-dama ko ang pagsakop ng init sa aking pisngi. Bumilang ako ng sampu para payapain ang sarili, kaso nanlambot ang tuhod ko nang sumilay ang killer smile niya. Parang gusto kong bumalik sa pinangalingan ko. Natanto kong magkahawak kamay sila ni Raven na humahakbang palapit sa amin. Hindi niya talaga ako binibigyan ng pagkakataon na umtras.

How to hide the Billionaire's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon