Mikhael~
Sumasakit ang ulo ko. Matapos ng ilang taon kung pinaghirapan, heto na makakamit ko na ang pinapangarap. Magiging Chief Executive Officer ng Henderson Enterprise. Our business is a luxury real estate and property development. Isa kami sa pinakamayaman, at maunlad sa buong mundo. At ngayon na sisimulan ko ang trabaho, may nakaabang akong project. Isusunod namin ang the Henderson Tower-magiging landmark ito ng syudad at palatandaan ng mga Henderson. Idagdag pa ang expectation ni Dad na palagi kung nafi-fail.
Sumandal ako sa gilid ng tainted window ng marangya naming sasakyan, kinokontrol ang tensyon habang iniisip ko ang mga bagong pagsubok na darating. Hindi madali bilang CEO lalo na kung ang tatay mo na walang tiwala sa'yo ang magbabantay. Sinikap at tiniis ko ang dalawang kursong-financial management at architecture, at wala na akong ginawa sa buhay kundi ang isubsub ang sarili ko sa pag-aaral at trabaho.
Inagaw ang atensyon ko sa kumikinang at naglalakihang glass window ng Henderson Company building. Ang imperyo ng pamilya ko. Humugot muna ako ng malaim na hininga bago bumaba ng sasakyan. Taas noo kong tinanggal ang sunglasses. Nilibot ang tingin sa palagid. What a sunny day, sana ganoon din kasigla at kaliwanag ang pagtanggap nila sa 'kin.
"Tignan mo, nandyan na siya." Narinig kong bulungan nito nang humakba na ako papasok. Maayos na nakahilera ang mga empleyado at bakat sa mga mukha nila ang pagiging eager. Excited silang makilala ako.
"Nandito na ang bagong boss,"sabi ng isa sa masiglang tono.
Kinibot ko ang dulo ng aking labi. "Bagong boss, uh-ho, pero pareho lang ang mga problema,"sabi ko sa sarili. Binabati ko sila sa patango at tipid na ngiti.
Namataan ko si Dad sa dulo. Palaging madilim ang expression ni Matteo Henderson sa tuwing makikita niya ako. Makisig siyang nakatayo habang nakakibit balikat, nasa presensiya niya ang pagiging maawtoridad palagi. Titig na titig siya sa akin, para niya akong ginagawang bata ulit. Siya lang naman ang kinatatakutan ko simula pagkabata.
Katabi niya si Mom-si Aurelia Henderson, malambing siyang nakangiti. Ito lang ang palaging umaapay sa akin. Humupa ang tensyon sa aking dibdib nang makita ang mga mata niyang mainit akong sinusuportahan.
"And now,"pasimula ni Dad, nakataon ang atensyon niya sa lahat. "I'd like to introduce to you all your new CEO, Mikhael Bryce Henderson. My one and only child."
The applause echoed in the hit room, bouncing off the high ceilings, but it felt distant, muffed. Humakbang ako paharap at magalang na tumango, nasa puso ko ang alinlangan kung handa na ba ako hawakan ito-o marahil magiging krus ko lamang.
"Thank you,"sabi ko, bahagyang nanginginig ang boses ko. Sinusubukan kong tanggalin ang kaba saka pinatuloy ang pagsasalita. "I promise to lead this company with the same vision and integrity my father built it on. Together, we will move forward into a future growth."
Muli silang nagpalakpakan, pero hindi ko nararamdaman na totoo ang lahat. As if I were an actor reciting line rather than living my own life. Mayamay, bumaling si Dad sa akin, yumukod siya at nilapit ang bibig sa tainga ko.
"Do not get too comfortable,Mikhael,"pumanting ang boses niya sa tenga ko. Isang malamig at malutong na boses. "This wil not be yours forever."
Napako ako sa kinatatayuan ko. Mas mabigat pa sa suot kong damit ang bawat salitang binanggit niya. Naramdaman ko pa ang mga matang tumitingin sa akin, parang hinahati ako. Humigpit ang pagkakahawak ko sa microphone, sa lumunok. It was a sunny morning, yet it felt like a storm was brewing with me.
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
RomanceThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...