14

67 9 0
                                    

Althea~

Puno ng pag-asa at bagong simula matapos ang kaguluhan kahapon, kampante akong papasok sa trabaho. Ang totoo, kinakabahan ako kasi nangako ako kay Boss na aayusin ang gusot ng isyu. Sa halip, wala akong nagawa. Wala akong ideya paano lulutasin ang problema. Aasa ako kay Lord na sana tutulungan niya ako na malampasan ito.

Ako na ang naagrabyado pero si Mikhael pa ang galit sa akin. Hindi niya alam na sinara niya ang buhay ko. Pinahiya niya ako kahapon kaya heto pakakapalin ko ang mukha para sa future namin ng anak ko.

Suot ang doll shoes at minimalist beige blazer at pants, buong pag-iingat akong pumasok. Kailangan nila ang marketing manager, hindi ako pwedeng um-absent. Dumantal ang malamig ang simoy ng hangin sa umagang 'to habang naglalakad ako papasok ng gusali.

Pilit akong ngumiti nang nilapitan ko ang security desk para mag-check in. Pangatlo araw.Sana may magandang manyayari sa araw na ito.

"Good morning po,"bati niya sa akin na abot-tenga ang ngiti.

I clutched my bag a little tighter. "Morning,too. Kumusta po?"bati ko rin.

"Okay naman po sa awa ng Diyos, heto humihinga pa,"anang niya saka tumipa sa computer. Pinagaan niya ang loob ko sa munting gesture. Sapat na para harapin ko ang lahat ng pagsubok na darating ngayong araw.

"Ayos na po,Miss." Binalik niya sa akin ang papel na inabot ko kanina.

"Salamat po,"sabi ko sabay pakawala ng maliit na tawa. "Nag-a-adjust pa rin sa malaking gusaling ito, hay."

Habang abala ako sa pagkikwentuhan sa kanya ay biglang bumago ang enerhiya ng lobby. Inagaw ng ki-click na mga takong sa marble floor ang atensyon ko. At awtomatiko akong lumingon sa pinangyarihan ng ingay.

A woman, dressed in an impeccably tailored navy suit, strode into he room as if she owned the very air we were breathing.

Nanlaki ang mga mata ko sa mala-reyna niyang dating. Ang angas kung rumampa. Dati ba siyang beauty queen? Hindi ko makita ng kabuan ang itsura dahil sa suot na sunglasses pero alam ko na maganda siya.

She walked with the grace and authority of someone who knew exactly who she was. Nakataas noo siya, naka-bun ang buhok, at naglalakad siya na hindi tumitingin sa iba, walang pake kung nakabaling ang lahat sa kanya.

"Wow? Sino ba 'yon? May reyna bang nagtatrabaho dito?"anas ko, nanlalaki pa rin ang mga mata mula sa nakakalulang aura niya.

Sumandal sa desk si mamang guard, binaba ang boses na tila may sasabihin top secret. "Siya ay si Aurelia Henderson, ang nanay ni Sir Mikhael. Pumupunta 'yan dito tuwing hwubes pero palaging nasa abroad. Dati siyang marketing directon,"mahabang paliwanag niya.

My jaw dropped a little. "Wow, naman! Mukhang beauty queen ang nanay ni Mikhael." na-i-excite kong saad kaya napataas ako ng isang pitch. Sinaway ako ni mamang guard kaya tinikom ko ang bibig ko. Hindi pa pala nakapasok ng elevator si Madam.

Tumagop-tango siya. "Pero mag-ingat ka sa kanya. She's not just the CEO's mother; she's a force around here. Darating kung kailan ang gusto, tuwing nandito 'yan... magrarambulan ang lahat. Ipagdasal natin na walang problema ngayon."

Sumingkit ang mga mata ko. Mistulang marites si Manong pero may punto siya. Binalik ko ang tingin kay Aurelia. Ang amo ng mukha. Nalulula ako sa kanya. Kaso hindi ako pwedeng makampante. Hindi ko pa siya kilala at hindi ko alam ang totoong ugali niya.

Pumasok si Aurelia na walang lingon kasabay ang mga lalaking naka-black suit. Iba talaga mga mayayaman, maraming body guards.

Nang mawala siya sa paningin ko, ginawaran ko ng maliit na ngiti si guard at nagpaalam sa kanya. Lutang akong naglakad patungong elevator. May masama akong naamoy sa babaeng iyon at tila pinagsisigawan ng isip ko na mag-ingat sa kanya.

Pinindot ko ang elevator button. Ayos na sana pero nanayo ang balahibo ko nang may nakipagsabayan sa akin. Lalag ang panga kong binaling ang sarili sa kung sinong herodes ang nangahas na hawakan ang kamay ko.

Bumilog ang mga mata ko nang tumunghay sa akin ang matipong lalaki pero ang bata ng mukha. Nakasuot siya ng mamahaling tailored suit. Makinis, matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, makapal ang kilay na nagbabagay sa hugis ng kayang Nakahawi papatras ang kanyang buhok na mistulang puno ng gel. Nakaangat ang isang kilay niya habang pinasadahan ako ng tingin. Nagdududa akong tinaasan isang ang kilay. Mukha siyang high school student. Teka, anong ginagawa niya rito? maybe he was sneaking in,pretending to be older.

Langya si Herodes parang may pagnanasa sa akin. Nailang ako at iniwas ang tingin sa kanya. Akma siyang magsalita nang tumunog at bumukas ang elevator. Naghintayan muna kami ng ilang saglit kung sino ang papasok. Ang gungung gusto ata magpa-gentleman. Sinunod ko ang gusto niya. Pumasok ako bago pa masara ang pinto. Sumunod siyang pumasok sa akin kasama ang tatlong nakasuot ng black suit kagaya niya. Nagkunwari akong tinignan ang salamin sa taas.

Nakalimutan kong huminga nang tumabi siya sa akin. Ramdam ko ang matutulis niyang tigin. Nilipat ko ang tignin sa numero ng elevator buttom na isa-isang nagsipag-ilawan habang papunta kami sa 10th floor.

Hinuli niya ang tingin ko at tipid na ngumiti. "What's that look for? You don't think I belong here?"tanong niya na may amusement sa mukha.

Nairita ako sa kanya. Kung makapagsalita, tingin niya mas mataas siya sa akin. "Diba dapat nasa school ka? O isa ka ba sa mga nag-skip class para mang-prank?"

"Hindi ko maalala kung kailan ang huling araw na sumibat ako ng klase,"natatawa nitong tugon. "By the way, what's your name?"

"Ha?"Nag-hesitate muna siya. Natakot siya sa susunod na mangyayari. Wala siyang tiwala sa batang 'to."Althea Marquez."

"Ah! Are you the new marketing manager?"

Tumango ako. Naumid ng saglit para pasadahan siya ng tingin. Lakas ng dating niya,sinasapawan niya si Mikhael sa pagiging numero uno ng kagwapuhan.

"Nice meeting you, Beau Henderson, at your service,"pakilala niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Teka,seryoso ka?"

Sinasabi niya kasi na siya si Beau Henderson- vice president ng kompanya. Sa mukha niyang parang binata... paano niya magawang magmayabang?

"Don't let my youthful looks fool you. I promise I'm more than just a pretty face,"dugtong niya.

"Wow, pahingi naman ng balat ko..."anas ko sa malalim na tono.

Humagalpak siya ngtawa. Nakakabingi dahil nasa masikip silang silid. Hindi na ako kumibo. Hinayaan siyang tumawa hanggang marating namin ang destinasyon. The elevator digned, and the doors slid open, revealing the bustling office filled with employees.

Lumabas siya at sinulyapan niya ako mula sa balikat na may nakakalokong tawa.

"You'll see me around, Miss Marquez. I have a feeling our paths will cross again,"huling habilin niya bago sumara ang pinto. Tinirik ko ang mga mata. Hindi mapaniwala na nakasabay si VP. Muntik ko nang makalimutan na dito rin ako na side. Marahan akong lumbas at nasorpresa kay Beau, sinenyasan niya akong lumbas. Kalahating nakangisi siya, sinunod ko kung sino ang tinitignan niya. Kinalibotan ako nang matanto na si Mikhael ang taong tinitignan nito.

Masama naman ang tingin sa amin. Parang gusto kong matunaw ngayon. Nagkaila ko na hindi ko siya nakita. Dere-deretso ako sa destinasyon ko.

How to hide the Billionaire's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon