25

74 7 0
                                    

Mikhael~

"Sucks!"hiyaw ko nang mabara ako sa traffico. Sabado ngayon at inaasahan kong maayos ang daloy ng trapiko. Pupunta ako ngayon kung nasaan ang pesteng Milena na 'yan. May ginawa namang kalokohan. Hindi pa nakontento noong nakulong. Sana hindi ko na lang pinalaya.

She's making a scapegoat para mapansin ko siya. Matapos itong bumalik mula sa Dubai ay hindi ko siya tinuan ng pansin. Nilubog ko ang sarili sa trabaho. Hindi na makakahinga sa kaliwa't kanang meeting. Idagdag pa si Althea nagusto kong pahirapan pero hindi ko nagawa. Nasa kasagsagan ako ng meeting nang tumawag ang empaktang iyan. Kailan ba ako tatantanan hah?

Tinapik ko ang daliri sa manubela. Sinisikap na panatilihin ang level ng aking pasensiya. Nasti-stress ako sa kakulangan ng tulog at poot. Nasa mall ang empakta, nagshop-liftling. Ang yaman-yaman niya, magawa pang magnakaw. Bukas nasa tabloid naman ang apelyido ko.

Sinapo ko ang noo. Hihiyaw sana ako nang umusad ang mga sasakyan sa harap ko. Pinaharurot ko ang lamborghini. Lumusot sa lahat ng pwedeng lusutan. Maayos na ang daloy ng kalsada. Sinulyapan ko saglit ang cellphone—may tatlong miss call si James. Hindi ko narinig ang ringtone kasi nasa vibration ito. Umiling ako. Tinutok ang sarili sa pagmamaneho. Malapit na ako sa mall nang biglang umusok ang sasakyan.Hinampas ko ang manubela.Pinarada ko sa tabi. Binulsa ang cellphone at padabog na lumabas. Eksasperadong binuksan ang makina. Winasiwas ko ang usok. I can't believe my luxury car is overheating. Halos limang taon ko itong ginagamit oras na rin siguro para bumili ng bago.

Umiling-iling kong sinara. Sumandal sa harap ng sasakyan at dinukot ang phone. Nag-text na lang ako kay Milena dahil wala ako sa mood na kausapin siya. Nilbot ko ang tingin sa kaubuan. Maraming tao ang malapit na amusement park. Sarap nilang tignan parang wala silang problema. Mayamaya, nag-vibrate ang phone. Dinukot ko at mabilis na sinagot.

"What happened?"nangangatal na tanong ni Milena. Boses pa lang ang narinig ko. Naha-high blood na ako.

"It's just a mechanical problem,"tamad kong sagot.

"Paano ba 'yan? Mabubulok na ako rito,"Nangiyak-ngiyak niyang sambit.

Namulsa ako. Naglakad-lakad."Sino ba ang nagsabi sa iyo magnakaw? Hindi ka ba nakontento sa mga halahas mo?"Singhal ko sa mataas na boses.

"I'm sorry,I didn't mean to. Nadala lang ako sa kislap non kaya kinuha ko,"pagdadahilan niya.

Nilipat ko sa beywang ang kamay. Lalong magpapa-cute siya sa akin, lalo akong naiinis sa kanya.

"Dapat mo kasing kontrolin ang kamanyakan mo sa mga kumikinang"sumbat ko.

Nasa labasan ako ng amusement park. Humikbi lang si Milena imbes na sumagot. Nakaramdam ako ng panunuyo sa lalamunan.

"Hintayin mo ako dyan. I'll be there within 20 minutes,"walang buhay kong imporma.



"Thank you,"mahinang usal niya.

Binaba ko ang cellphone saka binulsa. Ginala ko ang tingin sa paligid. Maghahanap ko ng pwedeng pagbilhan ng bottled water. Bumubutil ang pawis ko sa noo nang pumasok sa loob ng amusement park. Kaagad akong dumiretso sa malapit na stall para bumili. Huminto ako saglit para buksan ang botelya. Inagaw ng pansin ko ang mahabang pila ng cart na may cotton candy. Natigilan ako nang maalala ang first date namin ni Althea. Dito ko siya dinala. Sariwa pa sa alaala ko ang first kiss namin. Ninakawan ko siya ng halik noong halos mahimatay siya sa kakasigaw sa takot.

Napangiti ako bago uminom.

Naglakad-lakad muna ako. Nakaka-miss din ng lugar na ito. Bagama't kaunting panahon lang kami nagkasama ni Althea, ramdam ko ang presensiya niya rito. Napangiti ako sa mga bata na masayang naghahabulan. Sumagi muli sa isipan ko ang batang iyon —nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Para bang may koneksyon kami. I don't understand.

How to hide the Billionaire's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon