52

20 1 0
                                    

Mikhael~

"Oh, please. Don't be like that Mikhael,"tila nuubusan ng pasensiyang wika ni Althea habang hinahabol ako.

Padaskol akong nagmamartsa sa sidewalk nila matapos nila akong awatin nang suntukin si Riley. Dala ng sumisidhi kong selos, nawala ako sa sarili at inambahan ng suntok.

Sino ba ang di magre-react ng ganoon kung na pa-public act display sila? Bumangon ang poot ko sa paraan ng pagyakap ni Riley.

"Mikhael!" Tawag niya.

Hindi ako nakinig. Tila mabiyak ang semento sa lakas ng yabag ko. Nakakuyom ang kamay, umuusok ang ilong, naghahabulan ang pulso at sumisikip ang dibdib ko. Pinili ko siyang talikuran para di lumubha ang galit ko subalit buntot ng buntot siya. Sinisikap akong kausapin.

"Listen to me. Please, I'm begging," humahangos niyang dagdag.

Huminto ako. Nagpalipas ng sandili bago siya nilingon.

"Nangangaliwa ka sa harap ng asawa mo, Thea. Sino ba ang hindi magagalit 'non!" Singhal ko.

Napaawang siya ng bibig. "Gano'n ba ko kasama sa paningin mo ngayon? Nakalimutan mong kaibigan ko si Riley at normal na yakapin ko siya."

"Pero hindi normal ang paraan ng payakap niya sa'yo!"

"Nagseselos ka lang kaya sinasabi mo 'yan!"

"Oo, ayokong hinahawakan kung ano ang sa akin. Kapag gagawin mo uli 'yon, Althea, hindi ako magadalawang isip na tatalian ka. Tandaan mo akin ka lang,"tila na hihibang kong sambit.

Sinapo niya ang noo. "Nasisiraan ka ba ng bait? Pwede mo akong angkinin pero hindi sa puntong ikukulong ako. 'Wag mo kasing pangunahan ng selos ang isip mo."

"I'm sorry,"pakli ko nang matauhan. Wow, umabot ako sa ganoong level. I never thought I could fabricate dark thoughts about her for having an intense feeling  of jealousy.

Natatakot akong mawala siya ulit.

She exhaled. "May sasabihin ako kaya makinig ka,"pasimula niya nang kumalma ako. Tumabi siya at pinulupot ang kamay sa bisig ko. Nakaabrisyete kaming naglakad. "Ang totoo, nag-confess siya. Sinabi niyang mahal niya ako hindi bilang kaibigan kundi higit pa."

"Ano naman sinagot mo?"

"Wala akong sinagot tutal alam niyang nandyan ka na. Sinabi niya lamang para maging malaya siya. Pero ang totoo naiilang ako sa kanya, tila mag-iiba ang pakikitungo ko sa kanya."

Tumigil ako para salubungin ang mga mata niya. "I'm sorry, pinangunahan ako ng selos. Di ko muna inalam ang totoong pangyayari."

"Humingi ng sorry kay Riley, hindi sa akin," Malambing niyang sinandal ang ulo.

"Nahihiya tuloy ako,"sabi ko na napatingin sa glass window ng isang pastry shop.

Di ko namalayan na malayo-layo ang narating namin. Kinalimutan ko ang kotse sa SM.

"Hahanap ako ng paraan para magkita kayo at mag-usap. 'Wag ka sanang magagalit, mahal ko rin siya bilang kaibigan pero mas mahal kita bilang asawa ko. Ikaw lang ang pipiliin kong makakasama habambuhay. Itanim mo sa puso mo, iyong-iyo ako kaya 'pag may makita kang kayakap akong lalaki, patayin mo ang malisya kasi kaibigan lang ang ituturing ko sa kanila. Ikaw pa rin ang number one sa puso ko,"mahaba niyang eksplenasyon na sinusundot ang dibdib ko.

Pinihit ko siya paharap. "I'm just afraid that I'll lose you again. Natatakot nga akong kumurap ngayo kasi baka bigla kang mawala ng parang bula."

"You're so insecure. Teka–" huminto siya at hunubad ang suot ng kwentas. "Tanggapin mo 'to. Ito ang palatandaan na nag-iisa ka sa puso ko. Tuwing magseselos ka, titignan mo lang ito." Kinuha niya ang kamay ko upang ilagay ang locket necklace sa palad ko saka siya rin ang sumara.

How to hide the Billionaire's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon