Mikhael~
"Na-enjoy ka ba?" Agaw-pansin ko na tanong kay Althea nang naglalakad kami palabas ng theater.
Ngumiwi siya na may mabibigat ang mga mata. Buong oras namin sa panonood ay naitulog niya. Wala 'yon sa akin, saka una pa lamang ay sinabi niyang mababagot siya sa mga ganito.
"Na-enjoy akong natulog,"aniya.
Inakbayan ko siya. "In fact, napuno nga ng laway mo ang balikat mo eh,"pigil ang tawa kong biro.
"Di nga! Hindi ako ganyan noh,"giit niya sabay kurot sa tagiliran ko.
Umungol ako kaya di ko mapigilang matawa. Kinurot ko ang pisngi niya saka tinadtad siya ng halik. Kinikiliti siyang nilalayo ang sarili.
"Get a grip! Lumalalim na ang gabi oh. Kailangan na nating umuwi,"sabi niya.
Namungay ang mga mata ko, bumilis ang tibok ng puso nang madarama ang pagkasabik na may halong pagnanasa at bumaba ang masuyo kong boses. "Can I see you in my bed tonight?"
Hinampas niya ang kamay sa mukha ko. "It's prohibited!" Pakli niya.
"Mag-asawa na tayo ngayon. Walang sinumang ang magtitsimis sa'tin na nagsasama tayo sa isang kwarto,"seryoso at madiin kong sambit.
Bumakas ang kaseryosohan sa mukha niya. "Hindi pwede kasi hahanapin ako ni Raven."
Nainis ako sa desisyon niyang matulog kasama ang anak namin. Namulsa ako at nagpatiunang naglakad. "Malaki na si Raven, di niya na kailangan ng baby sitter."
"Umiiyak iyon kapag nag-iisa,"rason niya na tila hinahapo kakahabol sa'kin.
"Ako ba hindi iiyak kapag nag-iisa ngayong gabi?" Bwelta ko.
"Ha? Bakit ka naman iiyak? Hindi ka na baby!"
"Of course, baby mo ako."
Nayayamot siyang bumungisngis. Huminto ako para lingunin siya at sinipat na may pagtatampo.
"Feeling baby. Ang laki-laki mo na kaya mo ng mag-isa matulog."
"Ayoko malamig. Gusto ko ang mainit mong yakap."
Kumibit balikat siya. "Para kang bata. Sasabayan kitang matulog next week kapag naka-adjust na si Raven."
Tinalikuran ko siya. Binilisan ang lakad para iwanan siya. Gusto kong ipakita na tutol ako sa desisyon niya. Tahimik at nakaismid ako hanggang marating ang kotse namin. Nainis ako sa pagiging ignorante niya sa hilatsa ko, di niya ako nakikitang nagtatampo. I hate her being cold sometimes.
Hawak ko ang handle ng pinto nang nilingon siya. Yakap niya ang sarili at hinihimas-himas ang braso. Kumunot ang noo ko sa pinili niyang damit, sino bang nagsabi na mag-sleeveless siya? Alam niyang lumalamig ang gabi. Dagli kong hinubad ang blazer at pinatong sa balikat niya.
Bumusangot siya, hindi yata nagustuhan ang ginawa ko. Lalo akong nayamot. "Palaging bukam-bibig mo si Raven. Minsan naiiwanan na ako."
"Of course, anak ko 'yon,"deretsahan niyang tugon.
"Mas importante pa siya kesa sa akin,"nagmamaktol kong saad.
Nalaglag ang panga niya. "Of course mahal ko siya."
"Mas mahal mo kesa sa akin." Sukat non ay binuksan ko ang sasakyan.
Nanginig yata ko sa pakiramdam na tinatawag nilang 'unfair'. Isisilid ko sana ang katawan ko sa driver seat nang may mainit na katawan ang yumakap sa likuran ko. Damang-dama ko ang kabog ng kanyang puso.
"Don't be like that, Mikhael. Sarili mong anak pinagseselosan mo. Pareho ko kayong mahal. Pantay iyon walang lamangan,"puno ng sinseridad niyang bulong.
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
RomantizmThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...