Mikhael~
"Tama ba itong desisyon mo?"
Sinamaan ko ng tingin si Kendrix. Nakiusap ako sa kanya na hiramin ang private jet n'ya para dalhin ang pamilya ko sa Samal Island, doon sa Davao. Nakataon na pupunta s'ya roon para sa business meeting kaya heto sumabay kami. Natakot pa ako kanina na baka matakasan ako ni Althea, salamat binigyan ako ng oras ni Mom. Kinidnap ko siya para wala ng satsat.
"May isang salita ako, Drix. Kailangan ko lang turuan ng leksyon itong asawa ko at malayo-layo kami sa magulong metropolis. Nanakit na rin ang ulo ko sa ex ko. Muling nagbalik para sirain ako,"pahayag ko.
Sumandal siya sabay patong ng paa. Kasalukuyang nasa byahe kami. "Pasalamat ka nabili mo ang loob ko kahit di na tayo magpinsan. Sa ngayon, pagbibigyan kita saka bilib din ako sa ex mo ha, may pagka-psychpopath ata. Magpakasal ba sa matanda? Ito si Althea, ingat mo 'yan baka biglang pa-kidnap-in ni Milena."
"She's so desperate to me. That's why she done it. I'll make sure Althea won't get hurt by her. Ang hirap paamuhin ng puso ng pinsan mo. Nabasag ulit ang puso niya dahil sa bruhang iyon. Ano ang gagawin ko ngayon,Drix?" Desperado kong sinapo ang noo.
Kumurba ang tabi niya saka nangalumbaba. "Idaan mo sa santong paspasan. Romasahin mo ng maigi para mawala ang duda niya sa'yo."
Ngumiwi ako. "G*go!" Mura ko.
"Gusto mo bigyan pa kita ng tips eh. How to make love that she'll never forget..." Natatawa niyang usal pero di natapos ang pangungusap ng binato ko sa kanya ang cushion ko.
"Hindi ako manyak na katulad mo! Hindi ko dinadaan sa ibaba para mahalin ako ng babaing mahal ko."
"Wow, impress na talaga ako sa'yo, bro! Iyan ba ang tinatawag nilang power of love?"
Umiling-uling akong sumandal. Sinalapak ko ang earphone bago sinulyapan si Althea na himbing na natutulog sa kabilang dako.
"Dad! Dad! Saan tayo pupunta?" Sumulpot si Raven sa tabi ko.
Binuhat ko siya at nilagay sa kanduangan ko. "Pupunta tayo sa lugar na walang mang-iistorbo kay Mommy mo. Siguradong mag-e-enjoy kayo."
"Doon po ba 'yon sa maraming sea shells tapos may dolfin?" Natutuliro ako sa ka-cute-an niya. Kuhang-kuha ng anak ko ang mukha ko noong bata pa ako. Napansin ko rin na hindi siya hyper gaya ng sinabi ni Althea noon. Kinalungkot ko nang malaman na may ADHD siya. Tutal bata pa siya, pwede pang maagapan.
Pinisil ko ang ilong niya. "Yeah, baka nga ayaw mo nang umuwi eh."
"Yehey, excited na po ako,Daddy. This is my first time going to an island. Sana ma-enjoy din si Mommy. Bibili ako ng maraming souvenier!" Sinandal niya ang ulo sa dibdib ko. Nangigil akong niyapos siya.
Tumikhim si Kendrix. Bumakas ang inggit sa mga mata niya.
"Kaya bumukod ka na. Pakasalan mo na ang isa sa mga babae mo,"biro ko.
Nagpanggap siya na di nakinig sa sinabi ko pero dama ko ang frustration niya ng sumandal siya pabalik. May naririnig akong ugong tungkol sa kanya at ang babaeng nakatakda niyang pakasalan. May kinalaman ito sa negosyo niya. Hayun, di ako nag-atubuling magtanong baka malalain ko ang suliranin niya.
Matapos ng ilang oras na byahe, nakarating kami na ligtas sa Davao. Hindi pwedeng dumeretso ng Samal dahil walang lalagan doon. Nilapitan ko si Althea. Gigisingin ko sana pero wala siya sa pwesto niya. Nataranta ako, ginala-gala ang tingin sa paligid. Paano kong tumakas.
"Drix, nakita mo ba si Thea?" Tanong ko.
Mariin niyang nilapat ang mga labi sabay iling. Nasa tabi niya si Raven at abala sila sa paghahanda para bumaba.
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
RomanceThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...