Mikhael~
Bumubuhos ang tubig sa malapad na balikat ko, dahan-dahan na dumadaloy sa bawat linya ng aking katawan pababa sa aking paa. Umaakyat pataas ang singaw ng mainit na tubig na umaaligid sa akin subalit hindi ito sapat upang pahupain ang bagyo sa dibdib ko. Tila isang bangungot ang naging kaganapan kahapon. Nasusuklam ako at gusto kong mawala sa harap ni Matteo Henderson. Matindi ang poot niya sa akin na hindi ko naiintindihan. Pinahiya ako sa lahat ng sikat at maimpluwensiya mga bisita kahapon kaya no'ng nagising ako kaninang umaga bumungad agad ang masamang balita tungkol sa kompanya. Hindi ko sinisisi si Althea,bagama't nasa loob-looban ko ang takot na agawin niya ang kompanya at ang pagkaroon ko ng hinanakit sa kanya. Nalilito ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Althea, pag-ibig ba o poot?
Sinandal ko ang mga kamay sa malamig na tiles ng shower room, yumuko, iniisip na sana anurin na lamang ng tubig ang problema ko. Nananigas ang panga ko, sumikip ang dibdib sanhi ng galit at nahihirapang huminga ng maayos. Humalo-halo ang lahat ng emosyon ko.
Wala kong buhay na dumeretso ako sa Cabana para uminom pagkatapos maligo. Kakarating ko lang sa mansyon, buong araw kong sinubsub ang sarili sa trabaho habang umaaktong invisble ang mga kasamahan ko. Ilang beses akong sinubukang kausapan ni Althea pero puro iwas ang ginawa ko. Hinihintay ko ang hudyat ng pagbaba ko sa pwesto. Ngayong gabi'y nag-aabang ako ng hatol ni Matteo. Sinalubong ako ni Mom kanina pero tamang pag-ignora ang ginawa ko.
I yanked open the cabinet door, revealing an array of glistening bottles. I hovered my hand for a moment before settling on a deep amber whiskey. I gripped it tightly and opened the cork with a sharp twist, the satisfying pop echoing in the silent room.
Nasinghap ko ang amoy ng antikong inumin na tila hinahati ang tensyon ko. Walang pagdadalawang isip na sinalinan ko ang nakaabang baso and inangat sa aking bibig. Maingat kong sinimsim ang inumin na pinakunot ng noo ko nang dumaloy na parang apoy ang mainit na likido sa aking lalamunan.
Muling bumalik ang huling pag-uusap namin ni Althea nang mahuli niya ako palabas ng company building.
"Mikhael, I need to talk to you!"Habol niya.
Napipikon ako pero sa tuwing makita ko ang maganda niyang mukha'y napaamo niya ako. "What now, Althea?"
"Please, sana makinig ka,"kumikinang ang mga mata niyang sambit. "Hindi ko gusto ang kompanya lalo na ang maging CEO. I never asked for any of this. It's all too much... dapat nga sa iyo 'to!"
Mataman ko siyang tinitigan. Sumingaw ang frustration sa gilid ng mga mata ko. "What do you mean, you don't want it? You've been handed everything, Althea. The company, the power... And now you want to give it all up? You're just going to throw it all away?"
"Hindi para sa'kin ang kompanya. Lalong di ko 'to pinangarap kaya wala akong karapatan angkinin ito. You're the one who deserves it, not me,"buong puso niyang pagtatapat sa nanginginig na boses.
Sumingkit ang mga mata ko. "Balak mo bang traidorin ang ama mo? Tama na, Althea, ayoko nang makinig sa katwiran mo. Tutal wala siyang tiwala sa akin noon pa kaya pinapaubaya ko na sa'yo."
"No!"Giit niya. "Hindi ko kailangan ang kompanya!"
Sinumulan ko ang paghakbang, susubukan kong iwasan siya bago lumubha ang pait sa loob ko. "I can't waltz in and take it back like that. You don't get to just decide when things are convenient for you. This isn't a damn game,Althea."
Dinukot ko ang cellphone sa bulsa para tawagan si James at utusan siyang magligpit ng gamit niya. Tinitipa ko ang screen ng phone nang hinarang ako ni Althea. Lumiliyad ng determinasyon ang kanyang mga mata.
"What if magpakasal tayo? Hindi niya magandang solusyon pero malay natin gumana. Maaari mong makuha ang kompanya at—"
Pinandilatan ko. "Magpakasal? Nauntog ba ang ulo mo kaya nasira 'yan? We're half-siblings. You want to marry me?"
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
Storie d'amoreThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...