Mikhael~
Umuwi ako ng mansyon. Hinahagod ko ang ulo nang masalubong si Mama. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan. Malamang kanina pa pabalik-balik ng lakad. Nakatiklop ang nanginginig niyang mga kamay. Mabilis pa sa alas kwarto niyang inangat ang ulo nang maramdaman ang presensiya ko.
Binati ko siya ng busangot. "Is there something wrong?"
"Your father. He's been talking about having a DNA test done to confirm that you're really his son. I don't understand why he still doubting you. Sigurado ako akong anak ka niya!" Umiiyak siyang lumapit sa akin.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya Yumukod ako para pantayan siya. Saka masuyong tinignan sa mga mata.
"Mom, mabibigo rin siya kung ako talaga ang totoo niyang anak.Wag kang mag-aalala. Hayaan mo siya,"advice ko na kinasalamuot ng mukha niya. Pinalitan ng apoy ang mga mata niya'y kanina lang ay lugmok ng kalungkutan. Nagtaka ako sa biglaang pag-iiba ng hilatsa niya. As if she's hiding behind something behind her back. Kung totoo akong anak ng tatay ko bakit natatakot siya.
Umusbong ang pagdududa sa puso ko. Sa tatlumpu'ng taon na nakasama ko sa isang bubung ang tatay ko, nunca ko naramdaman ang affection niya bilang isang ama. Tila wala kaming koneksyon. Ang layo namin sa isa't isa.
"Ako hindi mag-alaala? Buong buhay ko hinahabol ko ang tatay mo para makuha ang loob niya. Alam kong hindi niya ako kayang mahalin pero nang dahil sa'yo pinili niya ako. Iniwan niya ang hampas lupang babaing iyon dahil nabuntis niya ako. Salamat na rin sa maimpluwensiya nating pamilya. Salamat sa lolo nagpakasal sa akin si Matteo Henderson!"mariin niyang tapat na patuloy na umaagos ang malulusog niyang mga luha.
Naalala ko si Marlo Llenares, ang batikan kong lolo. Ang maimpluwensiyang ama ng aking ina. Mula siya sa angkan ng Llenares, kadalasang kinikilala sa larangan ng politika, malalaking negosyo at iba pa. Ilang taong senador si Lolo at ang Lola naman ay nagmamay-ari ng naglalakihang mall dito sa Pilipinas at may iilan sa ibang bansa.
Kung magulo ang pamilyang Henderson. Mas magulo ang pamilya Llenares, palaging involved sa mga patayan, sindikato at nasa kuro-kuro na mga myembro sila ng mafia. Mabuti wala akong paki sa kanila. Mukha kasing mga drug addict mga pinsan ko. Iniiwasan ko sila hangga't kaya ko.
Niyanig din ako sa rebelasyon ng nanay ko. May ibang babae si Dad noon? Tapos nagmumukhang kontrabida ang nanay ko para isalba ang sarili sa kahihiyan. Isa rin pala siya sa biktima ng mga arrange marriage. That's why I hate arrange marriage. Kagaya niya, hindi rin ako makawala sa mga Espiniza dahil sa katarantaduhan ng tatay ko.
"Past is past, mom. Wala pa rin magagawa si Dad kung totoo niya akong anak,"I assured her.
Matigas siyang umiling. Habulan ang hiningang napasinghap sa hangin."Gagawin ko ang lahat na huwag magiba ang bagay na pinaghirapan kong buhuin." Pinunasan niya ang mga luha gamit ang kamay. Kinuha ko ang panyo at inabot sa kanya. Winasiwas niya ang kamay, senyales ng pagtanggi at umupo sa divan.
Binulsa ko ang panya. Mabigat ang katawan na humakbang. Initsa ang abohing blazer ko sa gilid at umupo sa kanyang tabo. Hinahawi niya ang buhok mula sa mukha. Nagdikit ang braso namin kaya pati ako nahawaan ng pangangatog niya. Sabog ang make-up ng nanay ko. Animo'y ginahasa ng sampong demonyo sa sobrang kalat ng eyeliner at naglalahong lipstick.
"What shall I do? He's still can forget his so-called first love,"nanghihinayang angil niya.
Pinatong ko ang kaliwang kamay sa balikat niya. I'm desperately trying to console her, but my efforts seem futile, as her grief consume her like a raging storm, leaving me powerless to reach her heart.
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
RomanceThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...