Althea~
Hindi ko na mabiling kung ilang buntong hininga ang pinakawalan ko habang tinatahak ang sidewalk na walang patutunguhan. Kumikirot at masikip ang dibdib ko. Namumugto ang aking mga mata sa walang humpay na pag-daloy ng mga luha. Nanghihina ang mga paa ko at lumalabo ang paningin ko. Di ko alam kung makatatagal ako rito.
Sariwa pa sa aking isipan kung paano kinabig ni Milena si Mikhael at hinalikan ito sa bibig. Pinilit kong maging matatag noon kahit nakabitin sa ere ang paghinga ko. Tinakasan ko sil pero di mapapawi ang sakit na dinulot 'non. Masakit sa loob kong makita muli silang ganoon ka-intimate. Inaakala kong naghiwalay sila, iyon pala sila pa rin. Nagdududa ako ngayon sa totoong nararamdaman ni Mikhael lalo na sa intensyon niya. Marahil ang kompanya lang ang gusto niya, hindi ako. Napilitan lamang siya dahil kay Raven.
Tumunog uli ang cellphone ko. Maraming beses akong tinatawag ni Mikhael pero mabilis kong namang pinapatay. Hinayaan ko. Pinalipas ang matagal na panahon subalit ayaw paawat. Di ko matiis kaya dinukot ko. Minamasdan ko ang screen nang may bumangga sa'kin.
"Excuse me,"bulong nito na di tumitingin.
Nanlaki ang mga mata ko nang matukoy ang maamong mukha ni Riley na medyo haggard tignan dahil hindi siya nakapaghait.
"Riley..." kinakapos ang hininga kong anas bago pinatay ang cellphone.
"Thea? What happened?" Dumaan ang pag-alala sa kanyang ekspresyon. Natakot sa hilatsa ko.
Kinabig ko ang damit niya at sinubsob ang mukha sa dibdib. Yumugyog ang balikat kong humikbi ng limang minuto roon. Masuyo niyang hinagod ang likod ko. Sinikap maging banayad para maramdaman kong nagsi-sympathize siya sa akin. Hindi ko makuhang ipagtapat ang kabuan na nangyari. Matapos 'non ay giniya niya ako sa malapit na fast food. Pinaupo niya ako saka binigyan ng isang basong tubig.
"Who made this to you?" Tanong niya na may katigasan.
"M-Meron l-lang n-naging problema sa pamilya ko,"sumisinghap kong saad matapos inumin ang tubig.
Kumislap ang kuryusidad sa kanyang mga mata. "Sabihin mo, pwede ba kitang matulungan?"
Nilapag ko ang baso. Sumisinghap akong pinunasan ang mga luha gamit ang tissuee na binagay niya. "Mahabang kwento pero ayaw kong pag-isipan mo kami ng masama. Sinaktan ako ni Mikhael. He cheated on me,"tapat ko.
Alam niya na nagpakasal ako ng padalos-dalos dahil sa kompanya, sumama ang loob niya noon sa akin pero pinatili niya ang pagkakaibigan namin. Sa pamamagitan ng text message, pinagtapat niyang susurporthan niya ako pero di s'ya tatahimik kong sasaktan ako ni Mikhael. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya kaya maayos lang kung ibabahagi ko ito.
Tumiim-bagang siya. Nagsalubong ang kilay na tila may namumuong ideya kung paano pipiktusan si Mikhael sa pananakit sa akin."What? No. You're kidding, right?"
Mahina kong pinilig ang ulo, nagbabantang tumulo muli ang mga luha. "Sana... pero nakita ko siyang kasama ang ex niya, ang masaklap naghahalikan pa."
He stands up abruptly, his chair scraping loudly against the floor. "No, no way. I'm gonna make him pay for this. He can't just do this to you!"
Hinablot ko ang palapulsuan niya, hinala ko siya pabalik sa kinauupuan. "Stop it, please."
"Sino ba ang hindi magagalit sa ginawa niya?" Winaksi niya ang kamay, pumaskil ang frustration sa bawat kilos niya. "He cheated on you, Althea. You're telling me you're just going to let him get away with it?"
Binaba ko ang tingin sa baso. Basag ang boses na namutawi sa bibig ko nang pinigilan ang paghikbi. "Hindi ko kaya. Ayokong maghigante dahil lang doon. Ayoko na ng sakit, mabuti pang tapusin ko na ito."
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
Storie d'amoreThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...