12

68 9 0
                                    

Mikhael~

I gritted my teeth. Parang gusto kong itapon ang sarili sa glass window habang inaalala ang huling eksena kung paano ko pinahiya si Althea sa harap ng maraming tao. Kailanma'y hindi ko ito nagawa sa kanya. Dala ng galit at balak kong pagpaparusa sa kanya'y nagawa ko ang bagay na 'yon. Ito ang unang hakbang ko na parusahan siya subalit natatakot ako sa magiging kasunod. Magiging masama ako sa huli. Kailangan kong pilitin ang sarili para maramdaman niya ang sakit na ilang taon kung kinimkim.

But why do I keep on missing her? Tila gusto ko siyang makita palagi sa aking harapan. Tila gusto kong ikulong siya para hindi na makawala at iiwan ako muli.

Sinimsim ko ang whiskey. Nasa opisina ako ngayon at mag-isang nilalaro ang chess. Pero hindi pa ako nag-che-checkmate. Nilibot ko ang mga mata at dumapo sa mga ibong lumilipad sa nagiging kulay lila na kalangitan. Tumigil ako sa pag-inom nang lumulukso-lukso ang cellphone ko na nakapatong sa mesita sanhi ng vibration.

I pouted. Tinatamad na binaba ang baso upang sagutin ang incoming call. Tinaas ko ang isang kilay nang mabasa ang pangalan ni Mama sa screen.

"Yeah,"walang buhay kong sagot.

Humihingal ang kausap ko sa kabilang linya. Nagkaroon muna ng maraming ads bago siya tumugon. "'Nak, can you accompany me right now?"

"What happened, Ma?"

"I'm at Onwin General Hospital right now,"mabilis naman agad niyang imporma.

"Is it about shellfish again?"

"Yeah. Please come immediately."

Tinirik ko ang mga mata. Wala siyang pinagbago, kakain pa rin ng mga pagkaing ikamamatay niya.

"Of course." Pinatay ko ang cellphone. Tumayo at natatarantang kinuha ang susi ng sasakyan.

------

Nang sandaling umapak ako sa hospital, kumunot ang noo ko sa matapang na amoy ng antiseptic na nanuot sa ilong ko. I hate hospitals. They felt cold and distant, reminders of human fragility and pain. Wala rin akong magawa kasi nandito ang nanay ko. Dumeretso kaagad ako sa emergency room. Hindi naman siya magpapa-admit kaya sigurado akong nandoon siya.

"Ma!" Tawag ko nang makita siyang malumbay na nakaupo sa hospital bed.

Inangat niya agad ang ulo sa dereksyon ko. Tinakasan ng kulay ang mukha niya. Isang marupok na ngiti ang ginawad niya sa akin nang matanaw niya ako.

Ginagap ko ang kamay niya nang makalapit sa kanya. "Kumusta?"

"Oh, hijo, don't make that face. Okay lang ako. Kaunting allergic reaction lang 'yon,"pagdadahilan niya malayong-malyo sa ekspresyon niya.

"Kung minor lang ang allergy mo, hindi ka hahantong dito. They said you were injected with something?"

She sighed, inikot ang mga mata na tila wala siyang paki dahil hindi naman nakakamatay ang allergy niya. Ang angas ng nanay ko pero alalahanin niyang nakakamatay ang sobra.

"I didn't know that soup has lobster on it. By the time I realized, my throat was already closing up. But I had my EpiPen—don’t worry,”rason niya muli.

"How am I supposed  to not worry when you land yourself in the ER over something preventable? Wag mong malaitin ang sea foods. Palaging mong batayan ang lahat ng pagkain na ihahain sa'yo,"mahabang sermon ko na higit pa sa pari kung sumaway.

Nanlambot ang tingin niya. "Mas malakas pa ako sa kalabaw,hijo. Besides, what kind of son have I raised if he panics over a little hospital visit?"

"Ma, kahit sino naman ay magpa-panic sa ginawa mo. Magpagaling ka d'yan. Uuwi agad tayo,"sumbat ko sa kanya. Kumibit balikat ako para obserbahan ang postura niya. Umiba ang stilo ng papamit niya. Tila gusto niyang maging bata. Napapadalas ang revealing dress niya, mataas na heels, at susumobrang make up niya. Nagpapakitang gilas ba siya kay Papa? Napansin ko rin na lumalaki ang eye bags niya.

How to hide the Billionaire's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon