Althea~
Nagkaaltapresyon ata ako kahapon sa inasal ni Mikhael. Nabwesit ako ng husto kung paano niya kami kinaladkad ni Raven. Tapos, minasama pa niya si Riley. Kahit i-deny niya, alam kong nagseselos siya. Parang sapakin niya nga ang kaibigan ko. Natawa ako no'ng nagpakitang gilas siya sa pagluto. Ang asim ng spaghetti niya kaya't di nagustuhan ng anak niya at nauwi kami sa pagkain ng pizza. Nagpumilit siyang mag-night over kami roon pero inaway ko siya sa harap ni Raven. Napagtagumapayan kong umuwi.
Lunes ng umaga. Pasado alas nwebe ng umaga. Nakatayo ako sa harap ng elevator. Tumitingala ako sa dami ng iniisip nang may aninong tumabi sa'kin. Pinagmasdan ko s'ya mula sa gilid ng mata ko. Ngumiwi ako nang matukoy ang tisoy na chinito.
"Hindi pa tayo tapos,Althea,"bungad ni Mikhael. Nainganyo ako sa presko niyang mukha, idagdag pa ang mabango niyang amoy. I don't understand he always used that Creed Aventus perfume na niregalo ko sa kanya seven years ago. the blend of fruity and smoky notes, including pineaple, birch, and musk.
Parang sinampal niya ako."Ano bang pinagsasabi mo kaaga-aga,"asik ko sa mababang boses. Sinisigurado na di ako marinig ni James. Buntot palagi 'to ni Mikhael saan man magpunta.
"Tinakasan n'yo ako kagabi,"pakli niya.
Kumibit-balikat ako bago siya binalingan. "Excuse me, lumisensiya po kami. Ikaw ang nagpupumilit na mag-stay over kami. Nunca akong papayag."
Sinalubong niya ang tingin ko. Napalunok ako sa kakaibang aura na sumabog sa kanya. Biglang nag-ibang anyo siya. Naging si Adonis sa paningin ko. Excuse me, di ako pwedeng magpatangay sa kanya. Kaso traidor ang puso ko, malakas itong kumakabog. Idagdag pa ang mga tuhod kong nanglalambot.
"May karapatan akong ipa-stay over kayo dahil mag-ina ko kayo,"bulong niya sa mamalim at matigas na tinig. Dumantal sa pisngi ko ang mainit niyang hininga.
Nilayo ko sa kanya ang mukha bago may mangyaring masama sa amin. "We shouldn't cross the line. You need to know your limits,"paalala ko.
Bigla siyang natauhan. Tinuwid niya ang tindig. Nakatingalang inayos ang blazer. Sinipat ko siya mula sa gilid ng mga mata ko. Di niya inayos ang necktie. Mariin kong nilapat ang mga labi. Pipigilan ko sana ang sarili pero hindi ko matiis.
Tumanghod ako sa harapan niya. Walang dalawang pag-iisip na hinila ang necktie. Pumalatak ako habang inaayos ko 'yon.
"Is this called a fanservice?"masuyo niyang tanong.
Tinaas ko ang isang kilay. Hindi sinagot. Nilakasan ang paghila ng neckties niya hanggang matiwasay kong natapos. Doon ko narinig ang ingay ng mga co-employee. Hindi ko sukat akalan na natitig sila sa amin. Halos umigtad akong binitawan siya at bumalik sa dating pwesto.
"Salamat sa pag-aayos,"aniya. Ramdam ko ang mga mata niya. Kinikiliti siyang pinagmasdan ako. Heto ako, nakatingin sa sahig. Mainit ang buong mukha. Kinuyom ko ang mga kamay.
Binuka ko ang bibig para magsalita pero tyempong bumukas ang elevator. Di ako nakakilos. Hinayaan na pumasok si Mikhael at James.
"Come on!"Tawag niya sa akin.
Nandilat akong tiningnan lang siya. "Ma-Mamaya. Mauna na po kayo,sir,"nasabi ko, sabay winasiwas ang isang kamay. Sinyales ng pananaboy sa kanya. Tatawagin niya sana muli ako pero hudyat iyon pasumara ang elevator.
Kabado muli akong binaba ang tingin. Pwesto ang limang employee sa likod ko. Rinig ko at alam ko ang pinag-uusapan nila. Maangas ko silang nilingon. Hinawi ang buhok at pinaskil ang killer smile.Timing na bumukas ang elevator. Nagpatiuna akong pumasok.
Ang totoo, gusto kong ma-evaporate sa matinding hiya. Peste, hinayupak. Nakaisa siya ngayon sa'kin. Humugot ako ng malalim na hininga, dinadasal na maging maayos ang araw ko. Sana hindi ulit magpapakita si Aurelia sa'kin.
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
RomansaThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...