Mikhael~
Nanangis ang panga ko. Pinalipad lahat ng mga gamit sa lamesa ko. Naninigas ang katawan ko sa galit na nararamdaman. Kakaalis lang ni Altheas. Hindi pa rin ako makapiniwala sa mga salitang binanggit niya. Aware ako na may kasalanan ako, ngayon na alam kong si Milena ang may dahilan. Malamang nakita niya ako noong araw na 'yon. Ang araw na pumunta sa Milena sa condo ko para hilain ako pabalik sa kanya. Tumindi ang poot ko sa empakta -siya ang dahilan kaya nilayuan ako ni Althea. I won't accept this. Puputulin ko ang relasyon namin ni Milena. And I'll do everything to win Althea back.
Nagkamali akong paselosin siya gamit si Milena. Lingid sa 'kin na lalo niya pala akong kinamumuhian. Blangko ang isip ko ngayon. Wala akong ideya kong paano kunin ang loob ng babaing minahal kong totoo. Naging hangal ako nitong nakaraang mga taon. Pinag-isipan ko siya ng masama na ang totoo ako pala ang may sala.
Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo. Ihithit ako para pagaanin ang loob ko. Umupo ako sa arm rest at doon nagnilay-nilay ng aking naging kasalanan sa nakaraan. Pinahiya ko siya ng husto sa opisina. Binasura ko ang mga proposal niya. Inapi-api at inutus-utsan na parang alipin. Sucks! Para akong baliw.
Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri. She is still haunting me by her words. Each of it echoed in my mind like a relentless drumbeat. Hindi ko kayang manatili rito. Kailangan kong ibuga ang lahat ng sakit ng loob. Dumapo sa isipan ko si Nicola. Matagal-tagal din kaming hindi nagkita. Tumayo ako at pinatay ang apoy ng sigarilyo bago lumabas ng opisina.
"May naligaw ata?" Sarkastikong bungad ni Nicola matapos niya akong pagbuksan ng pintuan.Kaswal siyang nakasuot ng white t-shirt at sweatpants. Magulo ang dark brown niyang buhok. At nawawala ang itim sa ilalim ng mga mata niya. Gumwapo bigla ang pinsan ko. Halatang masaya sa pagdiskubre ng triplets niya.
"Hindi ako naligaw, ikaw ang sadya ko rito,"sabi ko sa blankong mukha.
Ngumuwi siya. Napaisip saglit. "What's going on?"Untag niya. Rumihestro ang concern sa mukha.
"Let's go to the casino. I need to freshen up,"pagpapalit ko ng topic kaagad.
Gulat na tinaasan niya ako ng kilay. Pinag-krus ang bisig. "You're kidding, right? Ikaw, nagyaya mag-casino? Nagkamiraglo ba? Akala ko hindi ka marunong mag-poker?"
Pinatuloy niya muna ako bago siya sagutin. Ginala ko ang paningin sa mansyon niyang gawa sa glass lahat. Sobrang moderno at high tech. Ayaw kong tumira rito. Nakakatamad.
Nainis ako ng kaunti sa pagpapaulan niya ng mga tanong sa akin. "Hindi ka yata na update, cuz. Maranong ako mag-casino kapag may problema,"pangatwiran ko.
"Problema,huh? Anong klaseng problema? Kay Milena ba?" Naglalaro ang kapilyohan sa mga labi niya.
Pinukulan ko siya ng maanghang. "Don't mention that bitch. Bakit ko naman siya poproblemahin. It's about my ex-" Tumigil ako. Natatarantang iniwas ang tingin sa kanya. Nadulas ako sa magkahalo-halong emosyon na nasa loob ko. Ayokong malaman niya ang tungkol sa mga ex na 'yan. Kami ang magpipinsan na walang pakialaman sa love life. Pero mapapa-share ako di oras.
"Ex? Kailan-"
"Come on,just one night. I could use the distraction,"pamumutol ko kaagad. Dapat kong baguhin ang usapan namin.
Umasim ang itsura niya. Nabatid niya na ayaw kong pag-usapan ang love life. Umiling siya at nagpatiunang naglakad. Patungo kami sa mini-bar ng mansyon niya.
"Marami naman ibang paraan upang mag-unwind,"anang niya saka kumuha ng mamahalin niyang whiskey.
Walang imik ko siyang pinonood na sinasalin ang dalawang baso. "Ayokong ilubog ang sarili sa alak. Gusto ko iba naman,"wika ko sa flat na boses. Kinuha ang baso at isahang tinunga ang whiskey.
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
RomanceThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...