Mikhael~
Nakasalpok ang kilay kong sinasara ang shirt ko. Habol ang hininga at pawisan kong pinakawalan si Althea matapos pumasok ang sekretaryo ko. Tila isang ipo-ipo na tumakbo palabas ng opisina ang marketing manager. Nakanganga si Joaquin na nakita kaming naglalampungan. Lumunok siya at inayos ang sarili.
"I'm sorry for intruding,sir. It just urgent. Mr. Phoenix Henderson wants your present,"maagap niyang imporma.
Kasalanan kong hindi sinagot ang intercom. Nadala ako ng init ng katawan kesa atupagin ang trabaho ko.
"Fine. Sabihin mong darating ako within 20 minutes,"anang ko habang tinatali ang necktie ko.
Tumango lamang siya bago umalis. Tumingala ako sa kisame para bumuntong hininga. Sarap na sarap na ako sa ginagawa ko saka pa naman didisturbihin. Ngumisi ako ng nakakaloko. Pakiramdam ko nagtagumpay ako sa parusa kay Althea. Kaso nabitin ako, siya lang ang nag-enjoy hindi ako. Babawi ako sa susunod.
Kinuha ko ang cellphone at susi matapos kong isuot ang blazer. Tuloy-tuloy akong dumeretso sa underground parking lot.Pinili kong magmaneho kesa magkaroon ng driver para kahit anong oras malaya akong makagalaw.
Sa awa ng Diyos, walang traffic kaya mabilis akong nakarating sa mansiyon ni Phoenix. Sumagisit ang mabibigat na double mahogany door ng modernong bahay ng pinsan ko. Lumakiang mga mata ko nang sumambulat sa 'kin ang magulong sala nito. Nagtaka ako kung nasa battlefield ba ako o sa bahay niya?
Nagkalat ang mga botelya ng alak sa sahig, naapakan ko pa ang ilang basag na baso at bumalentong din ang mga furniture na para bang may dumaan ng bagyo rito. Pumalatak ako at napailing-iling. May kung anong bagay na nagpaikot ng sikmura ko. I knew Phoenix wasn't doing well, but this was worse than I expected.
Dumiretso ako ng tingin. Sinipa ko ang basag na vase bago humakbang patungo sa kwarto niya. Naalala ko kung paano nagpakasal si Phoenix—isa siya sa maraming biktima ng shotgun marriage. Napalitang iuwi ng bahay ang babaeng inakala niyang nabuntisan niya. Ang totoo, fake pala. Syempre nagalit ako noong una pero pinayuhan ko siya na hayaan na lang ito. Kusa 'yang lalayo kapag di mo tratuhin ng tama, mapuputol din ang paghihirap mo. Parehas din kayong biktima kaya pagtiisan mo muna.
Nasa kutob ko na nag-away sila at nilayasan siya ng babae. Iyong asawa niya na nasa kasal ko lang na meet at hindi ko matandaan ang pangayan. Nunca kasi nitong binabanggit kapag magkita-kita kami. Hindi kasi naging affectionate si Phoenix sa asawa,natakot nga ako noon na baka binago siya ng kasal niya. Nakahinga ako nang malamang hindi niya ito pinahahalagaan. Ngayon ngingiti ako kapag malaman kong wala na sila. May pagkaprofesiya rin pala ang dila ko kung ganoon.
"Phoenix?"Tawag ko, pumagting ang boses ko sa hungkag na pasilyo. Walang tugon. Sinipat ko ang isang silid na bahagyang nakabukas. Tumakbo ako nang marinig ang pagbasag ng bote sa sahig.
Nataranta kong tinulak ang pinto. At heto siya, nakaupo sa sahig na nakasandal sa kama, may tangan siyang di pa nakakalahating botelya ng vino. Pulang pula at sabog uang kanyang buhok. Pinaliligiran pa siya ng mga walang laman na botelya. Hindi ako makapaniwala na na desperado siya.
"Phoenix, what the hell do you think you are doing?"maingat kong sumbat.
Hinubad niya ang suot na blue button up short at mabilis na hinagis sa isang tabi. Nasabit iyon sa gilid ng bookshelves.
"It's because of her!"hiyaw nito. Namamasa ang tintagong luha sa kanyang mga mata.
Kumunot ang kilay ko imbes na tugunan siya. "Tell me what really happened."
"My own beloved wife framed me,"anito saka pinakawalan ang pagak, walang bahid ng ngiti niyang boses.
Napakurap ko. "Framed you? What the fuck are you taking about?!"
"Nilasing niya,hindi ko na malayan na I already sleep with her and made me sign the divorce papers." Padaskol niyang nilagay sa sahig ang hawak na bottelya, sanhi ng pagkalat sa sahig ng pulang likido ng ubas.
Imbes na maging masaya na wala na sila ng asawa, bigla akong natuod sa sinabi niya. Na-dumbfounded ako ng sampung segundo. "She tricked you into signing the divorce papars?"
Eksasperado siyang tumango na halatang. Tinungga ulit ang iniinom niya. "Hindi ko matanggap na pinaglaruan niya ako. At ang malala... nilayasan niya ako!"
Tumango-tango ako. "Is that what you want right?"
Sinukalay niya ang magulong buhok gamit ang daliri "I don't know. Hindi ko naiintindihan ang feelings ko para sa kanya. Nalilito ako,"aniya.
I sighed, kinamot ko ang sentido."Makinig ka nga sa 'kin, insan. Hayaan mo siya. Let her go. Tignan natin kung makakaya niyang panindigan ang ginawa niya. She doesn't deserve you, ipokritang babaeng 'yon,"agal ako. Di ko natitiyak kung tama ang advice ko, basta sinabi ko lamang ang nasa puso ko.
"Don't badmouthing her!"asik niya na kinagulat ko. Bigla niyang pinagtatanggol ang ex-wife niya. Siya pa nga noon ang sama ng turing dito.
"I can't leave without her. Minumulto niya ako ng bawat ngiti at presensiya niya,"sabi muli nang hindi ako nakaimik. "You don't get it, Mikhael. She's everthing to me. I think I'm in love with her." Dumaloy ang mga luha nito sa mga mata at nakatiim bagang na pinunasan ang mukha.
"What!?" Nanginig ako sa rebelasyon niya. Lahat ng payo ko noon bale wala nang sasayang. Bahala siya kung ma-in love siya. Ang importante masaya siya.
"Hindi mo ito maiintindihan. Nababaliw na ata ako sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung ano ang pinakin niya sa kin?"
"Oh, stop it,"nawawalang pasensiya kong saad. "Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Wala akong masabi sa'yo,Phoenix. Gulo mo 'to. I can help you with the business, but when it comes to this...you're on your own."
"I don't know. She's gone and I'm lost,"nauubos ang lakas nitong wika. Tinignan niya ako na para siyang natalo niya ang malaking pera sa casino.
Dinurog ng konsensiya ang puso ko, naawa ako sa kanya pero alam kung wala na akong magagawa sa problema niya. Nandito lang ako para patahanin siya. Kilala ko siya sa pagiging impulsive, minsan reckless pero ang ganitong bagay ay dapat niyag maging responsabile.
"I know it's hard.. But you need to figure this out. You can't stay like this. You can't drown yourself in alcohol. Hindi naman nito magagawang mapabalik ang asawa mo."
Tumingala siya sa akin. "Paano kung hindi talaga?"
"Simple lang, kailangan mong matutong mabuhay na wala siya."
Hindi ako magaling sa ganitong bagay. Minsan masasamang payo ko ang sinusunod nila. Hindi ako ang tamang tao para samahan siya. Sa kanya na 'yon kung gusto niyang lumabas sa lungga niya o ililibing niya ang sarili.
Namulsa ako. Tinalikuran siya. Humakbang palabas ng bahay niya. Napuna kong wala ang mga kasambahay niya, siguro tinanggal sa trabaho. Hinihilot ko ang noo nang marating ang sasakyan. Nawa'y malampasan niya ang mga pagsubok niya sa buhay.
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
Roman d'amourThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...