Althea~
Maaga akong pumasok ngayon. Pinilit kong kalimutan ang naging konprontasyon namin ni Mikhael kahapon. Dapat ipakita kong professional ako. Gaya ng sinabi ko sa kanya, ang trabaho ang sadya ko rito. Wala akong pakialam kung may nakaraan kami. Matagal ko na siyang kinalimutan. Pero hindi ko siya mapapatawad sa pagsisinungaling niya,binilog at ginamit niya lamang ako. Gagawin ko ang lahat para itago sa kanya si Raven. Titiisin ko kahit pahirapan niya ako.
Masigla akong pumasok ng opisina. Taas noong may ngiti kong binati ang ilang empleyado. Hinawi ko ang buhok bago tuluyang pumasok.
Sumapit ang alas dyes ng umaga. Tinawag ko ang buong team para sa isang emergency meeting. Pag-uusapan namin ang mga bagong plano ng CEO.
"Okay, team, let's focus on refining the advertisement copy for the new campaign. Kailangan ko rin ang input niyo para tignan kung pasok ba ito sa project,"sabi ko habang tinatapik ang fountain pen sa lamesa para idiin ang punto ko.
Mistula kaming mga langgam sa sobrang abala ngayon na nilakipan pa ng excitement habang nagbi-brainstorming.
Abala ako sa pagsusulat nang lumapit sa akin ang isang empleyado. She is Marissa Falcon, one of my junior associates.
"Ma'am, may kaunting aberya po sa pangatlong ad proposal,"balita niya saka pinakita sa akin ang print out habang nanginginig. Sumalpok ang kilay ko nang binuklat ang mga documento na inabot niya sa akin. It was our latest pitch for a luxury residential project, complete with glossy photos, catchy taglines, and sleek formatting.
"Ano ba ang mali dito?"Tanong ko na unti-unting bumibigat ang pakiramdam.
"Umm, tignan mo ma'am... parehong-pareho nito sa kalaban nating kompanya,"paindap-indap na sinagot ang tanong ko.
Sinuri ko ng maigi ang papel kaso kumulo ang dugo ko nang mapansin na magkapareho talaga. May sumabutahe ng campaign ad namin. "How is that possible? Nakakasakit sa puso dahil naghirap sila para buhuin ang ideyang ito."
"Hindi ko po alam,"sabi nito na kinakamot ang batok. "Pero may anonymous na nagsend ng email nitong umaga saying we might be facing a plagiarism issue. They also attached a link to the competitor's campaign. "
I snatched up my phone and hurriedly opened the link. My heart dropped as I scrolled through it. The color scheme, the layout, even the copywriting—it was practically a mirror image of our concept. The only difference was the company logo plastered on top: Urban Luxe Realty, one of our fiercest competitors.
"Hindi pwede 'to,"usal ko, ginagambala na ng takot at kaba ngayon. Kakasimula ko pa lang magtrabaho, heto kaagad ang mangyayari sa akin. Diyos ko, hindi ko na alam ang gagawin.
"What should we do,maam?" Tanong niya sa akin, nataranta rin gaya ko.
"Kailangan natin mag—"hindi ko natapos ang pagsasalita nang biglang bumukas ang pintuan ng aming department. Napaangat ng ulo ang lahat sa malakas na pagbukas ng pinto.
Heto sa harapan namin. Ang arogante at malamig naming bossing. Pinatahimik niya ang lahat sa tindi ng maawtoridad niyang tindig. Nilipat-lipat niya ang tignin sa pagitan naming dalawa. Napansin kong may hawak siyang folder.
"Care to explain this, Ms. Marquez?"paangil niyang tanong.
Bago ako nakasagot ay bigla niyang tinapon ang folder sa kin. Sekreto akong napa-aray nang tumama iyon sa dibdib ko. Ilang saglit bago ko maproseso ng kompleto ang nangyayari. Nakita kong nagkalat sa sahig—it was the same proposal I had just been examining.
Narinig niya kaagad ang plagiarism issue. Grabe ang tindi ng boss ko.
"Sir,I will explain—"
"You what?" Putol niya. Uusok ang ilong at tila kakain niya ako ng buo. "You were going to explain to me how my company’s marketing manager thought it was a good idea to present a plagiarized campaign?!”
Ngumiwi ako sa malakas niyang boses na binulabog ang buong opisina.Nasa amin ang atpensyon ng lahat. Nakikita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang pangalumbaba, malapad ang mata at takot sa itsura nila. I felt the heat of a dozen pairs of eyes on me, watching, judging. Humiliating me.
Natutunaw man ako emotionally ang morally, hinding hindi ako aatras.
"H-Hindi ito, Sir. Ang totoo wala akong kaalam-alam—"
"Walang alam?"singhal niya, nanuot ang maitim niyang mga mata sa akin. Sinikap kong huwag matakot. “Are you seriously telling me that as the head of this department, you didn’t know your team was copying ideas from our competitors?”
"Hindi ganoon iyon!"welg ko, umiinit ang mukha ko sa magkahalong galit at hiya. "Hindi ko hahayang gumawa sila ng ganito, kilala mo ako, Sir—"
"H'wag mo akong taasan ng boses!"he snarled, may suklam sa tono ng pananalita niya. Isang mali ko ay tiyak na pupulutin ako sa kangkungan. "Remember, in this place, you are nothing more than another one of my employees. And right now, you're an employee who's on the verge of costing us millions.
Parang sinipa ako ng kabayo sa mga salita. Iyong Mikhael na nakilala kong sweet at halos hindi makabasag pinggan ay naging isang dragon sa harapan ng lahat. Binuksan ko ang bunganga para depensahan uli ang sarili subalit pinatahimik niya ako gamit ang mapanganib niyang mga mata.
"May ideya ka ba kung ano ang kakahantungan ng repustasyon natin?"patuloy niya sa malakas na boses. "Kapag nalaman nila na nagnanakaw tayo ng ideas, siguradong magpu-pull out ang mga investors, mas mabilis pa sa pagiging 'unemployment' mo."
Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin.
"Please, aayusin ko ito sir. Just give me a chance,"pagsusumamo kong saad.
"Aayusin? Sa tingin mo nag-aayos lang tayo ng gripo? Althea, this is a direct attack on our credibility as a company." Tinuro niya ang nakakalat na mga papel sa kanyang paanan.
Kung pwede lang tumago sa ilalim ng lamesa, ginawa ko na. Tila tinutuhog akong parang liston ng mapanuring tingin ng lahat. Ang malala pa, hindi inaalis ni Mikhael ang nakakasulasok niyang tingin sa akin.
"Pangako hahanapin ko kung sino ang may kagagawan nito. Titiyakin kong pagsisihan niya ang ginawang 'to,"pangako ko.
"Gawin mo na agad kung ayaw mong masisante ka!"malamig niyang babala.
Kumislot ako sa mala-kutsilyo niyang pangungusap. Saglit naalala ko ang mga ngiti niyang punong-puno ng buhay at sigla. Ibang-iba sa CEO na kaharap ko.
"Get out,"maawtoridad niyang utos na tinatalikuran ako. "At h'wag kang babalik kung wala kang matinong paliwanag."
Mabilis niya akong tinalikura at ni hindi niya ako hinintay na tumango. Nanliit ang puso. Pinigilan ko ang mga luhang pinasasakit ang mga mata ko. Pinulot ko ang mga papel at inilayasan sila kahit na ramdam ko ang mga titig nila sa likod ko na kanina pa nila sinusunod.
Gusto kong humiyaw,sumigaw at gagawa ng paraan para tanggalin ang lahat ng kahihiyaan na dumadaloy sa aking mga ugat. Pero pinakita kong malakas ako, I kept my head high and forced myself to walk calmly out of the office.
Nasa coffee shop ako, sumisipsip ng kape para madagdagan ang nyerbos ko. Huminto ako sa paghigop nang tumunog ang cellphone na nasa magulo kong hand bag. Nakasalpok ang kilay kong kinalkal ang bag. Halos patapos na ang pagtunog nang mahuli ko ito at mabilis na sinagot.
"Thea, pwede ka ba ngayon? Sinugod si Lolo Fern sa hospital, biglaang nag-convulsion,"natatrantang imporma ni Nova na kinabilis ng takbo ng puso ko.
Hinawi ko paatras ang buhok. Dumagdag ang alalahin ko. Kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung paano sosolusyunan ang problema sa opisina. Kung hindi lang ako malakas siguro'y nasiraan na ako ng bait. "Nandito ako ngayon sa coffeeshop malapit sa kompanya. Pupunta agad ako. S'ya nga pala, nasaan si Raven?"
"Magkasama kami ngayon. Nagda-drive ako papunta ng hospital,"tugon niya.
Bigla akong nahilo. Hinawakan ko ang sentido at tinukod ang kamay sa lamesa. Sa sobrang stress, tila nagkakasakit na ako. Idadag pa ang hpyoglycemia, nakulangan ako sa pag-in take ng sugar ngayon. Para kay Lolo Fern at kay Raven dapat akong maging matatagal.
"See you,then." Pinatay ko ang cellphone at muling isinilid sa bag. Inayos ko ang sarili. Sumukbit ang bag at marahang nilisan ang coffee shop.
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
DragosteThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...