Mikhael~
What shock me the most is to meet again the woman who ghosted me for 7 years. Imbes manabik ako sa kanya ay sinuklaban ako ng matinding galit. Nangagalaiti ako hanggang sa naisip kong parusahan siya. Siguro tinadhana na mapadpad siya sa kompanya ko upang pagbayaran ang ginawa niyang pag-iwan sa akin na walang paalam. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon. Naatat akong marinig ang eksplenasyon.
Tinapik ko ng malakas ang lamesa ko matapos niyang lumabas. Nauubusan ako ng hangin sa galit ko sa kanya. Dumapo ang mga ko sa botleya ng whiskey sa isang tabi. Padaskol akong nilapitan. Nakatiim bagang na binuksan at sinalinan ang nakahandang baso. Ininom ko kaagad. Sumingkit ang mga mata ko nang dumaan ang mainit na likido sa aking lalamunan. Subalit hindi matatanggal nito ang apoy sa puso ko. Lumubha pa ata. Sinapo ko ang gilid ng aking sentido.
Hindi ako na kontento, kinuha ko ang kaha ng sigarilyo na matagal ko nang hindi ginagalaw. Kumuha ako ng isa, mabilis na sinindihan at nilagay sa bibig ko. I took a slow drag, feeling the burn of smoke fill my lungs before I exhaled, watching the thin tendrils swirl into the space. Umaga-umaga naninigarilyo ako. Ginagawa ko lang kapag lugmok ako ng problema.
Umupo ako sa leather couch at naalala ko muli ang huli naming naging pag-uusap.
"Why did you leave?" Sumabog na animo'y bomba ang boses ko bago ko mapigilan ang sarili. Nanikip ang dibdib ko habang tinitignan ang kanyang sariwang mukha. "Why, Althea? Answer me!"
"I had my reasons,"nakayuko sa sahig na anas niya.
Lalong tumindi ang pag-usok ng ilong ko sa hindi niya pagtingin ng deretso sa akin. Nagpapakita siya na totoong guilty siya sa pag-iwan sa akin.
Pumalatak ako. Pinalipas ang ilang sandali bago ako humugot ng hininga. "What reasons? Bakit sinaktan ba kita noon? May ginawa ba akong mali?"
"No,"depensa niya sa mahinang boses na halos hindi ko marinig.
"Then what was it?"angil ko. Nilakihan ko ang hakbang palapit sa kanya. Nanilim ang paningin kong hinablot ng marahas ang kaliwang braso niya, pinwersa ko siyang tumingin sa akin. "Damn it, Althea, I went crazy looking for you. Hindi ako natulog, o kumain sa pag-aakalang may masamang nangyari sa'yo. Tignan mo ang iniwan mo. I still suffering insomia because of you!"
"Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadyang saktan ka at hahantong ka sa ganito,"usal niya na bahagyang nanginig. Tinignan niya rin ako sa wakas, napaurong ako nang matanaw ang sakit sa kanyang mga mata na animo'y pana na tumagos sa akin.
"Then why?"pamimilit ko matapos ko siyang binitawan. Hinilot niya ang parte kung saan ko siya hinawakan. Nagsisi ako ng kaunti sa inasal ko. Pinilig ko ang ulo. Hindi ako pwedeng maawa sa kanya. Dapat ko siyang parusahan.
"Kung hindi mo na ako gusto, kung hindi mo na ako mahal dapat sinabi mo kaagad kaysa mawala ka ng ganoon. Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin!"
Ginawaran niya ako ng mapait na ngiti sabay tango. "Kalimutan mo na ako, Mikhael. I-I'm just part of your past."
Inirapan ko siya, nalunod sa katahimikan. She sounded so final, so detached, as if our time together had meant nothing.
"Akala mo ba makakalimutan kita ng ganoon kadali. Nagkakamali ka, Althea. Pero kung 'yon ang gusto mo. Fine. Thank you for loving me in just two weeks!"
Pinikit niya ang mga mata ng saglit,, ramdam ko kung paano niya inipon ang kanyang lakas. Bumuga muna siya ng hangin bago magsalita.
"Just let it go."
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
Storie d'amoreThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...