ALTHEA
"Beau,"agaw pansin ko kay Beaumont Henderson sabay katok ng pinto.
I found him packing up the last of his things-a collection of framed photos, books, and the small potted plant that had somehow survived the chaos of corporate life. Parang kailan lang, kasama ko pa siya sa pagtatapos ng huling project. Ngayon ay dumating ang araw ng kanyang pag-alis. Ang pinakaunang pinsan ko na naging ka-close ko, malamang hindi ko kilala ang iba noon. Kung hindi ako naging Henderson ay di sila magpapakita ng interes. Angkan talaga sila ng weird na mga tao.
"Althea. Just in time for my grand exit,"aniya matapos akong angatan ng ulo na may malindog na ngiti.
Pumanhik ako sa loob, itinukod ang dalawang kamay habang sinasara niya ang maliit na kahon at pinatong sa itaas ng ibang kahon. "So, ito na talaga? Hindi na mapipigilan ang grand exit mo?"
He chuckled, running a hand through his hair. "Feels strange, doesn't it? Iiwan ko ang kompanyang kinalakihan ko at parang naging battle ground na rin. Marami-ramig alaala akong maiiwan dito." Ngumuso siya at nilibot ang paningin sa palagid, ang dating masiglang espasyo ay naging hunkag. Ako ang susunod na mag-ookupa nito, malamang.
"I can't believe you're really doing this," sabi ko, saka kumibit-balikat. "Pero proud ako sayo, Beau. Magsisimula ka ng bagong business, hindi 'yon madali pero hanga ako sa kagitingan mo."
Tumango siya, unti-unting lumambot ang ekspresyon. "It wasn't easy decision, Atlhea. Henderson Enterprises has been my life for years. But.. it's time. I want something that's mine, something I can build from the ground up."
"Sigurado ako do'n. Ikaw ang pinakamahusay na VP sa buong kompanya. Alam kung makakatayo ka sa sariling mong kompanya na ikaw mismo ang CEO."
Bumuga siya ng hangin. "Saka nagkasiraan kami ni Tito dahil sa pagiging sakim."
"Wala kang kasalanan. Nadamay ka lang sa galit ni Dad kay Aurelia. Pero malaki ang pasasalamat namin sa Dad mo kahit wala na siya ay malaking naitulog niya noong napariwara si Dad."
Kinwento ni Mikhael ang history ng kompanya at naantig ako sa kasipagan ng nakakabatang kapatid ni Dad. Ito ang naging kaabay niya noong nasa suliranin siya sa buhay. Naligtas nito sa bingit ng kalugian.
"Oras na rin para kalimutan ang lahat,"tipid at walang emosyon niyang saad na nilipat ang sarili.
Mariin kong nilapat ang mga labi. "I just wish Mikhael could be here to see you off."
"Me too. But I know he's with us in spirit, as dramatic as that sound." Binuhat niya ang isang kahon.
Wala si Mikhael ngayong umaga dahil may inasikaso sa H tower. Patapos na rin at sa makalawa, eksaktong kaarawan niya'y bubuksan namin.
Pareho kaming tumawa, winaksi ang lahat ng bad vibes na lumulutang sa ere.
"I want you to know,"mayamaya ay sabi niya, naging seryoso ang tono ngayon. "I've always believed in you and Mikhael. No matter what happened in the past or what challenges come your way, I'm rooting for you both. You deserve happiness, Althea."
Napamulagat ako. Kunti na lang ay mapaluha ako sa sinabi niya. "T-Thank you, Beau. That means a lot."
He reach out, placing a hand on my shoulder. "Promise me you'll take care of yourself- and Mikhael too, even if he's being his usual stubborn self."
Tumawa ako, pinunasan ang ilang butil ng luha. "I promise."
Ilang sandali kaming natahimik. Tumikhim siya at binaba ang tingin sa picture frame na may larawan ng asawa niya.
"Saka ikaw rin, alagaan mo ang sarili mo at si Adelaide,"sabi ko.
"Hindi ko inaakala na naging ganoon ka daldal si Adelaide sa'yo. Daig pa niya si Chandria. Kung makipag-usap sayo parang ilang taon na kayo magkakakilala."
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
RomansaThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...