Althea~
"Kakalabas lang namin ng airplane. See you later, Lo,"imporma ko kay Lolo bagamat pagod ako sa byahe pinakita ko na nasasabik akong makita uli sila. Tinapos ko ang tawag. Sinilid uli ang cellphone sa bag. Tipid kong ningitian ang anak ko nang magtagpo ang aming mga mata.
Nakapila kami ni Raven sa Immigration. Maraming tao kaya tiyak na matatagalan kami. Hinawi ko ang magulo niyang buhok. Nakatulog siya ng maayos sa byahe. Swerte ng anak ko. Samantalang ako, hindi ko magawang umidlip sa maraming bagay na lumiligalig sa akin. Nababalisa ako sa muling pagbabalik sa Pilipinas. Buong akala ko manatili na kami doon for good. Subalit hayun ang matuksuing tadhana, nais talaga akong pabalikin dito. Isang bagay lang ang iiwasan ko ngayon; ang muling pagkrus ng aming landas. Umaasa ako na hindi talaga kami magkita muli.
Mabuti pang pagtuunan ko ng pansin ang anak ko ngayon. Nahihiwagaan ako kay Raven sa pagiging kalmado niya ngayon. Ang 7 years old ko na nag-iisang anak na kinilalang 'batang peste' ng lahat dahil hindi siya mapakali at palaging puno ng enerhiya. Pakalmahin lang ng limang minuto pero mayamaya doon na, gumagawa na naman ng kalokohan. Kasalanan ko rin ito bagkus napapabayaan ko siya minsan dahil nilulubog ko ang sarili sa trabaho.
"Excited ka na bang makita ang Lola Amelia at Lolo Fernando, 'nak?"nakangiti kong tanong.
Inangat niya ang ulo. Kumislap ang galak sa kanyang bilugin at tila butones na itim na mga mata. "Medyo,"pakli niya.
Umurong ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?"taka kong tanong.
"Kasi... I never meet them in person. I really don't know if they are good or bad people. Still, I don't trust Lolo Fernando. He's like Gru." Pagkasabi nun ay tinikom ang bibig saka tumitig ng deretso.
Gru? Sino'ng Gru? Ah, naalala ko na. Ang bida sa cartoon na Despicable Me. Natatawa akong sinapo ang noo. Pati ang lolo, pinagkamalang kontrabida.
"'Nak. Don't be like that. Malulungkot ang lolo mo kapag tatawagin mo siyang Gru,"saway ko.
Kumibit balikat siya. "Mom, great grandpa,don't know about Gru so I can call him like that."
Namumuo ang frustration ko. Marahan kong tinapik ang likod niya. "Huwag mo gagawin kay Lolo ang pinanggagawa mo sa Belgium. Don't make me angry again, or I will not give your Nintendo switch, and I will ban you from playing your Lego set,"babala ko sa kanya.
Hinila niya ang damit ko. Tinignan niya ako pero hindi ko siya pinansin. "Sorry, Mom. Please don't be like that. I'm dying to have my Nintendo Switch. I missed playing it."
"Bahala ka,"sabi ko. Umaastang nagagalit sa kanya.
Niyakap niya ang beywang ko. Umaandar na naman pagka-nanay ko. Hindi ko mapigilan maawa sa kanya. He looks like a puppy, I want to pet him.
"Fine. Basta magpakabait ka sa Lolo mo,"wika ko. Wari'y nainis ako tinulak ang ulo niya.
"Thanks, Mom!" Mabilis siyang kumalas at binalik ang sarili sa dating posisyon.
Bumuga ako ng hangin. Ginugulo ang buhok niya habang naghihintay ng turno namin.
Pinunasan ko ang ilang butil ng pawis sa noo pagkatapos kong nilagak ang apat na maleta sa trolley. Papalabas na kami ng arrival area nang bigla akong kinilibit ni Raven.
Nakataas ang kilay kong tinignan siya.
"Mom, can I buy orange juice?"tanong niya. Sumasayaw ito habang naghihintay sa sagot ko. Noong una, ayaw kong pumayag pero nang makita ang cute niyang mga mata. Tumango ako.
Tumawa ang pilyo kong anak. Hindi siya nagsayang ng oras at kusang tumakbo palayo sa akin. Hindi ko nagawang pigilan ang kamay niya sa sobrang bilis niya.
BINABASA MO ANG
How to hide the Billionaire's Child
Lãng mạnThe Henderson Series Book 1 ------- AVAILABLE IN GOOD NOVEL Seven years ago, Althea Marquez was ready to share life-changing news with Mikhael Bryce Henderson-the love of her life-when she discovered he had returned to his ex. Heartbroken, Althea fl...