43

43 4 0
                                    

Althea~

I nibbled on my bottom lips. Lumalabo ang paningin ko habang minamasdan si Matteo,ang aking ama. Tila nasu-suffocate ako sa malakas ng tensyon na lumalaganap sa ere. Nakatayo ako malapit sa bintan ng CEO office, samantalang si Dad ay nakasandal sa mahogany desk. Umakyat-baba ang aking dibdib sa mga salitang binitawan niya. Mistulang sinasakal ako ng kabigatan ng desisyon niya. Nagmula no'ng inanunsyo niya sa publiko na ako ang bagong CEO ay di na ako makaisip ng deretso, kinukulang na ako ng tulog at napuno ako ng pighati sa loob. Wala siyang pake kung magdusa ako sa padalos-dalos niyang desisyon.

"Dad, maawa kayo. Hindi pa ako handa. H-Hindi ko maha-handle ang ganito kalaking obligasyon,"sabi ko,   pinahiran ko ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo ko gamit ang aking kamay. Now, my palms were clammy, and I wiped them nervously against my skirt, but it did little to ease my growing anxiety.

"You'll do this, Althea. The board is waiting. This is your responsibility now, whether you like it or not,"giit niya. Tinuwid niya ang tindig at humakbang palapit sa akin.

"D-Dad, nandito pa naman si Mikhael. Bakit—"

"Hindi ko siya totoong anak,"putol niya sa matigas na ekspresyon. Kitang-kita ko ang sinseridad sa kinang ng kanyang mga mata kaya sigurado nagsasabi siya ng totoo. Nagtagumpay siyang alamin ang totoo. May namuong lungkot sa isang parte ng puso ko subalit di ko matanggi ang saya. Binagyan kami ng chance ni Mikhael at walang bahid ng karumihan ang pagkaroon namin ng anak.

"A-Ano?" Naging reaksyon ko. Naumid ako ilang saglit bago humugot ng malalim na hininga.

"That's why he doesn't have the right to claim this company.  It is better to give this to you than Beau,"mahina niyang saad. "You don't have a reason anymore to deny this position. You'll take over the construction of H tower."

Pagkasabi'y hinablot niya ang kamay ko—muntik akong nasubsub sa lakas ng pagkahatak niya. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko habang kinakaladkad ako patungong conference room. Nagpatawag siya ng emergency meeting para rito at hindi ako handa na harapin sila. Alam ko ang capacity ko–makakaya ko naman ang pagiging CEO pero di sa ganito kalaking kompanya.

"Dad,please..."pakiusap ko. I felt my knees buckle slightly, and my vision began to blur as I struggled to keep up.

"H'wag nang matigas ang ulo,"saway niya.

Biglang bumilis ang paghinga ko kasabay ang pagtulin ng ikot ng mundo, naha-hyperventilate ako.

"Dad, parang... di ko... kaya..."nauutal kong sambit nang sinunggaban ako ng hilo.

Naglalakad kami sa pasilyo pero di ko maanigan ang sahig. Umaatake ang hypoglycemia ko sa ilang araw na di ako kumakain at natutulog ng maayos.

"Althea!" Narinig kong tawag ng pamilyar na boses na gustong-gusto kong marinig.

"Matteo, what the hell is going on here?" Tanong niya kay Dad sa kalmadong boses pero binabalot naman ng lamig.

Niluwagan ng ama ko ang pagkahawak sa braso ko. Nasa hilatsa niya ang galit. "This doesn't concern you, Mikhael. Get out. I have a company to run, and my daughter has a duty to fulfill."

"Nandito ako para iligpit ang mga gamit ko,"agaran niyang katwiran.

Dumidilim ang mga mata kong tinignan siya. Bumakat ang pag-alala sa kanyang hitsura, malamang nahalata niya na di normal ang mukha ko.

"Althea, are you alright?" Usisa niya. Lalapitan sana ako pero hinarangan siya ni Dad.

"Back off. Hindi ito oras para guluhin ang anak ko,"pananaboy ni Dad.

Dismayadong pumalatak si Mikhael. Atat siyang tulungan ako pero di niya magawa. "Di mo ba napapansin na di normal ang kinikilos niya?"

"Shut—"

How to hide the Billionaire's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon