8

90 11 0
                                    

Mikhael~

Kanina pa ako natatawa sa babaing katabi ko rito sa elevator. Tuwing aakma akong silipin ang mukha niya, agad naman niyang tinatago. Lalo akong naku-curious sa kanya. 

"You know, hiding behind a folder isn't exactly subtle,"sarkastikong saad ko.

Ang ordinaryo at plain white na folder ay bahagyang nanginig mula sa pagkakahawak niya. Pinigilan ko ang paghagikhik baka lalo siyang matakot sa 'kin. Sumandal ako sabay kibit balikat. Nanahimik ng ilang saglit subalit ramdam ko ang tensyon niya. 

"Relax, I don't bite,"sabi ko na bahagyang ngumingisi nang tinignan ko uli siya.

Inayos niya ang pagkatakip ng folder sa kanyang mukha. Pinasadahan ko na lamang siya ng tingin mula paa hanggang dibdib. Siya'y balingkinitan, maputi, simpleng manamit at hindi siya nakasuot ng sapatos na may takong. Iyan ang gusto ko sa mga babae–i like modest girls like my Althea. Kumirot ng kaunti ang puso ko nang maalala siya.

"I–I'm not scared,Sir,"she stammered unconvincingly, and I couldn't help the chuckle that escaped me.

"Mabuti naman,"usal ko nang tyempong bumukas ang elevator. Sa wakas, dumating din sa aking destinasyon. Hindi ko na magugulo ang babae.  Namulsa akong lumabas sa elevator. Iniwan siyang mag-isa at dumeretso na  sa aking opisina.

Kung gaano kabilis ang pagngiti ko sa babae kanina ganoon din kabalis ang pagbusangot ko. Kunot noo kong pinihit pabukas ang pinto. Subalit pagkaangat ko ng ulo, tumama kaagad ang tingin ko sa isang bulto ng lalaking  nakaumupo sa ibabaw ng aking mahogany working desk. What a pleasant sight! Ang hudyo, dinungisan niya ang malinis kong lamesa.

"Nicola, what do you want this time?"bungad ko sa kanya. Great. Kasisimula ko pang pasakitin ang ulo ko sa lahat ng bagay nahaharapin ko ngayong araw, umeksena siya kaagad. Malamang hindi ito natulog kagabi kaya dumertso kaagad sa opisina ko.

"Yo,Mikhael!"he mumble, nakangising mitulang sinapa na tuta. His eyes were bloodshot,magulo ang walang ligong buhok na tila hindi nakatulog ng ilang araw–mga sensyales ng pagiging adik sa casino. Nagpapasalamat ako ng kaunti dahil hindi sa babae siya nalulung kundi sa sugal. Kung sa babae malamang marami na siyang panganay. Bumaba siya sa lamesa ko nang nakangiwi akong dinaanan siya sabay tapon ng briefcase ko sa lamesa at sumalapak sa espesyal kong upuan. Ang aking trono.

"I don't have time for this,Nicola,"paangil kong bigkas sabay masahe sa aking sentido. "Kung maghihingi ka ng pera, 'ayoko' ang sagot. Natalo ka na naman ba?"maitim ko siyang tinignan, hinamon ko siyang huwag itong ikaila.

"Not this time,"umiiling na usal niya. Nangingislap ang mga mata. "It's not about money. It's sensitive... paano ko ba sasabihin."

Napasabunot siya ng buhok na umupo sa harap ko. 

Padaskol akong sumandal, nagtulak-balikat. "What is it this time, wasting your time here like this?"

Siya 'yong tipong hinahabol at hindi sinasayang ang oras. Trabaho, casino at bahay lang ang routine sa buhay. Kilala ko rin siya kapag may problema, tatakbo agad siya sa akin kahit saang lupalpo ng mundo ako.

"It's about a woman,"mabilis niyang siwalat. Desperadong mga titig ang pinukol niya sa akin.

Inikot ko ang aking mga mata. Teka, mali yata ang narinig ko. Babae ang promblema niya? Unang beses'yon ha? Nagkakainteres na siya o baka naman napagtanto niya na hindi habambuhay na bachelor. 

"Oh,great. Finally you have an issue with women huh? But I'm sorry I'm not interested in your drama,"nababagot kong turan saka pa-dismissive na kinaway ang isang kamay ko, gusto ko siyang palayasin.

"No,Makinig ka–"

"Can't handle this on your own?"putol ko. 

"Makinig ka." Pasalapak niyang pinatong ang dalawang kamay sa aking lamesa. Malalim at seryoso niya akong tinignan sa mga mata. Naawa ako sa naglalakihan niyang eyebags. "This is different. This is serious."

How to hide the Billionaire's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon